CHAPTER 18:First Kiss Landing

751 45 9
                                    

 <Elmo's POV>

Nagmamadali kaming nagpunta nila Maxx sa hospital at dumiretso kami kaagad sa hospital.

Pinuntahan kaagad nila Maxx ‘yong room ni mom. Saktong palabas naman ‘yong doctor doon sa room kaya nilapitan ko kaagad siya at kinausap. Inalis niya ‘yong stethoscope niya then he faced me.

“The patient’s?”

“Son. I’m his son. What happened doc?”

“She’s ok now” Nakahinga ako ng maluwag nung sabihin na ‘yon ng doctor. “Pero you need some extra care”

“Ano po bang sakit niya? Is she really ok now?”

He heaved a deep sigh. “Sa tingin ko, dapat ang pasyente na lang ang magsabi sayo nito. Basta ang masasabi ko lang sayo ngayon, get ready” Saka siya umalis sa harapan ko. Get ready? Saan? Naguguluhan ako. Bakit hindi niya linawin sa akin?

Pumunta kaagad ako doon sa room tapos nakita ko na nagising na si Mom. I was just standing there and staring at them while she’s talking sa mga kapatid ko. Pakiramdam ko, napansin niya akong nakatayo lang doon sa may pinto kaya naman tinawag niya ako. “Mom-“ Nilapitan ko siya tapos nagpunta ako sa may left side nung bed at niyakap siya. “Why make us worry?! Don’t do that again!”

“Ano ka ba. Napagod lang ako sa company kaya I lost my consciousness but I’m now ok, son”

“Are you sure?”

She just patted my shoulder while I continued hugging my mom.

Since lumaki ako na walang dad, my mom has been the most precious person in my life. I love her so much and my love even grew nung sinuportahan niya ako when it comes to Julie. Now, they are the most important girls in my life.

***

<Julie’s POV>

Wednesday na! Pagkagaling na pagkagaling ko doon sa meeting ng mga organizations, dumiretso ako sa may vending maching malapit sa room namin.

Tumayo ako doon sandali tapos namili ako kung anong bibilhin ko. Kumuha ako ng coins tapos hinulog ko doon sa machine. Kukunin ko pa lang sana ‘yong royal kaso biglang may kumuha nung inumin ko doon sa machine.

“Oy akin yan ah!”

“Hmmm” Nginitian niya lang ako.

“Blue”

“Good morning”

 

“Andito pala si Blue eh!”

 

Napatingin kami ni Blue doon sa girls na lumapit sa amin. Ah, sila Kat na naman.

“Hi Blue”

“Hello girls”

Biglang lumapit si Kat kay Blue. “May itatanong pala ako sa magiging report natin next week” Bigla akong tinulak ni Kat palapit kay Phoebe saka naman ako biglang inakbayan ni Phoebe.

“Uhm Julie, should we give Kat and Blue some space?”

“Ha? Space?” Kinuha ko ‘yong royal ko kay Blue. “O… ok”

The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon