Kinabukasan.Good Morning Tuesday! So again, excited na ko dahil magtatransfer si Karrence sa ISM. Sa section rin namin sya magpapa transfer, pero no exact date kung kailan sya makakalipat.
Like my always routine, ganun lang ulit yung ginawa ko. Maligo, kumain and pack my things for school, and I'm nervous to see Drei for the second time.
"Pasok na ko Mom" paalam ko at sumakay na sa kotse.
At School.
Naglalakad ako papuntang classroom, looking for Drei with no reason. Baka late or maybe he's lost again. Nagdire-diretso na lang ako hanggang sa nakarating ako ng classroom. Umupo na ko sa chair ko.
"Nakita mo ba si Drei sa hallway?" tanong ni Lorine.Aba malay ko,Hindi ko nga nakita eh,ang aga aga binabadtrip na naman ako.
"No." tipid kong sagot. Speaking of Drei, where is he na ba?
Dumating na si Mrs.Ilagan pero wala pa ring dumadating na Drei.
"Nasaan na yung magrereport ngayon?Kwynn and Drei."bungad samin ni Ma'am.Hala, nakalimutan ko. I'm dead!
"Maam,sorry I'm late.Gumawa pa po ako ng chart for reporting" Sabi ni Drei pagkapasok nya ng classroom na hingal na hingal. Parang tumakbo dahil pinagpapawisan at hinihingal. Well, I'm sorry.
"Ikaw lang? anong ambag netong Kwynn?" naka taas kilay na ani Ma'am.
"Sya po ang mag rereport" ani Drei na kina-inis ko. Pumunta na sya sa tabi ko Kung saan ang upuan nya at umupo.
"Bakit ako?" tanong ko. Pinagtitinginan nila ako. Drei always want to ipahiya me.
"Manonood lang ako sayo, wala kang ambag" sagot nya.May galit ba sa'kin ang isang 'to?
"Bakit hindi mo ko sinabihan para gumawa tayo at natulungan pa kita, hindi ba?" ani ko at tumalikod sa kanya.
"Aayain sana kita kaso dumating yung special person mo." ani nya na diniin pa yung special person.
"Sorry." yan na lamang ang nasabi ko dahil tinawag na ko ni ma'am. I know, this is my fault.
"Proceed, Ms.De Chaves!" Mrs.Ilagan said with a high tone. Here she is again, bad mood na naman.
After ko mag report, maayos naman.Buti may laman pa utak ko kun'di nganga.
"Thanks, Ms.De Chaves. Next week nyo pa makikilala ang mga teachers nyo. I'll remind it to all of you na bawal magcutting, yes cutting no grades." ani Mrs.Ilagan. At after nya magsalita ng kung ano-ano, nag class dismissed na rin.
Pero parang buong oras kami hindi nag-usap ni Drei. Tama, magso-sorry pa pala ako sa kanya. Kaso nasaan sya? Hindi sya kumikibo kanina pa.
"Drei!" ayun sya nakasandal sya dun sa puno at suot-suot ang earphones. Tinanggal nya yun nang marinig ako at tumitig sakin. Bakit need ng ganyang titig?
Lumapit ako sa kanya at tumabi ako.
"Sorry pala Drei." pag sosorry ko.
"Ayos lang." saad nya in a cold tone at sinuot ulit ang earphone.
"Sabay na tayo,magc-commute naman ako. My driver is still on vacation." aya ko.
"No need,ihahatid ko si Lorine." wika nya.
What? mukhang sila na nga kaya iniiwasan na nya ko. Okay, dapat ko na rin syang iwasan, baka makasira pa ko ng relationship.
"A-ah sige,ingat kayo."
"Nakita mo ba sya?" Tanong nya.
Hanapan ata nila akong magjowa. Bakit hindi nyo itanong sa guard? or sa police station? Mukha ba kong Lost And Found?
"Pwede ba? tigilan nyo ko. Huwag nyo ko gawing hanapan ng nawawala. Ikadena nyo ang isa't isa para hindi kayo naghahanapan." I accidentally said with a high tone.Omg!
"Sorry,may naghahanap ba sakin?" tanong nya.
"Si Lorine kanina, bakit hindi kayo magkasama?"
"Is there a reason para magsama kami lagi?" tanong nya pabalik. Why you're so gulo?
"Oo, syempre boyfriend ka nya. May obligasyon kayo sa isa't isa. Hindi mo ba alam yun? baka inaagaw na pala sayo si Lorine. Ikaw din."pananakot ko sa kanya.
"I'm scared!" he said with sarcastic voice.
"Dapat lang,marami-"pinutol nya agad ang sasabihin ko nang bigla nya kong tinulak sa may puno. Mahina pero ang sakit ng likod ko.
Tinanggal nya yung earphone nya at nilagay sa bench na inuupuan nya kanina. Nakasandal pa rin ako sa puno, naninigas ang katawan ko. Laking gulat ko nang iharang nya yung dalawang braso nya sa magkabilang side ko para hindi ako makawala.
"Look, I think it's late na. Uuwi na ko."ani ko para umalis na sya pero hindi pa rin sya umaalis.
"Sabi mo sasabay ka?" aniya. Sobrang lapit ng mukha nya sakin.
"Hindi na,m-magpapasundo ako. H-hanapin mo na si L-lorine" ani ko kasabay ng pagtulak ko sa kanya pero hindi sya natinag.
"Mamaya, makakapaghintay naman sya"aniya.
"Ang gulo mo. U-umalis ka na lang sa harap k-ko, sasamahan n-na lang k-kita" sabi ko para lang umalis sya.
"Drei, you're here pala?" here she is, Drei. Your Lorine.
"Oo" sabi nya at pinakawalan na ko. Mabuti naman.
"U-uh hi Kwynn" ani Lorine.
"Hello, mauna na ko. Ingat kayo!"ani ko at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.
Why the hell I am jealous?I didn't even know him and her Lorine. Did I just met him before? No, you are just overthinking. Hindi na ko mag-iisip ng kung ano-ano.
Sumakay na ko ng jeep at after that naka uwi na ko. Wala ako sa mood ngayon dahil kay Drei, he's disturbing my mind!
At Home.
"Oh bakit ngayon ka lang? kanina ka pa hinihintay ni Karrence." my mom said.
"Traffic mom, text Karrence about that. Wala ako sa mood" I said and go to my room. I feel exhausted.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Siguro pagod nga lang ako eh bakit naman ako mapapagod eh wala naman akong ginagawa? nevermind.
At Dinner.
"Kanina, pumunta ulit si Karrence dito at nagpaalam sakin na pupunta sya sa kwarto mo. Alam mo?" tanong ni mom sakin.
"Hindi. Sorry wala ako sa mood ngayon, sorry" sagot ko.
"Why honey? Is there a problem? Kung may problema ka, magsabi ka lang, okay?" She smiles.
I'm glad I have a mother like her. Hindi ko alam ang gagawin ko if I lose her.
Tumango na lang si mom at kumain na kami.

BINABASA MO ANG
I love you, Criminal
RomanceI Series # 1 [EDITED & ON-HOLD] Kwynn De Chaves, came from a middle class family and studying at ISM. One day, he met Dylan Rei Atienza. Drei have a intelligent mind and aloof personality but he's soft to his love ones. But the day came when he was...