Chapter 1 - Vanilla Ice Cream

1.2K 13 1
                                    

Guys, new story ko po ito! Sana ay magustuhan ninyo. Pasensya na rin kung medyo matatagalan ng pag-update. Just go with the flow na lang. Saka ito pala 'yung sinasabi ko dati sa isa kong  kwento na 'I'm in Love with a DJ' na story nung tatlong kapatid nung mga friends ni Maxine. Thanks!

*****

Pagkaapak ko palang nang paa ko sa lupa ay agad nanaman akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Sabi ko dati dapat ay masanay na ako sa atensyong natatangap ko sa mga estudyante dito sa school. Pero parang hindi papala.

Napahinga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng kotse.

Hooh! Kaya mo ‘yan Casey!

Sa apat na taong pamamalagi ko sa paaralang ito. Hindi na bago sa akin ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanila. Pero sa oras na magtama ang mga mata namin ay agad naman nila itong babawiin at biglang yuyuko dahil sa mukhang nahihiya.

Ngingitian ko sana sila ang kaso, sila naman ang unang naglalayo ng tingin sa akin. Kaya mas minamabuti ko na lang na maglakad ng tahimik.

Papasok na ako sa isang hallway pero andaming nagkalat na estudyanteng nagdadaldalan. Siguro naman ay hindi na nila ako mapapansin nito dahil may iba silang pinagkakaabalahan.

Pagkapasok ko pa lang ay agad akong napatulala dahil sa biglang pagtahimik ng mga estudyante dito sa building na kinabibilangan ko. Lahat ng mata ay napunta lahat sa akin. Para naman akong may mabigat na kadenang nakakabit sa paa ko habang hinahakbang ko ang mga paa ko.

Takot ako sa atensyon. Pero kabaliktaran naman nito ang natatanggap ko.

Sa bawat paglakad na ginagawa ko ay siya namang unti-unting paghawi ng mga estudyante sa nilalakaran ko. Parang automatic na ang biglaang pagbibigay daan nila sa akin.

“Ang ganda talaga ni Ms. Casey” rinig kong sabi ng isang babaeng estudyante sa gilid.

“Tama, napakaperpekto niya” manghang manghang sabi naman nung kasama niya.

Hindi ko ba alam kung dapat ay matuwa ako sa sinabi nila dahil lagi naman na akong nakakarinig ng ganung mga salita.

Sa katunayan nga niyan ay sawang sawa na ako. Don’t get me wrong. I really appreciate naman kapag may pumupuri sa akin. Ang kaso, araw-araw na nila akong nakikita. Hindi pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko?

Kung alam lang nila na sobra akong naiinggit sa kung anong merong normal na buhay sila. Ay sana ganun din ako. Na sa bawat pag gising ko sa umaga, walang pupuna sa mga gagawin ko. Ultimo pagligo ko nga sa bahay ay nakaasa pa sa mga yaya ko.

Gusto kong magreklamo pero ‘di ko magawa. Bakit naman pala ako magrereklamo ‘di ba? Baka makarinig pa ako ng kung anong pagsumbat sa akin ng mga kinilala kong magulang at baka magbago pa sila ng turing sa akin.

Tama, isa lamang akong batang iniwan sa kalye ng magulang niya at pinaubaya sa isang mayamang pamilya. Mahal ako ng mga taong kumupkop sa akin. Sobra sobra ang binigay nilang pagmamahal sa akin. Masyado nga lang nasosobrahan ang pagiging protective nila. Kung kaya’t minsan ay nakakasakal na. Ang pagkakaroon ng apelyidong Pangilinan ay isa ng napakabigat na responsibilidad. Napakayaman kasi ng pamilyang ito kung kaya’t takot ang lahat na banggain sila. Ang kaso, wala silang anak. Walang tunay na anak. Kundi ako lang. isang hamak na ampon lang.

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos kong makaupo sa upuan ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong tahimik lang sa pagbabasa habang ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap. Pinapanood ko lang silang nagdadaldalan dahil gustong gusto ko rin silang makausap tulad ng ganyan. ‘yung tipong walang papansin sa’yo kahit tumawa ka pa ng malakas kahit tumalsik na ang laway mo.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon