Chapter 22 - Eavesdrop

50 3 1
                                    

Casey's POV

Tubig...

Ilog...

Malakas na agos ng tubig...

Louie?

Aaron?

Asan na kayo? Bakit ang dilim dilim? Parang kanina lang ay ramdam ko ang malakas na agos ng tubig pero bakit tila wala akong maramdaman?

"Ikaw ang may kasalanan nito!"

Bakit may boses? Kaninong boses ito?

"You better shut up! I just want to give what's best for her"

"Best? Best bang masasabi ang nangyari kay Cassandra?"

Napangiti akong mapakla ng marinig ko ang pangalan ni Cassandra. It's her again. Siya nanaman. Ano ba talagang papel ko sa mundong ito?

Ganun ba napakahirap banggitin ang pangalang Casey? Para san pa ba ang pangalan ko kung hindi ko rin ito maririnig sa magulang ko?

Napamulat ako ng aking mata ng maaninag kong nasa isang ospital ako. Puti ang paligid at nakita ko ang pigura ng dalawang tao, si daddy na siyang nakaupo at si mommy na nakatayo.

"She almost died... ayoko ng maulit pa ang nangyari... you know that... I love our daughter so much" said mommy with tears falling in her eyes.

Gusto ko ring maiyak sa nakikita ko ngayon. Kahit sanay na sanay na ako na makita si mommy na ganyan ka-hysterical kung umiyak sa tuwing napapahamak ako ay 'di pa rin ako nasasanay. Kahit na minsan or should I say lagi na Cassandra ang sinasabi niya imbes na ang angkop na pangalan para tunay na ako.

I saw dad'ds eyes went into my direction and our eyes met.

Agad siyang napatayo at lumapit sa akin.

He hugged me tight. Yakap na parang ayoko ng matapos dahil unang beses ito na yakapin ako ng kinilala kong ama.

"My God Casey, pinag-alala mo kami. May masakit ba sa'yo?" said dad.

Napangiti ako habang nagpipigil ng luha sa aking mata. Buti pa si daddy, he can pronounce my name confidently at walang bahid ng Cassandra.

Tumango ako "Opo dad".

Agad na lumapit sa akin si mommy at niyakap din ako. "Are you okay Cassandra? My God muntik ka nanaman mawala sa amin. I'll let the school pay for this! Pinabayaan ka nila!" kinabahan nanaman ako sa narinig ko. Shit, may mga inosente nanamang mapapahamak dahil sa akin.

"No mommy, I'm okay. It's my fault, ako ang nagpumilit pumuntang ilog" I stated trying to convince mom. Please ayoko ng may mapahamak because of me.

"No! Hinding hindi ko ito mapapalampas!"

"Hon, please calm down" said dad.

"Why would I? they are useless! I'll call the admin right now! No one can stop me, no one!" then mom walked away leaving us.

Lumapit si dad sa akin saka ngumiti ng bahagya. "I'm sorry for your mom's action"

"Okay lang po dad ahmm s-sila Aaron po? S-si L-louie?" bigla akong kinabahan ng banggitin ko ang mga pangalan nila.

"Aaron is fine. But sad to say Casey your friend Louie is still unconscious, I already called Leo asking Louie's condition but all he got to say is he still asleep"

Naramdaman kong nag init ang mata ko sa narinig ko at di ko napigilang tumulo ang luha sa mata ko. I felt dad's warm fingers brushed away my almost flooding tears.

"ssshh, magiging okay din siya"

"Kasalanan ko po ito dad, kung hindi dahil sa akin hindi ito mangyayari lahat. It's my entire fault dad" saka na ako napahagulgol and dad hugged me and I felt the security.

Weeks passed parang lumilipas ang araw na wala akong buhay. Security diyan, security doon. Kung dati sakal na sakal na ako sa bodyguard ngayon naman doble pa sa hindi ko inaasahan ang nagbabantay sa akin.

I felt like a precious ornament securing not to be broken. I felt like fragile, vulnerable but I'm broke inside.

Pumapasok akong school at lalong uminit ang mata sa akin ng mga estudyante. Lagi nila akong tinitignan pag dumadaan ako. Wala silang sinasabi pero alam ko sa likod ng mga mukha nila ay napakarami na nilang sinasabi. Siguro kung dati hinahangaan nila ako baka ngayon kinasusuklaman na dahil sa katanungan ko sa aking sarili . Bakit ba kasi ako ganito? Bakit ba kasi ako si Casey Angeline Pangilinan?

Hindi ko na rin nakikita si Louie. Gustong gusto ko na siyang makita at kamustahin ang lagay niya kaso hindi ko alam kung paano.

Si Aaron naman nabalitaan ko na lang kay Rica na hindi pa daw pumapasok magmula nung matapos ang camp. Nag-aalala ako para sa kanya, one week na siyang hindi pumapasok. Kamusta na kaya siya?

Pagkapasok ko sa classroom namin, nagtinginan agad sa akin ang mga classmate ko pero inalis din nila ito ng makita ang mga bodyguard na nakapila sa laabs ng classroom.

Naupo na ako sa upuan ko at siya naming pagpasok ng teacher namin.

"good morning class, sad to say but Ma'am Lorideth has left the school because of unknown reason" habang sinasabi ito ng teacher naming ay napapatingin siya sa gawi ko. Alam kong bestfriend ni ma'am si ma'am Lorideth. Siguro galit na galit siya sa pamilya naming dahil isa si ma'am Lorideth sa napag-initan ni mommy. Kung alam lang ni ma'am na hindi ko gusto ang mga nangyari kaso wala akong lakas ng loob.

Nagsimula ang klase ng wala akong natutunan. Isang linggo na akong ganito. Hindi ko na alam kung ano pa bang silbi ko sa mundo dahil wasak na wasak na ako. Tila isa akong robot na sunud-sunuran sa mommy ko. Wala akong kalayaan. Wala akong sariling desisyon.

Napakahirap sobra. Pero kinakaya ko kahit gustong gusto ko ng sumuko. Wala na akong kaibigan. Walang wala na ako.

Nakaramdam ako ng pag-iihi kaya nagsabi ako sa isang bodyguard na mag-cr lang ako. Pinayagan niya naman ako pero nakabantay siya sa labas ng ladies c.r.

Habang papasok sa c.r ay may narinig akong mga nag-uusap.

"Ano bang meron sa kanya? Nakakasura na makita ang pagmumukha niya, sana mawala na siya dito sa school. Andami dami namang ibang school na bagay sa katulad niyang mayaman"

"Sshh, mamaya may makarinig sa'yo"

"So what? Dapat nga marinig niya 'to eh kasi sumosobra na siya. Andami ng nagsisialisang teacher dito dahil pinapaalis ng nanay niya. Buti pa prinsesa marunong maawa, siya wala"

Tila sinasaksak ako ng mariin sa dibdib ko habang naririnig ko ang mga sinasabi ng kung sino man sa c.r. halos mapigil na ang ihi ko dahil sa ayoko ng pumasok sa loob. Ayokong malaman kung sino man ang nagsasalita sa loob para hindi ako mailang kung sakaling magkasalubong kami.

Minabuti ko na lamang na lumabas na lang kinausap ako ng bodyguard ko kung okay na raw ba. Tumango na lang ako kahit hindi.

Umuwi akong nadagdagan ang pinapasan kong nararamdaman. Nahiga akong tila may malaking bato sa dibdib ko, hindi ako makahinga.

Kailangan ko na ba itong ilabas? Ang hirap eh.

Niyakap ko na lang ang aking mga tuhod habang nakaupo sa sulok ng kama ko at doo'y kumawala ang mga luhang matagal ng nagbabadya ngunit pinigilan ko sa kadahilanang wala akong karapatang umiyak ngunit heto, nagyon ko lang napagtantong tao papala ako.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon