Chapter 2- Dinner Meeting

565 10 0
                                    

Pagkadating na pagkarating ko sa bahay naming ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Alam ko kasing papagalitan ako ni mommy kapag nakita niya ang sitwasyon ng damit kong ganito kadumi. Mabubuko pa ko nito na kumain akong junk foods kanina. Baka mas lalo lang humigpit ang security na bigay niya.

Pero dahil sa minamalas ako ngayon ay narinig ko ang pangalan ko na tinawag ni mommy mula sa baba ng hagdan. Napalunok ako kaagad dahil sa maaring pwedeng mangyari.

“B-bakit po?” sabi ko ng hindi manlang siya tinatapunan ng tingin mula sa baba.

“Dumating ka man lang pero bakit hindi ka lumapit muna sa akin”

Naramdaman ko ang bakas ng mga paa niyang umaakyat sa hagdan. Sabi ko na nga ba dapat kanina pa lang sa school ay nagpalit na ako ng damit. Kung bakit naman kasi naaawa ako sa mga labandera dito sa bahay dahil paniguradong marami pa silang gagawin.

Agad ko namang itinago sa harapan ko ang bag ko para hindi agad makita ni mommy bago ko siya hinarap. Lumapit pa ako sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

“Oh bakit akap-akap mo ang bag mo?” kunot noong tanong niya sa akin.

“Ah-eh… mabigat po kasi kapag sa likod ko isinuot ‘yung bag kaya sa ganitong posisyon ko siya binuhat” medyo kinakabahang sabi ko.

“Eh anong ginagawa ng mga yaya mo? Tss, mga walang kwenta naman ‘yang mga ‘yan at hinahayaan ka nilang magbuhat. Nora!!”

Bigla akong kinabahan dahil sa pagtawag ni mommy sa pangalan ni Yaya Nora. Naku mapapahamak pa ata siya dahil sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan.

“Ah..eh.. mom. Okay lang po ako, ako po kasi ang nagprisintang buhatin ang bag ko” saka ko siya nginitian.

“Pero--”

“Mom, okay lang. Sige po mauna na ako sa room ko”

“Sige at ipapahanda ko na lang ang half-bath mo” rinig kong pahabol na sabi ni mom.

Agad naman akong nakahinga ng maluwang ng makapasok ako sa kwarto ko. Grabe muntik na ‘yun! Kawawa naman si Yaya Nora kapag napagalitan pa siya ni mommy dahil sa katigasan ng ulo ko.

Agad naman akong dumiretso sa c.r at as usual. Ready na ang pang half –bath ko. Napabuntong hininga na lang ako. I’m already 17 years old pero baby pa rin nila akong ituring. Next school year ay college na. Paano na lang kaya kapag nagcollege na ko? Ganito pa rin ba?

It makes me feel like I’m living because someone’s needed my presence and to make them forget about their past. Parang nabubuhay lang ako sa mundong ito kasi kailangan pa nila ako at kapag dumating ang oras na kaya na nila ay doon na nila ako bibitawan. Mahirap man isipin pero parang ganun ang nararamdaman ko.

Minsan nga tinatawag akong Cassandra ni mommy pero hinahayaan ko na lang siya. Sino naman ako para magalit ‘di ba? Hangga’t kaya ko pa at kailangan pa nila ako. Hihintayin ko na lang ang panahon kung kailan sila mananawa sa pagmumukha ko.

After kong maligo ay napatingin naman ako sa may higaan ko. Nakaready na ang isusuot ko ngayong gabi. Pero… bakit hindi ata mukhang pantulog ‘to? Nakita ko naman si yaya Nora sa lumabas mula sa walking closet ko at nakangiti niya akong tinignan kung kaya’t nginitian ko rin siya.

“Ya, para saan po ba ito?” pagtutukoy sa damit na nakapatong sa kama ko.

“Sa labas daw kayo magdidinner na pamilya sabi ni Madame Carolina”

Hindi na ako nagtanong pa at sa halip ay pumasok na lang ako sa dressing room ko at doon isinuot ang pink-tube cocktail dress at saka ko nilagyan ng ribbon ang bilid ng buhok ko.

Pagkababa ko sa sala ay nakita ko na sila mommy at daddy na mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

“Am I late?” tanong ko naman.

“No dear, you’re beautiful” sabi sa akin ni mommy kaya napangiti na lang ako.

“Let’s go” narinig ko naman si dad kaya napaayos ako ng  tayo saka sumunod sa kanya.

Hindi usual ang pagkain-kain namin sa labas dahil kapag may mga importanteng meetings lang niya kami sinasama.

Pagkarating namin sa hotel ay agad naman kaming inassist nung receptionist papunta sa private room.

“Don’t eat too much meat” narinig kong bulong pa sa akin ni mommy.

“Yes mom” sagot ko agad.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng isang lalaking mukhang kaedaran na rin ni papa.

“Julio” sabi nung lalake sabay yakap kay daddy at beso naman kay mommy. Nakita ko namang may isang babae ring tumayo saka nakipagbeso kay mommy at sa akin.

“Ang laki na pala ng anak niyong si Cassandra” sabi nung babae pero agad na napitingin ako sa gawi ni mommy at nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya.

“She’s Casey, my daughter not Cassandra” dinig kong sabi ni mommy na mukhang nainis.

“Oh I’m sorry” sabi naman nung babae kaya nginitian ko na lang siya.

“So, how are you Leo” rinig kong sabi ni dad.

“We’re fine, definitely. By the way here’s my son Louie”

Napatingin ako dun sa Louie na tahimik lang na nakaupo sa lamesa na hindi ko na napansin na nandun pala siya. Halos manlaki naman ang mata ko ng makita ko kung sino ‘yun. Napangiti na lang ako ng biglang magtama ang mga mata namin. Kita ko naman sa expression ng mukha niya na gulat na gulat siya at kitang kita ko nanaman ang pamumula ng mukha niya.

“Hi” nakangiti kong sabi sa kanya pero nakita ko lang na nagnod siya sa akin saka dali-daling iniiwas ang mukha niya.

“You know each other?” nagtatakang tanong ni mommy.

“We’re schoolmates” sabi ko naman sa kanila.

“Oh that’s good then” sabi naman nung mommy ni Louie.

Naupo na ako sa tabi ni mommy at nagsimula na kaming kumain. Halos hindi ko naman alam kung anong kakainin ko dahil puro karne ang nakahain dito. Kaya minabuti ko na lang na kumuha ng chopsuey. Buti na lang at may gulay.

Kukuha n asana ako ng biglang nagsalita ‘yung mommy ni Louie.

“Why don’t you try this one” sabay turo dun sa isang putaheng karne. “It’s good” nakangiti niyang sabi.

Agad naman akong napatingin kay mommy at saka nagnod na lang siya kung kaya kumuha na lang ako pero kaunti lang.

“Ito pa hija, masarap ‘to” sabi nanaman nung mommy ni Louie. Kukuha n asana ako ng naramdaman ko ang pagsiko ni mommy sa akin.

“Ah-eh, okay na po ko dito”

“But--”

“She didn’t like to eat too much meat, isn’t it my dear?” napatingin na lang ako kay mommy saka napatango na lang..

“Oh, so you’re a health conscious girl” sabi niya naman kaya medyo ngumiti na lang ako.

Gusto ko sanang sabihin na ‘Si mommy lang hindi ako’ kaso hindi ko naman masabi.

Napadako na lang bigla ‘yung mata ko kay Louie na tahimik lang kumain sa gilid. I didn’t expect na magkikita ulit kami dito. Sana maging friends kami.

****

Sabaw ang update. XD comment and vote na lang po! i need comments! walang inspirasyon. -__-

Bago 'yung cover! ang cute nung chibi!

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon