CHAPTER 1:Miss Rank Two

2K 62 3
                                    

New JE fanfiction! Advance happy new year guys!!! Stay safe and enjoy. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

“BRange Academy  is the lastranking school in the whole City for 4 consecutive years. This year, mas lalong bumagsak ang performance ng school because of the same students na bumabagsak sa exam. They received a notice na kapag may isang section pa na bumagsak sa kanila sa passing rate ngayong taon, the whole Academy will be suspended for next year. For the last 4 years, halos walang Teacher na umubra sa Class 4-3 ng BRange Academy kaya naman ngayong taon, pinaubaya nila sa mga estudyante ang mga gagawin nilang adjustments para pumasa. Hindi naman lahat ng estudyate sa Class 4-3 eh magugulo. Nandito nga ‘yong School Council President ng BRange. At teka, isang babae pa! Sa sobrang bigat ng responsibility niya para sa buong Academy, halos wala na siyang oras para sa sarili niya. Because of the naughty student, she learned to hate all the guys. Pero sa araw-araw niya na pagsuway sa mga lalaki sa loob ng campus nila, may matagpuan naman kaya siyang Knight In Shining Armor niya that will teach her how to fall in love?”

 

Kinusot-kusot ko ‘yong papel na binasa at napulot ko sa may tapat ng class 4-3. At sino namang may lakas ng loob na magsulat nito?! Kulang na lang ata, autobiography ko ang isulat at teka, fall in love?! Haay!!! Saka ko tinapon ‘yong papel doon sa may basurahan.

***

 

 

“Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo bago pumasok sa isip niyo?! Ken, tanggalin mo yang hikaw sa tenga mo! Nakailang bukas ka na ba hindi mo pa din inaalis?! At ikaw naman Will! ‘Di ba sabi ko alisin mo yang kulay ng buhok mo?! Hindi ka naman kasama sa dragon ball para pakulayan yang buhok mo! Bawal ang may kulay ng buhok dito! Dapat ganito ang hitsura niyo!” Hinatak ko ‘yong napadaan student na nakaproper uniform sa amin. “Tamang gupit, proper uniform at maayos na mukha!”

“Ye…yes pres!!!”                    

 

Pabagsak ko na sinara ko ‘yong gate ng school.

“Bawal kayong pumasok!”

“Ye…. Yes pres!”

 

***

 

“Pre…pres! Tapos na po ‘yong student council guidebook”

“Buti naman. Sobrang reliable mo talaga. Thanks, Julian!”

Naupo ako sandali doon sa sa student council desk ko. Geez. Halos magsisimula pa lang ‘tong pasukan puro kagulahan na ‘tong nakikita ko. Si Ken at Will ‘yong sinarhan ko ng gate kanina. ‘Di kasi sila sumusunod s autos ko. Halos araw-araw sila na ang nagiging problema ko.

4 years na din since naging coed school ‘tong BRange Academy namin. 4 years ago, ito ang biggest all male high school sa Manila kaso nawala ‘yong reputation nito nung puro bagsak ang mga naging grades ng male studetns dito. 4 years ago, ako pianakaunang nag-enroll na girl dito simula nung naging coed na ‘tong Academy. Binigyan ng authority ang student council na patakbuhin ‘tong school. Saka lang sila mangingialam kapag grabe na daw ‘yong mangyayari. Last year, si Rain ang president ng student council kaso hindi daw niya kinaya ‘yong pressure kaya ako ang ipinalit nila. Ayun, lumipat siya ng schoo.  Ako ang first female student council president kaya naman hindi ko pababayaan ang mga girls dito. Now that I stand in this position, I won’t let the boys do whatever they want! I gained the teacher’s trust and obtained my current status at the Student Council President. And all I know, is I need to save this Academy from the suspension.

The First Time Lover (JuliElmo:Love Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon