Chapter 23- Friends

25 2 1
                                    


Casey's POV

"Casey" tawag sa akin ni daddy habang nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng dyaryo. Pababa naman ako ng hagdan at agad na tinungo ang kinaroroonan ni daddy. "Bakit po?"

"Kamusta ka na anak?" nakangiting tanong sa akin ni daddy.

Anak? Ang sarap pakinggan na marinig ito mula kay daddy. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari at bakit biglang nagbago ang turing ni dad sa akin dahil dati ay kulang na lang magpa-ampon ako sa hangin dahil sa sobrang cold niya.

Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko. "I'm okay dad, thank you" saka ko siya niyakap.

Kahit ako ay nabigla sa ginawa ko. Niyakap ko si dad!

Akmang lalayo na ako sa pagkakayakap ko ay siya namang naramdaman kong niyakap ako pabalik ni dad. Hindi ko ito inaasahan.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko at hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni daddy. "Ah-eh, d-dad I-i think I h-have to go, may pasok pa p-po ako" di mapakaling sabi ko.

"Sige anak, mag-iingat ka" then he tapped my shoulder. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin kung kaya't napangiti rin ako. "Opo daddy"

Bakas ang ngiti sa mga labi ko habang binabagtas ang daan patungong school. Hindi ko na napansin ang mga estudyanteng malagkit ang tingin sa akin sa bawat hakbang na aking ginagawa. Nawala na sa isip ko ang pagintindi sa mga binubulong nila dahil sobrang saya ko.

I never felt this way, this emotion is strange but I really like it. At parang ayaw ko na itong mawala. I finally felt that I have a father. 'yun yung nararamdaman ko.

Nagpatuloy ang araw ko na tila walang problema. Pansamantala nakalimot ako. Pansamantala sumaya ako.

Break time na namin at 'di pa rin mawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing maaalala ang nangyari nung umaga. Para tuloy akong baliw na biglang ngingiti na lang.

Palabas na sana ako ng classroom ng makasalubong ko si Rica. Papasok n asana siya ng classroom ng bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Matagal na rin kaming hindi nagkausap. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin ay lumalayo siya. Iniiwas niya ang mga tingin niya sa tuwing magkakatitigan kami. At ngayon bigla na lang siyang tatalikod at maglalakad papalayo kapag magkakasalubong kami.

Ano bang problema ni Rica?

"Rica!" hiyaw ko pero hindi niya pa rin ako nililingon. Hindi ko pinansin ang mga body guards ko at nagpatuloy sa paghabol kay Rica.

"Rica wait!" pero tuloy tuloy lang siya.

Hindi ko alam kung saan siya patungo pero pilit ko siyang sinusundan. Kailangan naming magkaayos.

Kailangan ko siya.

Ayokong mawalan ng kaibigan.

Napailing ako sa bagay na naisip ko ng bigla akong nadapa.

"ouch!" hiyaw ko ng matisod ako.

"C-casey... m-may s-sugat k-ka"

Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko at doon ko nakita ang nag-aalalang mukha ni Rica. Nginitian ko siya at nag-iwas siya ng tingin.

"Kailangan ko papalang madapa para pansinin mo ako" sabi ko sa kanya.

"D-dadalhin kita sa clinic m-may s-sugat ka"

Napatingin ako sa tuhod ko at napansing may gasgas nga ito pero hindi koi to ininda at kinaya kong makatayo. "Okay lang ako, pwede ba tayong mag-usap?" nakangiti ko pa ring sabi sa kanya.

Nakita ko siyang nagbuntong hininga saka tumango "Sige, pero isang kundisyon dadalhin muna kita sa clinic"

"Sige" nakangiti ko pa ring sabi.

.*~*.

Habang nakaupo ako at nililinisan ng sugat ni Nurse Ana ay tahimik lang na nakaupo si Rica sa tabi ko.

"Sa sususnod Casey mag-iingat ka ha? 4th year high school kana pero nadadapa ka pa, saying ang maganda mong kutis pag magkaroon ka ng peklat" saka pa umiling si Nurse Ana.

Napatawa naman ako ng mahina "Okay lang po yun nurse Ana"

"hay nako, eto tapos ko ng linisin, ano kaya mo na bang maglakad? Sasabihin ko ba 'to sa mga body guards mo?"

Agad akong umiling sa kanya. "Ay naku, 'wag po! 'wag na 'wag mo pong sasabihin sa body guards okay lang po ako" tumayo ako saka tumalon talon. "oh 'di ba? Kaya ko pa pong tumalon eh"

Napangiti si Nurse Ana saka umiling, "Hay nako kang bat aka sige mamaya pwede ka nang bumalik sa room mo pag okay kana ha?" tumango na lang ako. "Sige aalis lang ako saglit"

Naiwan kaming dalawa ni Rica sa loob. Napatingin naman ako kay Rica na tahimik lang na nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Rica"

"B-bakit?" 'di pa rin niya inaalis ang tingin sa sapatos niya.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napaangat ang tingin niya sa akin at agad na nag-iwas ulit ng tingin. "H-hindi" tipid na sagot niya.

"Rica. . . alam mo bang nalulungkot ako dahil hindi tayo nagpapansinan. Ikaw lang ang kaibigan ko rito. Nakakalungkot lang isipin kapag pati ikaw iiwasan na rin ako"

Napayuko na lang ako habang sinasabi ko ito. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko habang sinasabi ko sa kanya ito.

"C-casey"

Napatingin ako kay Rica at nakita kong namumula ang mata niya. Ngayon nakatingin siya sa akin ng diretso.

"S-sorry C-casey, natakot lang ako. N-natakot lang ako sa posibleng mangyari. S-sorry kung nagging d-duwag ako dahil mas pinili kong l-lumayo sa'yo, ayaw kong baka kaunting maling masabi at magawa ko may mangyaring hindi maganda sa'yo, s-sorry C-casey" at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Kahit ako ay naluha sa mga narinig ko. "Naiintindihan kita Rica, alam ko ang nararamdaman mo. I'm sorry, pero sana magtiwala ka sa akin. Walang mangyayaring hindi maganda, trust me Rica" saka ko siya hinawakan sa kamay at saka naman siya napangiti at ganun din ako.

"Namiss kita Casey!" saka niya ako niyakap ng nakangiti habang umiiyak.

"Namiss din kita Rica! Pag may problema ka sabihin mo sa akin ha? Kaibigan mo ako, okay?"

Tumango siya. "oo Casey, sorry"

"Friends na ulit tayo ha?" sabi ko sa kanya. Natatawa na lang ako sa isipan ko na tila mukha kaming batang nag-away at biglang bati.

"Friends" saka kami nagyakapang muli.

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita namin ang isang estudyanteng inaalalayan ng dalawang estudyante papasok. Kasabay nila si Nurse Ana na pumasok sa clinic at gulat ang mukha kong napatingin sa estudyanteng inaalalayan. Nang maihiga ito sa kama ay pareho pa kaming napahiyaw ni Rica.

"Aaron!"

*.~.*

Teddy's Note: Just to let you know guys, this story is not the typical story that you think of. It's not a romantic love story maybe there are some scenes that are in a romantic side but this story is ALL ABOUT CASEY'S LIFE. Friends, Family and Love. Her journey to find her true self. Thank you!

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon