Prologue.

119 22 1
                                        

At the grocery.

"You're so successful now and you're really gorgeous, maraming nag-improve sayo ah. By the way, how are you iha?" Nakasalubong ko si Mrs.Ilagan sa grocery at halatang masaya sya na ako'y makitang muli.

"Oh, I'm fine and I'm glad to see you again Mrs.Ilagan. Kamusta po kayo?" Tanong ko habang kumukuha ng mga chips at nilalagay Ito sa cart.

"Ayos lang din ako,Kwynn. At masaya rin akong makita ka ulit" wika ni Mrs. Ilagan na napangiti ako.

"Kararating nyo lang po ba?" I asked.

"Oo, iha. Nakasalubong ko pa nga si Drei eh"

Drei? Don't be negative, Kwynn. Maraming Drei sa mundo at napaka imposible ang iniisip ko na si Dylan nga yun. Napilitan na lang akong ngumiti at hindi na nagsalita pa.

"Oh Iha, bakit parang namumutla ka? Kayo pa rin ba ni Drei? Kasi nakita ko syang may kasamang babae kanina" nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Tama ba ang narinig ko? Para akong nabingi, hindi mawari ang nadarama.

"Huh? Nagbibiro po ba kayo? Matagal na hong wala si Drei" Nauutal kong sagot. Anong ibig-sabihin nito? Maraming pumapasok sa isip ko na kahit isa ay hindi ko alam yung sagot.

Matagal na syang wala dahil may malaking kasalanan sya at ang kapalit ay ang sariling buhay nya. Isang pagkakamaling ikinasira naming dalawa. Kaya imposible ito!

"Anong ibig mong sabihin iha? Nag-usap pa nga kami kanina dito sa labas ng grocery" Naiwang nakanganga yung bibig ko. Tama ba ang narinig ko?

"H-hindi ko po alam kung anong sinasabi nyo, basta ang alam ko ay wala na sya" Nauutal ko pa ring tugon.

"Tinatakot mo naman ako iha. Basta nakita ko sya kanina. Hindi ako puwedeng magkamali."

"Baka naman k-kamukha lang po" Kunwaring tumatawang tugon ko.

"Nako, sana nga. Ah sige iha, mauuna na ako sayo ah." nginitian nya ako bago umalis.

Parang ayoko na lumabas dito sa grocery na ito. I'm overthinking! Paano kumalma? Matagal na syang wala, panong nakita sya ni Mrs.Ilagan?! Andaming katanungan sa isip ko pero ni-isa dun ay hindi ko masagot.

Hayst, don't be nervous. Kwynn, kaya mo yan. I'm sure naman na guni-guni lang yon ni Mrs. Ilagan. Lumabas na ako ng grocery at pinalakas ang loob ko.

Patakbo akong lumabas ng grocery at may naaninag akong pamilyar na mukha na nakatitig sa akin. Medyo malayo ang pagitan namin kaya medyo hindi ko sya makita. Nagulat ako nang may lumapit sa kanyang babae at kumapit sa braso nya.

"Hi, long time no see"

'Paano ito nangyare? Buhay sya? Sino yung kasama nya?'

Hindi ko namalayan ang unti-unting pagpatak ng luha ko. Paano 'to nangyare? Paulit-ulit na tanong ko sa isip ko. Inalala ko ang lahat ng detalyeng nangyari para masagot ang tanong ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Pinunasan ko yung luha ko at umastang okay lang.

"Sorry, why are you crying?" Tanong nya.

"Do I know you? And me? Crying? I'm not." Tumawa ako ng mapait.

"Drei? Sino s'ya?" Tanong nung babaeng kasama nya.

"I got to go. May kailangan akong kausapin." Paalam ko, sinundan nila ako ng tingin pero hindi ko pinansin. Kailangan ko munang makausap si Karrence.

How? Paano nyo nagawang magtago sakin ng 6 years at pinaniwala ako na patay na sya? Muli kong inalala ang nangyari noon, bumalik ang galit ko sa kanya, lahat-lahat. Hindi dapat ako masaktan kung may iba na sya, pero bakit ganito? Bakit parang dinudurog yung puso ko? At para akong nag aapoy sa galit ngayon nang napagtanto kong buhay s'ya. Fucking alive.

I love you, CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon