Ito na guys, pambawing update! :)
<Elmo's POV>
"Yes, what do you want?"
"Blue, pasundo naman kay Migs oh! Kakatapos lang ng quiz namin and mas malapit ka sa day care."
"Ha? Kala ko ba ikaw susundo?"
"Please naman oh!"
"Sige sige. Susunduin ko na siya tapos magJojol-"
"No more Jollibee! Ano ba?! Ang taba-taba na niyang anak ko noh. Wag mo namang gawing obese"
"Okay fine. McDo nalang. ^___^"
"Ang kulit mo talaga!"
"I miss you too. "
"Ewan ko sayo."
"Sige, bye."Pagkatapos nung pagbuhbye ko eh binaba ko na 'yong phone tapos kinuha ko yung paper na hawak nung girl na nasa counter ng gym. Pinirmahan ko tapos kinuha ko 'yong gym bag ko sa floor. Tinext ko muna si Lauren tapos nagstart na ako lumakad palabas.
"Oh pare, susunduin mo na naman si Migs?"One of my gym buddies.
"Kailangan eh. Di masusundo ni Lauren, may klase pa ata."
"Naku! Devoted father.. Yan dapat gayahin natin mga dude."
"Mga gago talaga kayo. Mauna na ako"
Sumakay na ako sa kotse ko tapos nilagay yung gym bag sa back seat. Pagharap ko nakita ko yung rosary locket na naka sabit sa rear view mirror. Binuksan ko yung locket then nakita ko sa right part yung picture ni Migs at Lauren magkasama tapos sa left naman ako.
Hindi ko alam pero every time na nakikita ko to eh napapangiti ako. Sila na yung naging comfort zone ko for 5 whole years that we are staying at US. After working for my tito's company for two years, we decided to stay and finish our studies. Lauren and I finished our studies and I am still working in my tito's company. It's been 5 years na nandito kami. Si Maxx, editor na ng fashion magazine with Saab and I am now also a photohrapher at 'yon ang focus ko ngayon. Ewan ko din pero it feels like I need to be a photographer.
I started the car.
Well 5 years wasn't that
long but I feel like I need to do something more.
--
<Maqui's POV>
BINABASA MO ANG
The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETED
FanfictionFalling in love for the first time.