Chapter 15- LAD

188 6 0
                                    

Casey's POV

Tahimik lang akong lumabas ng kotse ng makarating kami sa mansyon. Parang wala ako sa sarili kong inabot kay yaya Nora ang bag ko at mukhang robot na nagdiretsong kwarto. Ni hindi ko na nagawa pang tanungin kung andito ba si mommy kasi usually kapag dumadating ako ay kailangan na sa kanya ako unang didiretso ang kaso ay parang may sariling utak ang katawan ko at sa kwarto ako dumiretso.

Tulala pa rin akong pumunta sa may veranda ng kwarto. Ni hindi ko pa nagawang makapagpalit ng damit. Ikaw ba naman kasi ang makasaksi ng isang labanan sa mismong harapan ko pa?! Tell me? Paano ko na lang basta kakalimutan ‘yun?

Hindi ko lubos maisip. Anong pakay nila ay Aaron? Bakit parang galit sila dito? Hindi ko talaga alam. Ang gulo-gulo na nang isip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng makita kong bumukas ang gate at nakita ko na ang kotse ni daddy na dumating. Pinanood ko lang ito hanggang sa umikot pa ito sa fountain sa harapan ng mansion bago ito pumarada sa tapat ng mansyon.

“Casey”

Nalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni mommy. Kitang kita ko ang seryosong mukha niyang nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako bigla.

Alam na niya kaya ang nangyari sa akin kanina?

“B-bakit po?” sabi ko habang unti-unting lumalapit kay mommy.

“Why are you still on your uniform? Tapos dumating ka na hindi manlang ako pinuntahan. I’m on the study room” she frustratedly said.

Napayuko na lang ako dahil sa hindi ko manlang nagawa ang daily routine ko kahit ‘yun na nga lang ang dapat kong gawin. “I-I’m s-sorry mommy” ito ang pinaka ayoko sa lahat. Ang napagagalit si mommy. Ibang klase kasi siya dahil bigla bigla na lang nagiging emosyonal sa harapan ko pag pinagagalitan niya ako. Hindi ko tuloy maintindihan kung galit ba siya o ano.

“Isn’t that hard to do? I just want you to first approach me when you arrived! Cassandra you’re becoming hard headed now”

Napangiti na lang ako ng mapakla dahil sa narinig ko.

Cassandra.

Cassandra nanaman.

Kapag nangyayari ang bagay na ito ay parang gusto ko na lang isigaw sa kanya na

‘Hindi ako si Cassandra! Ako si Casey! Casey!’

Pero hindi ko magawa. Sino ba naman ako ‘di ba para diktahan siya sa kung anong gusto niya. Alam ko naman na si Cassandra ay ang anak nila mommy dati at patay na siya matagal na panahon na. wala akong ibang alam tungkol sa kanya maliban sa anak siya nila mommy at daddy.

I’m just a replacement. Prevention from easing them to the pain left by Cassandra. Lahat ng sakit na nararamdaman nila ay imbes na sila ang makaramdam ng lubos na pagkakulang. Sa akin lahat ‘yun bumabalik. Ako ang nakakaramdam ng sakit pero wala akong karapatang magprotesta sa nararamdaman ko.

“I’m sorry mom, I promise this won’t happen again”

“Ofcourse you should! So, now, get dressed. You’re dad just arrived and the dinner is ready. Make it fast” saka na siya naglakad palabas ng kwarto at iniwan ako sa loob na pigil-pigil ang luha sa mata ko.

Hindi ko kayang ipakita ang sakit na nararamdaman ko sa harapan niya. kahit na alam kong sobrang sakit na. Gaya nga ng sinabi ni mommy ay mabilisang pagbibihis ang ginawa ko at saka nagmadaling dumiretso sa dining area.

Agad ko ng nakita si mom at dad na nakaupo dito. Lumapit naman ako kay daddy saka siya hinalikan sa pisngi niya.

“Let’e eat” casual na sabi lang ni daddy at wala ng umimik pa sa amin.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon