10

27 9 3
                                        

"Okay, then. Get your things, you're going to live here now."

Natuwa ako sa sinabi ni Mommy. Dito na titira si Drei.

"Yaya, paki turo nga kay Dylan ang magiging kwarto nya." magiliw na utos ni Mommy sa aming katulong.

"Ah ma'am, Drei na lang po huwag na Dylan. Hindi po ako sanay."

"Oh sorry, Drei. Sige na sumunod ka na kay yaya para makita mo ang kwarto mo tapos ay kunin mo na ang mga gamit mo para mailipat na rito."

"Salamat po." si Drei.

Napangiti ako. Nakataas kilay akong tinignan ni Rence.

"You're happy, huh?" tanong sa'kin ni Rence.

"Why would I?" Pag dedeny ko.

Pagkababa ni Drei ay lumapit sya sa amin. Sinamaan sya ng tingin ni Rence.

"Bukas ko na kukunin ang gamit ko, gabi naman na." singit ni Drei.

"Anong ipang papalit mo?" nakataas na kilay na tanong ni Rence.

"Manghihiram."

"At kanino? Sakin? Hindi ka ba nahihiya?"

"Rence, ano ba?" suway ko kay Karence.

"Tss. Alam ko namang gusto mo sya kaya ipagtatanggol mo."

"Fine, kukunin ko na ang mga gamit ko sa bahay.Nakakahiya naman, ano? "
sarcastic na tugon ni Drei.

"Yun naman pala eh. At buti nakakaramdam ka pa ng hiya."

"Hindi naman kase ako manhid." Ngumisi si Drei.

"Tumigil na nga kayo! Ikaw, kunin mo na yung mga gamit mo para makakain na tayo at makatulog. At ikaw naman, kaunting respect naman kay Drei. Kung ayaw mong makita s'ya, ikaw ang mag adjust. Dahil nasa amin pa din ni Mum ang desisyon." duro ko sa kanilang dalawa.

Walang imik si Rence at si Drei naman ay tahimik na umalis para kunin ang kanyang mga gamit.




Pagkabalik ni Drei ay agad na ring kaming kumain dahil sa gutom. Medyo natagalan pa kasi si Drei kunin ang mga gamit at damit nya dahil medyo mabibigat ito.

"Feel at home, Drei." anang ni Mommy.

Habang ang dalawa naman ay masama ang tingin sa isa't isa.




Pagkatapos kumain ay naghugas ng plato si Drei, umayaw pa nga si Mommy pero wala na syang nagawa. Habang kami ni Karence ay magkatabi sa sofa habang nanonood ng news on tv.

Pagkatapos ng mga ginawa ni Drei sa bahay ay saktong natapos ang news at inantok na din ako kaya naisipan kong matulog na.

"Matutulog na ko, Karence." paalam ko.

"Tara na." aya sakin ni Rence.

"Tabi kayo matulog?" halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod, si Drei lang pala.

"Oo, Bakit? May angal?"

"Gabi na oh, magpahinga naman kayo please." angil ko.

"Eto kase." parang batang sumbong ni Rence kay Drei.

"Hindi ba kayo na iilang?" tanong muli ni Drei.

I love you, CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon