Noong natapos na kami kumain ay pumasok na kami, medyo naaasar pa ako kila Karrence at Drei dahil nagbabangayan sila sa loob ng sasakyan.
"Bakit sabay-sabay kayong tatlo?", Rinig kong tanong ni Lorine kay Drei habang nagno-notes ako.
"Nagtatrabaho ako kila Kwynn." response naman ni Drei habang nagno-notes din.
"H-huh? Why? I mean, bakit sa kanila?" , Tanong ni Lorine na ikinairita ko.
"They were looking for a new driver, naisip ko na pwede naman ako so bakit hindi?", sagot ni Drei at sumulyap sa'kin.
"Hmm, hindi ko alam na marunong ka pala mag-drive. Naghahanap din kase kami ng new driver eh, para mag hatid-sundo sa'kin sa school.", sabi ni Lorine. Sobrang irita na ko!
"Wala syang pake.", sabi ko pero pabulong lang pero sumulyap ulit sa'kin si Drei kaya pakiramdam ko narinig nya.
"Anong sabi mo?" seryosong tanong nya.
"H-huh? Wala ah… I'm taking notes here!", pag tatanggi ko.
He grinned, at ako naman ay bumalik ulit sa pag t-take notes. May exam kase kami next week, statistics pa kung saan ako mahina.
Pagkatapos ng klase namin ay dumaan muna kami sa library para manghiram ng book about statistics, mas gusto ko sa libro dahil wala akong tiwala sa Google. After kong manghiram ay umuwi na rin kami.
"Nahihirapan ka ba d’yan?",tanong ni Rence sa'kin habang binabasa ko ang librong hiniram namin.
"Hmm.. medyo.",sagot ko.
"Need help?",tanong nya sa'kin.
"Hindi na, mag review ka na lang din.", seryosong tugon ko at bumalik sa pagbabasa. Tumango na lang sya.
"Cr lang ako ah."wika nya.
Tumawa ako. "Parang bata, nagpapaalam pa."
"Kwynn.",pagtawag sa akin ni Drei kaya napatigil ako sa pagtawa. Nakabihis ng panglakad.
"Yes?"
"Magpapaalam sana ako. Pupunta muna ako sa'min, babalik din ako agad.",seryosong pagpapaalam nya.
"Bakit? May nangyari ba?",nag aalalang tanong ko.
"May kailangan lang kaming pag usapan ng tatay ko.",maikling tugon nya, bakas sa mukha nya na hindi sya okay.
"Sigurado ka ba? Are you okay?", tanong ko dahil nag aalala ako.
"Ayos lang ako."malamig nyang sagot.
"S-sige… Pumunta ka na sa inyo, ingat.",pagkatapos kong banggitin yan ay umalis na sya kaagad.
"Oh, bakit tulala ka dyan?",natauhan lang ako nung tinanong ako ni Rence, kababalik lang galing restroom.
"I'm worried about Drei…."
"Why? Is there something happened?"tanong nya.
"Wala naman.",sagot ko
"Nasaan nga pala sya?" Umupo si Rence sa tabi ko.
"Umalis. Uuwi muna sa kanila saglit, pero halata sa mukha nya na may iniinda sya.",sagot ko at nagbaba ng tingin.
"Baka namimiss lang sya ng parents nya do'n, huwag ka na mag-alala dyan."
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Mag t-twelve na ng gabi ngunit wala pa rin sya kaya sobra ang pagaalala ko. Umuulan pa naman at hindi sya nag dala ng payong, baka maulanan sya. Nang may kumatok sa pinto ay alam kong si Drei na yon kaya agad kong binuksan.
"D-drei..." pagtawag ko sa kanya nang makitang basang-basa sya ng ulan.
"Kwynn.", tumuloy sya at iniwan ang sapatos sa labas.
"Basang-basa ka, bakit ka nagpaulan? Dapat nagpatila ka muna." nagaalalang tanong ko.
"Pauwi na ko nung biglang umulan." tugon nya. Kumuha ako ng tuwalya at ibibigay yon sa kanya.
"Dapat nagpatila ka. Magbihis ka na, baka magkasakit ka pa nyan.",utos ko. Tumango naman sya at pumunta na sa kwarto nya para magbihis. Maya maya ay bumalik ulit sya sa sala.
"Bakit gising ka pa?",tanong nya sa'kin.
"H-ha? Eh? I'm waiting for you " nagbaba ako ng tingin.
"Bakit?",kuryosong tanong nya.
"Ano pa ba? Syempre, I'm worried." Sumimangot ako.
Tumawa lang sya.
"Magkwento ka naman." ani ko.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa pinag usapan nyo ng tatay mo. Nagaalala ako sa'yo kanina nung nagpaalam ka. But it's okay kung ayaw mo sabihin, I'll respect your privacy tho."
"May inutos lang sya sa'kin, 'wag mo nang alalahanin."
Ngumuso ako. "Magkwento ka naman about your family, wala akong idea about them" ngumiti ako sa kanya.
Tumawa sya nang sarkastiko. "Bakit ba kailangan mo pang malaman?" tanong nya na ikinalumo ko.
"Ah.. ayos lang naman sa'kin kung ayaw mong mag kwento. I'm just curious about you... curious ako sa kung ano ka. Pero sabi ko nga, I'll respect your privacy so I won't ask anymore."
"Ang nanay at kapatid ko ay nasa province, hindi ko masabi ang dahilan kung bakit sila nandon."
"I see, how about your father? I want to know him, Drei." Nakangiti kong sabi.
Tumingin s'ya sakin. "Aakyat na pala ako, napagod ako kanina. Goodnight, matulog ka na." paalam nya at umakyat na sa taas.
Kumunot ang noo ko, bakit pakiramdam ko ay may tinatago s'ya sakin?
BINABASA MO ANG
I love you, Criminal
RomanceI Series # 1 [EDITED & ON-HOLD] Kwynn De Chaves, came from a middle class family and studying at ISM. One day, he met Dylan Rei Atienza. Drei have a intelligent mind and aloof personality but he's soft to his love ones. But the day came when he was...