<Julie’s POV>
“Ok guys guys, game na”
“Ok ako naman” Last day namin sa school na ‘to kaya nagkaroon kami ng mini-games dito sa room. Sabi nila, gusto daw nila i-celebrate ‘tong last day namin sa highschool kasama ang buong class 4-3. Wow, gagraduate na ba talaga kami? Nakaabot na ‘yong game sa amin. Ang instruction, magbigay daw kami ng cheesy messages na gusto naming sabihin sa classmates namin or sa buong klase. Haay. Mamimiss ko ‘tong mga kalokohan ng mga ‘to. “Ready na ba kayo? Corny ‘to!” Tumayo si Maqui sa harapan na may dala-dalang papel. Speech ba ‘tong gagawin niya. “So itong message ko para sa buong klase and especially, sa dalawang tao. Una, sa buong class 4-3, thank you guys tinanggap niyo ako. Hindi ‘to ang worst section dahil ito ang coolest kahit pa hindi tayo gumagawa ng assignments”
“Wwwhhhoooaaa!”
“And sa dalawang tao na nakilala ko dito. Una doon sa taong tumulong sa akin nung malapit na akong bumagsak. Hindi ko ineexpect na ikaw ang tutulong sayo. Masyado ka kasing sikat dito at siyempre, doon sa taong nagreject sa akin na tulungan ako” O_O Ako ‘yon ah? “Pero you accepted me as your friend. You just need to know, na in life, you need a person para tulungan ka sa lahat ng bagay. Sobrang thank you. Blessing ka dito sa BRange.”
“Maqui TT___TT Nakakaiyak kyaa!”
“Ang corny”
Nag-asarang na silang lahat doon tapos nandoon lang ako sa upuan ko. Sumunod naman si Yana na tumayo sa harapan na hawak-hawak ‘yong phone niya.
“Hi gus. Yung message ko, ipopost ko na lang sa facebook kasi para sa isang tao lang ‘tong message ko”
“Ang daya TT__TT”
“For our student council President” I hate corny stuffs. Yana talaga. “Kung may hero man ‘tong school na ‘to, ikaw na ‘yon. Sobrang galing mong leader at kahit pa sobra kang sumigaw at magalit minsan, mahal ka pa din namin. Huwag mo akong kakalimutan ah? Magkasama pa rin tayo sa College, promise!”
Dahil sa mga sinasabi niya, mas nagiging malungkot ako. ‘Tong mga ‘to naman.
Nung matapos ‘yong klase, they bid their goodbyes for the last day of classes. Yung mga hindi nag-abot ng message sa akin, nagbigay ng letters. Feeling ko tuloy, birthday ko. Aissh. Bakit ba sila nagiging emotional?!
*BZZZTTT*
Kinuha ko ‘yong phone ko tapos nakita ‘yong text ni Elmo. Oo nga pala, nagpaalam siyang hindi papasok ngayon. Sayang. Last day pa naman.
“May naiwan akong gamit sa ilalim ng desk ko. Pakikuha naman”
Naiwan?
“Pres! Pinapatawag ka sa faculty!”
“Ok!”
Mamaya ko na kukunin ‘yong pinapakuha ni Elmo. Pumunta na ako sa faculty room tapos nakita ko ‘yong adviser namin saka ‘yong teacher namin sa Student Council Organization.
BINABASA MO ANG
The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETED
FanficFalling in love for the first time.