CHAPTER 20:The Choices

452 42 8
                                    

<Julie’s POV>

Pangatlong araw na, na absent si Elmo.

Sinabi ko naman sa mga professors namin ‘yong nangyari at sinabi nila na ieexcuse na lang nila si Elmo sa mga naging quiz at magiging quiz namin pero hindi na daw responsibility na mahuli siya sa mga lesson namin. Huminga ako ng malalim habang nagsusulat tapos naghikab pa ako ako at pinatong ko ‘yong ulo ko doon sa may table na may nakalagay na notebook ko.

“Bang!” Umayos kaagad ako ng upo nung may lumitaw na tao sa harapan ko tapos may pinatong pa siyang gatorade doon sa mesa ko. “Parang pagod na pagod ka ah?”

“Blue-“

“Ano ba yang ginagawa mo?” Kumuha siya ng upuan at tinabihan ako. “Notes? Nagususlat ka ng mga notes?”

“Baka para kay Elmo yan” Biglang dumating si Maqui kasama si Yana tapos kumuha sila ng mga upuan at tumabi sa amin. “Tama ba?”

Nag-nod na lang ako sa kanila. Kinuha naman ni Blue ‘yong ballpen na hawak ko at siya ‘yong nagsulat doon sa notebook saka siya umiling-iling. “Tsk tsk. That guy! Dapat matuwa siya na ginagawan mo siya ng ganito!”

“Akon a Blue-“

“Kahit ayaw ko siya, kung ikaw naman ‘yong mapapagod, ako na lang gagawa”

“Kawawa ka naman pres T____T mukhang puyat ka na ng tatlong araw” Sino ba namang hindi mapupuyat ng ganito? Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Elm. Gusto ko pa namang pumunta doon sa burial ni Ms. P kaso tuwing malapit na ako sa bahay nila, napapatras ako at hindi na ako tumutuloy kasi naalala ko ‘yong mga sinabi ko kay Elmo. Kung pwede lang na ako ‘yong napunta sa E.R. ginawa ko na pero hindi eh. Sorry, I’m so useless.

 

Dumating si Julian tapos nilapitan niya si Yana tapos parang may binulong siya.

Yana snapped her fingers. “Tara kila Elmo after class! Let’s send him our condolences”

“Oo nga. Tara, Julie”

Napahinga ako ng malalim. “S… sige”

 

***

Pumunta nga kami kina Elmo after class. Kasama ko sila Julian, Yana, Maqui at Blue.

Naabutan namin ‘yong ibang kaklase namin sa BRange na nandoon.

Pati mga prof namin na iba ngayon nandoon pati na din sina Kat at Lauren.

“Julie-“

“Ate Maxx”

I hugged ate Maxx nung nilapitan niya kaagad ako.They are wearing black at nakita ko na nakasandal lang si Elmo doon sa may pader.

Nilapita ni Lauren si Elmo tapos nag-usap sila sandali. Lauren patted Elmo’s shoulder saka sila umalis ni Kat.

“Julie, tara-“

Lumapit kami sa family ni Elmo and we said our condolences. Nakita ko na nakatingin sa amin si Elmo kaya sinubukan ko na lapitan siya.

“Elmo-“

Tinignan niya lang ako nang walag reaksyon. Naramdaman ko na malungkot pa din siya at wala siyang balak na kausapin pa rin ako. Nakakainis siya. Naiinis ako sa kanya. Hindi lang naman siya ‘yong malungkot pero bakit siya ganyan? Bakit pati sa akin, binubuhos niya galit niya?

“What are you doing here?”

“Elmo pwede ba-“ Hinawakan niya ‘yong kamay ko at medyo mahigpit ‘yong naging pagkakahawak niya tapos hinila niya ako palabas sa bahay nila.

Nung nakalabas na kami sa kanila, bigla niya akong binitawan. Napahawak ako sa may wrist ko.

“I said what are you doing here?!”

“Hindi mo ba nakikita? We went here to say our condolences. Are you blind?!”

“Bakit kailangan mo pang pumunta”

“Ano bang ginawa ko?!” Naguguluhan ako sa mga inaasta niya! Naiinis na ako sa kanya! “Ayaw mo ba talaga akong makita?”

“I don’t want to see you again” Bigla akong nasaktan with what he have said. “Every time I see you, I remember my mom. Naalala ko siya sayo. Naalala ko kapag magkasama kayo. I can remember her smile at kapag naaalala ko lahat nang ‘yon, mas nasasaktan ako so please” He looked straight at me. “Please, leave. I don’t to see you again”

 

 

“El-“

 

 

 

“Sigurado ka ba na ayaw mo na siyang makita?”

 

Hindi pa lang natatapos ‘yong sasabihin ko, bigla na lang kaming napatingin doon sa pumutol sa sana ay sasabihin ko.

“Elmo Magalona, I am asking you and I am going to ask you again” Nilapitan niya si Elmo. “Are you sure? Pinapaalis mo na si Julie sa buhay mo? You don’t want to see her again? Kapag sinabi mong hindi, eh ‘di fine pero kapag sinabi mong OO-“ Tinitigan niya si Elmo. Their eyes met. “I will get her in my life and I am promising to you, the moment I get Julie, you will never take her back again”

 

 

TO BE CONTINUED :)

 

The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon