Chapter 17- Unexplainable Feeling

244 6 0
                                    

Casey’s POV

“We will be having our annual camping trip this weekend; I know it is usual for us Eleonorians to celebrate our foundation day through having camping like this. Reservation for the ticket will start after this class. You can directly go to the registrar’s office if you want”

“Ma’am is it required for us to join the camp?” biglang pagtatanong ni Hazel kay ma’am.

“If I’m the one to answer that, I must say yes but the school administration had already decided that we will not push students to join. Besides, for the benefit of those joining the camp, I will be giving them additional 2 points added to their final grade. Is that okay?”

“Yes ma’am”

“So everyone I’m hoping for your attendance to the camping trip, this happen once in a lifetime and all of you are graduating students. When you’ll enter college, an activity like this is seldom introduced due to so much conflict. Let’s just enjoy our high school life, okay, class dismissed”

Pagkalabas ni ma’am ng classroom ay siya namang bulung-bulungan ng mga classmate ko tungkol sa nalalapit na camping trip namin. Hay, sasali kaya ako? Hindi naman ako ang magdedesisyon nito eh kundi si mommy.

Naalala ko lang na never pa akong nakasali sa camping trip namin. Ayaw kasi ako pasalihin ni mommy dahil na rin sa ayaw niya akong mapalayo.

Wala naman akong magagawa kung ayaw niya talaga pero susubukan ko pa rin siyang kausapin mamaya pag-uwi ko sa mansyon. Graduating na ako pero never ko pa naranasan ang mga activity na pinapagawa ng mga organizers sa camping trip.

Nakakainggit tuloy.

Palabas na ako ng classroom para umuwi nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

“Casey!”

Paglingon ko ay nakita ko si Rica na nagmamadaling lumapit sa akin. Nang magkatapat na kami ay sinabayan niya ako sa paglalakad.

“Sasali ka ba sa camping trip natin?” nakangiti niyang saad sa akin.

Umiling ako. “Hindi, sigurado naman akong hindi ako papayagan. Never pa ako nakasali sa camping trip natin”

Nakita ko ang tila pagkadismaya ng mukha niya. “Oo nga no, hindi pa kita nakitang sumali sa camping trip. Try mo kayang tanungin mommy mo? Siguro naman papayagan ka na nun! 4th year ka na tapos ni hindi mo pa nararanasan ang camping trip”

“I know. Susubukan ko siyang kausapin mamaya” then I gave her half smile.

Napangiti siyang muli. “Sige, kausapin mo siya. Alam mo bang sobrang enjoy nung camping trip? As in super! Last time we made treasure hunting! Tapos nagkaroon pa ng boodle fight! ‘yun nga lang wala ako masyadong makausap dahil na rin sa wala naman akong ka-close. Kaya sana I’m hoping na makasali ka na, para may makasama na ako”

Bigla tuloy akong naexcite dahil sa pagkwekwento niya sa akin ng experience niya sa camping trip. Matagal ko nang gustong maranasan ang mga bagay na sinabi niya. Cross fingers! Papaya si mommy. Tiwala lang. Pipilitin ko siya. No matter what.

“I can’t promise you na makakasama ako. Basa I’ll try my best para mapilit si mom”

Napangiti siya. “Thank you Casey, sige mauna na ako! Bye!”

“Okay, take care”

Naglakad na ako papuntang parking area. i’m sure ay naghihintay na don si manong Felix sa akin. Dahil sa nangyaring insidente dati ay iniba na nila ang parking area ng sundo ko. every student kasi dito na may sundo ay may kani-kaniyang parking area lang. mas maganda ‘yung ganun, organized at para na rin hindi mag-agawan.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon