Chapter 6- Soya Milk Tension

528 12 3
                                    


Casey's POV

Nakaramdam ako ng pbiglang pagbigat ng pakiramdam ko. Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata ng may maainag akong isang pigura ng lalake. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking kamay para tulungang maupo.

"Kamusta na ang lagay mo?" tanong niya sa akin.

Makalipas ang ilang segundo ay nakita ko na ang mukha ng lalakeng nakaupo ngayon dito sa gilid ng higaan ko.

"Bakit ako nasa clinic?" balik na tanong ko sa kanya.

"Natamaan ka nang bola ng volleyball kanina, may masakit pa ba sa'yo?"

Tinignan ko ang mga mata niya at pansin ko ang labis na pag-aalala niya sa akin. Kilala ko kung sino ang lalakeng ito, pero nagtataka lang ako at bakit ko siya kasama dito.

"Oo, maayos na ako" sabi ko sa kanya saka siya binigyan ng isang ngiti.

"Mabuti naman, nag-alala kasi kami ng sobra"

Hindi ko alam kung itatanong ko ba o ano, baka kasi mapahiya lang ako. Pero, gusto ko kasi talaga malaman.

"Ah-eh, Aaron" pagtawag ko sa kanya.

"Bakit Casey?"

"Ahm, i-ikaw ba ang n-nagdala sa akin d-dito sa c-clinic?" nahihiya kong tanong.

Nakita ko naman ang parang pagkabigla niya sa tanong ko bago ito napalitan ng isang ngiti. Ngiting hinahangaan ng lahat ng kababaihan sa paaralang ito. Hindi naman ako out-dated dito sa school. Sa halip niyan ay kilalang kilala itong si Aaron sa buong school dahil sa alam mo na... gwapo at mabait naman. Hindi naman kami nag-uusap kaya nagtataka ako kung bakit nagawa niya pa akong tulungan.

"Oo, nag-alala kasi ako sa'yo kanina nang nakita kitang natamaan ng bola" medyo nahihiya niyang sabi. Bigla naman akong napangiti.

"Salamat ha?"

"Ano ka ba, wala 'yun. Kahit sinong makakita sa lagay mo kanina ay talagang mag-aatubiling tulungan ka. Maswerte na lang ako dahil ako ang nauna"

"Ah-eh, g-ganun ba. Basta salamat"

"Aray! Aray ko!"

Bigla kaming napatinging dalawa sa gawing pintuan ng may marinig kaming hiyaw ng isang lalake. Agad namang napalaki ang mata ko ng makilala kung sino-sino ba ito. Anong nangyayari kay Louie? Bakit siya humihiyaw?

"Nurse Ana! Nurse Ana!" rinig kong hiyaw ng sa tingin ko ay Krei ang pangalan. Isa sa mga kaibigan ni Louie.

Nakita ko namang napatayo si Nurse Ana sa desk niya at nagmamadaling nilapitan si Louie na mukhang namimilipit sa sakit habang nakahawak sa tiyan niya. Nag-aalala naman ako sa lagay niya.

"Ano bang nangyari sa kanya?" tanong ni Nurse Ana.

"Eh bigla po kasing sumakit ang tiyan niya eh, siguro sa ininom niyang soya milk" sabi nung nakaalalay sa kanya na ang pangalan ay Greg, medyo chubby kasi siya kaya madaling maalala pero kahit chubby siya ay ang cute niya pa rin sapat na para magdala ng appeal sa kanya.

"Soya milk? Baka expired naman na ang ininom mo" biglang sabi ni Nurse Ana.

"Nasira ata ang tiyan ma'am, kanina pa yan pabalik balik ng cr" biglang sagot ni Krei na kitang kita ko ang medyo pagpipigil niya ng tawa. Napatingin ako sa mukha ni Louie na ngayo'y ang sama-sama ng tingin sa kaibigan niya. Bigla siyang napatingin sa gawi ko at nahuling nakatingin sa kanya. Bigla naman siyang namula saka nag-iwas ng tingin.

"Naku, mukhang LBM lang ata 'yan. Teka kukuha ako ng gamot, dalhin niyo muna siya 'dun sa kabilang bed para makapagpahinga" saka na tumayo si Nurse Ana.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon