DIECISEIS

11 1 0
                                    

Krissan's POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa labas ng univeristy. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang ilang hibla ng buhok ko ay napupunta na sa aking mukha. Para na akong tatangayin ng hangin dahil sa lakas nito.

Ang dalawang kamay ko ay nasa aking likod. Dahil sa nangyari sa akin ay itinigil muna ni Premo ang next act. Maayos naman na ako ngayon, nakakalakad na ulit ng ayos, ready na ulit masaktan.

"You are now breathing just fine," bigla akong nagulat nang sumulpot sa gilid ko si Seb.

"O-Oh, Seb!" Napatigil ako sa paglalakad at ganon din siya.

"Ok kana?" Bahagya siyang lumapit sa akin at tumitig.

He was about to put his hand on my head when suddenly,

"Meow!" Bigla kaming nakarinig ng isang meow ng kuting.

Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun.

Kasalukuyan akong nakasuot ng black fitted maong shorts at white fitted croptop. Air Jordan 1 ang suot kong sapatos. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumorma ng ganito ngayon. Sa lamig na ito, ngayon pa ako nag ganito.

Lalong lumakas ang hangin habang iniikot ko ang ulo ko para hanapin kung nasaan ang kuting.

"Meow," parang natatakot ito.

Agad din akong ginaya ni Seb.

Maya-maya ay bigla kong nakita ang isang malaking puno kung saan nakasiksik ang isang kuting. Napa ngiti ako nang makita ko ang maputing kuting na walang tigil ang pag meow. Ang mga dahon sa sangang kanyang kinakapitan ay nanglalagas na dahil sa lakas ng hangin.

Kitang-kita ko ang matinding pagkapit niya sa sanga ng puno para hindi mahulog.

"Meow!"

"Iyon!" Palyaw ko.

Agad akong naghanap ng malapit na tutungtungan para maabot ang kuting, medyo may pagka taasan din kasi ang puno.

Biglang nahagip ng mata ko ang fence na malapit sa sanga kung saan naka kapit ang kuting.

I knew I'm scared of heights but I can't just leave the kitten in there.

Bumuntong hininga muna ako bago ko akyatin ang fence.

"Issa, bumaba ka d'yan! Baka mahulog ka." Sigaw ng isang lalake pero laking pagtataka ko nang hindi iyon si Seb. Ibang boses ang narinig ko.

"Hintay lang, 'yung kuting kasi eh-" mabilis akong humawak sa fence at agad nilingon ang lalake.

"Tres?" Napakunot noo ako nang si Tres ang bumungad sa akin at hindi si Seb.

Inilibot ko pa ang paningin ko para hanapin si Seb pero bigla siyang naglaho.

"Bumaba ka sabi eh!" Natakot ako nang biglang lumakas ang boses ni Premo pero nanatili akong pasaway at umakyat pa lalo dahil hindi ko maabot ang sanga.

"Isa!" Bilang ni Tres.

Rinig ko ang pag buntong hininga niya at ramdam ko ang paglapit niya sa akin.

Nagbingi-bingihan lang ako kay Premo at pinagpatuloy ang pagkuha sa puting kuting.

"C'mon," bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya ay natigilan ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang maiinit na kamay ni Premo sa aking hita.

He caressed my legs and that made me swallow my saliva.

"A-Ahh.." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Para akong nawalan ng mga salita. Para akong nawalan ng boses.

"I told you to come down," utos niya sa mahinahong paraan.

"P-Pero, y-yung a-ano k-kasi.." utal-utal kong paliwanag.

"Release your grip on the metal." Mariin niyang pahayag.

"P-Pero, P-Premo.." I tried to explain but that didn't work.

Lalong niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking mga hita.

I can feel the tender heat around my body. Parang naglalaban ang mga organs ko sa aking katawan na parang gusto nilang kumawala.

"Ako ang kukuha, bitaw!" He ordered authoritatively.

Dahan-dahan akong bumitaw sa metal fence at dahan-dahan akong binaba ni Tres.

Agad niyang itinaas ang mga manggas ng jacket niya at agad umakyat sa fence.                       

Hinanap ko naman si Seb pagkababa ko at hindi ko na siya nakita pa.

Maya-maya ay bumaba na si Premo hawak-hawak ang kuting. Ang cute niya, parang ayaw na ayaw niyang hawakan ito. Ang sama ng tingin niya dito.

Binaba niya ang kuting at agad akong binaba ang aking sarili para yakapin ang puting kuting.

"Meow!" Niyakap ko 'yung kuting at agad akong napangiti.

Tinitigan ko lang ang itsura ng kuting. Color blue ang kulay ng mata niya, ang ganda.

"Tsk," rinig kong pahayag ni Premo.

Bumaba rin siya ng bahagya para maharap ako.

"Sana pinabayaan mo nalang doon." Walang gana niyang unsad.

"Sana hindi mo nalang kinuha, sana pinabayaan mo nalang ako," paliwanag ko.

"You don't know how clumsy you are, ang bago mo palang dito, ang dami mo nang mga sugat at pasa, I can't afford that another bruise will be put into your skin again." I raised a brow, ang oa ha.

"Maganda 'yun. Impyerno agad bagsak," habang nakatingin sa pusa ay agad akong nagsalita. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

"Nasa INFERNO ka na, hilingin mo namang sa langit ang punta mo,'' seryosong pahayag ni Premo.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan pagkatapos kong basain ang aking labi.

"This is weird but..'' tumigil ako sandali.

"I like staying in here, playing with your devilish games and having wounds and bruises all over me, I enjoy your kind of Hell, I don't know if I'll feel this way in Heaven,'' I smirked.

"Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at sa sobrang sakit ng dinanas ko dito, ine-enjoy ko nalang." Dahan-dahan akong tumayo habang minamasahe ang kuting sa aking kamay.

"Because of INFERNO, all the sufferings are not new to me. I got used to it already. Who would have thought that I'll be happy suffering and enduring the pain in INFERNO UNIVERSITY?"

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon