Chapter 12- Hero

310 8 3
                                    

Casey’s POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang pagyakap sa akin ni Louie. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Magpapasalamat ba ako? Hihingi ng tawad dahil sa kasalanan ko kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon? Ewan. Hindi ko alam. Basta isa lang ang nararamdaman ko ngayon at ‘yun ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

“L-louie…” pagtawag ko sa pangalan niya pero sobrang higpit pa rin ng yakap niya sa akin. ‘yung tipong parang ayaw na niya akong pakawalan. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin dahil sa nangyari pero mas kailangan niya na maidala sa ospital. Gusto kong sabihin ‘yun pero hindi ko magawa.

Akmang iyayakap ko pabalik sa kanya ang aking mga kamay ng bigla na lang sa naramdaman ko ang bigat niya na ngayo’y nakapasan sa akin. Napaupo ako sa sahig ng dahil sa nangyari habang si Louie ay walang malay na nakadapa sa sahig.

“God Louie!” hiyaw ko ng makita kong nawalan siya ng malay.”Tulong! Tulungan niyo kami!” hiyaw ko dahil hindi ko siya kayang iwan sa lagay niyang ito ngayon.

Tinatapik tapik ko ang mukha ni Louie pero hindi talaga siya gumagalaw. Ang kabog ng dibdib ko kanina na sobrang bilis ay ngayo’y tila dumoble na sa pag kabog dahil nadagdagan ng takot.

“Please Louie… gumising ka” pilit kong pagkumbinsi sa kanya habang ako’y naiiyak na dahil sa nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Yakap yakap ko si Louie habang tuluyan ng kumawala sa ma mata ko ang luhang kanina pa nagbabadya ay biglang may narinig akong bakas ng paa na papunta sa direksyon ko. Nasa ganung posisyon kami ng makita ko si Aaron na tumatakbo papunta sa lugar namin.

“Shit! Anong nangyari Casey?” hindi maipintang mukha niya habang hinihingal na lumuhod sa harap ko.

Tiningnan ko siya sa mga mata habang patuloy pa rin ang agos sa mga mata ko. “S-si L-louie… d-dalhin n-natin siya sa o-ospital… p-please” pagsusumamo ko.

“Sige, akin na ako na ang aalalay sa kanya”

Agad namang kinuha ni Aaron si Louie saka nito pinasan sa likuran niya. habang ako naman ay kahit hirap tumayo dahil sa panginginig ng tuhod ko ay pinilit kong itayo ang sarili ko para sumunod.

Sakto naman na bago pa kami makalabas ng parking area ay dumating na ang sundo ko. Agad koi tong pinara at huminto sa harapan namin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni manong Felix ng makita niya ang walang malay na si Louie habang pasan ni Aaron. Ngunit mas nag-alala ang mukha niya ng makita akong umiiyak. Pero bago pa man ito magtanong ng kung ano sa akin ay agad ko ng binuksan ang backseat at agad na ipinasok si Louie sumama na rin si Aaron at ako na ang naupo sa shotgun seat.

“Please manong… pakibilisan” sabi ko habang umiiyak at hindi mapakaling tumitingin tingin kay Louie sa likuran.

Mabilis na patakbo ang ginawa ni manong Felix para maidala lang kami sa pinakamalapit na ospital na halos paliparin na niya ang kotse sa bilis. Nang makarating kami ay agad namang bumaba si manong Felix para tulungan si Aaron sa pagbuhat kay Louie papasok sa ospital. Agad namang may dumating na nurse na may dala-dalang stretcher at saka pinahiga si Louie.

“Anong nangyari sa kanya?” unang tanong ng doctor na lumapit sa amin.

“N-natuklaw po siya ng a-ahas” nanginginig na sabi ko sabay turo sa braso ni Louie kung saan nag-iwan ng marka ang ahas sa kanya.

“Ilang oras na ang nakalipas simula ng matuklaw siya?” tanong uli nung doctor.

“Mga 15-17 minutes… ‘di ko po matandaan… please… iligtas niyo po siya. Parang awa niyo na” umiiyak na sabi ko.

Campus Perfect Crush (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon