Someone's POV
"Ayan ang bagay sayo!"
Sinampal nila ang isang kaawa-awang studyante.
Pinagsusuntok, pinagsisipa.
Gustong-gusto ko na lumapit para tulungan yung studyante, ngunit inunahan ako ng takot na baka ako naman ang pagdiskitahan nila.
"Tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo!" Sigaw nung isang babaeng di ko makita ang mukha. Pero sigurado ako mga kapwa estudyante din to.
"Tama na!" Sigaw nung sinasaktan nila.
"lakas mo ha, nakakasigaw ka pa pala? Etong sayo!" Sinuntok na nung student 1 si Student V (Victim student)
At sa di ko inaasang pangyayare binuhusan si Student V ng acido sa buong katawan
Sigaw siya ng sigaw sa sobrang sakit. Di ko na kinaya kaya tumawag na ako ng pulis at hininaan ko lang boses ko sa pag sumbong.
Pagkatapos nun eh nakita kong nakatingin saking tinataguan yung si Student V
yung matang humihingi ng tulong, umiiyak pa rin siya sa sobrang hapdi at sakit na nararamdaman niya.
Hinang-hina na siya. Dahil sa awang awa na ako eh nag sign ako na hintay na lang ng konti by raising my right hand na parang nagsasabing wait lang.
Ngumiti siya sakin, nagtataka nga ako kung pano niya ako nakikita eh, madilim dito sa tinataguan ko.
Biglang nag salita si Girl 1: "Anong ningingiti ngiti mo jan? Excited ka na bang mamatay?"
Pinanlisikan ni student v si girl 1 sabay sabing: "Tandaan niyo, darating ang araw na kayo din ay magmamakaawa para sa buhay niyo! Sinusumpa kong AKO mismo ang dadala sa inyo sa impyerno! Madamay na ang madamay pero papatayin ko kayo! Iisa isahin ko kayo hanggang sa magsama sama tayo sa impyerno!" Sigaw niya, di ako makapaniwala sa narinig ko dahil tila demonyo ang sumisigaw ngayon.
Nagulat nalang ako nang biglang sinaksak ni Student 5 si Student V sa ilang bahagi ng katawan. Napasigaw ako sa gulat, napatingin sila sa tinataguan ko, kinabahan ako bigla kaya tumakbo ako, buti di nila nakita mukha ko, thank God dumating na ang mga pulis kaya dali dali silang tumakbo at sumakay sa isang van.
Nakuha na ang katawan ni student v.
Nahabol pa namin siya sa ospital mabuti at buhay pa siya... "Salamat..." Bulong niya sakin habang unting unti ng bumabagsak ang kanyang mga mata....
Noreen's Pov
"Pag ibig na kaya! Pareho ang nadarama, eto ba ang simula! Di na mapipigilaaaaaan!!!" Kanta nila Pearl, Aura, at Charm.
Pucha ang ingay naman eh. -_- inaasar kasi nila si Joy kay Jazz.
*knock knock*
"Sige ako na ang bubukas" sabi ni Charm.
"St. Peter's Class, prepare na for your Class Picture. It will start in 10 minutes." Sabi nung isang teacher.
So syempre ang nangyare, suklay dito suklay doon, make up dito make up doon ang nakakairita eh perfume dito perfume doon, nakakabanas naman eh! Syempre naghalohalo na ang amoy, ke tatapang pa naman! As if maamoy mo ang perfume nila sa picture. Kaloka!
Pababa na kami kaya yung iba nag stairs, yung iba naman kasama ako eh nasa elevator. Tamad ako eh.
-----"Ok now girls umupo kayo then side view ok? Boys doon kayo sa likod ng mga girls."
"Ok 1... 2... 3...---" di niya napatuloy ang pag click nang may nagpatugtog ng nakakatakot na music, yung pang horror sa speaker.
Tapos may nagsalita. Eto sabi oh
"Good morning St. Peter, gusto ko makipaglaro sa inyo pero di muna ngayon dahil I'm just here to say I'm inviting you to join my party this coming June 27. Yes, sabay sa School's Foundation Day.
Marami tayong pasabog niyan. Abangan niyo hahaha" Di namin malaman ang boses niya dahil na din sa voice controller na nagiiba ang boses niya.
Tapos eh kumanta siya
" Isa. Dalawa. Tatlo.
Magtago na kayo
Apat. Lima. Anim
Pag nakita ko kayo
Pito. Walo. Siyam.
Papatayin ko kayo
At sampu.
Game starts NOW!!!." Then bigla siyang humalakhak na parang isang demonyo at namatay na ang speaker.
"WHO THE HELL WAS THAT?!" Sigaw ko
"Shit, It's not funny ok?! I don't wanna die! I can't die! Huhu Mababawasan ang magaganda sa mundo!" Pag hyhysterical ni Marie
"Tumahimik ka nga Marie! Mamatay na nga lang tayo yan parin iniisip mo!" Sigaw naman ni Aivon sa kanya.
"Guys, umamin kayo, sinong may alam dito?!"
Galit na sigaw ni Ate Charm.
Natahimik naman ang lahat. Bumukas ang pinto at pumasok si Ms. Belle, pinalabas niya muna sandali ang photographer bago siya nagsalita.
"I was just gone for an hour at eto ang nangyare?! Now, I NEED AN EXPLANATION FOR THAT! What was that all about huh?!"
Walang ni isa ang nagsalita sa amin.
"Charm! Care to explain what just happened?!"
"Ms. Belle, wala kaming kinalaman dito. Nagulat nalang kami nang may nagsalita at nanakot samin ng ganyan."
"Maybe it was just a prank, bakit kayo natatakot ng ganyan? Mukhang bata nga lang ang boses oh. Tas sa tingin niyo makakapatay yan? Kids prank lang yan. Masyado niyong sineseryoso" sabi ni Aira
"Agree ako kay Aira, bakit ba kasi takot na takot kayo. Wag na kayo mag panic, prank lang yan." Sabi ni Leyne
"PRANK?! sobra naman siguro yan na prank. I don't think so, kasi di naman siguro tanga yang gumawa ng prank na yan para sabihin satin lahat yan to think naririnig siya ng buong school. Tas prank lang? Effort niya sa prank niya ah. Na-uh I'm not convinced na prank lang yan" sabi ko
"Well i don't care kung prank to o hindi, basta sino may kinalaman dito?" Sabi ni ms. Belle, wala namang sumagot.
"I'm not convinced na wala kahit isa sa inyo ang nakakaalam nito. Dahil bakit dito lang sa klase niyo ang meron nito? Now, I want you all to Form in two lines! Girls and boys hiwalay! Now!"
Namumula sa galit si Ms. Belle. Nakakatakot siya.
Nung nakapila na kami. Tiningnan niya kami isa isa sa mata. "SINONG WALA DITO NGAYON?!"
"Si Kit po Ms. Absent po kasi siya, naospital daw po lolo niya." Sabi ni Francis.
"Anyone else?" Tanong ni Ms. Belle
"Si Maurice din po, nagkasakit daw po kasi siya."
Sabi ni Aivon.
"Ok, let's end this class picture may dalawa naman palang absent. Ire-reschedule nalang natin ang class picture. All of you, proceed to the Principal's Office. NOW!"
Pakshet, kailangan talagang manakot?
Oo na aaminin ko, nakakatakot magalit si ms. Belle.
---
So here it is guys, sorry natagalan ang UD. Medyo busy sa school eh.
Next Update... Case 8-9 Anger & Sorrow
BINABASA MO ANG
Classroom Death Game
Misteri / ThrillerSOMEONE IS A DEMON IN DISGUISE Someone does the killing and someone does the warning. He knows the killer's plan, so he warns people. The killer doesn't know who does the warnings. A group of 6 students dared to solve the crime, will they be able t...