CHAPTER 7.1:Closer

775 48 0
                                    
<Julie’s POV>

“Ok lang. Hihintayin ko na lang. Hihintayin ko na lang na… mainlove ka sa akin.”

Grabe. Hindi na ako makatulog T______T

Inalis ko ‘yong kumot ko saka umupo ako. Ano bang ginawa sa akin ng Elmo na yan? Baka naman ginayuma niya na ako. Pero sabi niya, hihintayin daw niya akong ma-inlove sa kanya. Seryoso kaya siya doon?

--

“Ate, anong nangyari sa mata mo? Bakit abot hanggang Antipolo yang eye bags mo?”

“Hindi ko din alam T__T”

=_= Siyempre hindi na ako nakatulog nang tuluyan kagabi at sinisisi ko lahat ‘to kay Elmo.

Nag-ready na ako para pumasok sa school. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng bread.

“Ate, pabili ako ng ponds”

“Joana, pwedeng ikaw na bumili? Maaga naman uwian mo ah? Araw-araw na lang may pinapabili ka”

“Sige na ate. Hindi pwede na ako ‘yong bumili. Marami kayang masasamang tao sa daan. Delikado na”

“So kapag ako nasa daan, ok lang?”

“Oo. Nagmamartial arts ka kaya”

“Oh, nag-aaway ba kayong magkapatid?”

“Ma, good morning”

“Ma, hindi po”

Napansin ko na may dala-dalang mga bag si mama. “Oh, saan ka pupunta ma?”

“Hindi pa ba sinabi ni Joana?”

“Ano po ‘yon?”

“Ah! Oo nga pala!” Si Joana.

“Aalis muna ako. Pupunta muna ako Subic”

“MA?! Magswisiwimming ka?!”

“Julie Anne naman”

“Hahaha”

“Yung business partner ng tito niyo, dadating. Eh sa Subic sila nakatira. Hindi makakadating tito niyo kaya ako na lang daw ‘yong pupunta”

“Ha? So, maiiwan kami dito sa bahay?”

“Apat na gabi lang”

The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon