DIECISIETE

14 2 0
                                    

Krissan's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang kwarto nang biglang tumunog ang speaker at biglang nagsalita si Rien.

Sabay kaming nagulat ng hawak kong kuting dahil sa lakas ng tunog nito na talagang nagpabulabog sa aking mga tenga.

"Meow!" Ramdam ko ang takot ng kuting nang bigla niyang isinuksok ang ulo niya sa aking dibdib.

"Everyone, please go to the hallway!" Seryosong utos ni Rien.

Bigla akong napakunot noo at agad nag iba nang direksyon para bumalik sa hallway.

Nakita ko ang walang buhay na pistura nina Maxiene at Landre.

"Asan si Stacey?" Bigla kong kinulbit si Max at agad niyang inayos ang salamin niya. Ngayon ko nalang siya nakita na may suot na salamin. Kalimitan kasi ay naka contact lense siya.

"Yun oh, nakikipaglandian," agad niya itinuro ang index finger niya sa gawing kanan namin at doon namin nakita si Stacey na kasama si... si Seb.

Bigla akong napatungo at agad sinulyapan ang puting kuting.

"Meow?" Nag aalala akong tiningnan ng kuting. Kahit papano ay napangiti ako.

Agad kong itinaas ang kuting at tiningnan kung ano ang gender niya.

"Oh, you're a boy pala eh." Ngumiti ako ng bahagya.

"Since our act was postponed, Tres and I got something new today," biglang ngumisi si Adrienne.

Ano na naman kaya ang padahak ng dalawang ito?

"Anong meron sa blackboard na green naman?" Agad napatingin ang lahat kay Ivy na siyang nagtanong niyon habang nakahalukipkip.

Andito kami ngayon sa hallway kung saan makikita mo ang dalawang malaking hagdan pagpasok mo ng eskwelahan na 'to.

May isang malaking blackboard sa aming harapan. Plain lang ito, walang mga lines. Mas matangkad pa ito kay Tres, lalo na kay Adrienne.

Biglang napunta ang tingin ko sa hawak ni Tres na isang transparent box. Sticky notes ang mga laman nito at markers. Lalong napakunot ang aking noo.

"Achuuuu!" Lahat ay napunta ang tingin sa taong humatsing sa tabi ko.

Napapikit nalang ako dahil sa lapit niya sa akin. Tumalsik sa aking balat ang laway niya.

Huminga ako ng malalim nang makita ko ang pagmumukha ni Sy sa gilid ko. Namumula pa ang ilong niya at patuloy ang pag hatsing.

"Yuck, a cat!" Agad niya akong tinulak kaya nadali ko si Max na kasalukuyan kong katabi.

"Who told you that you can bring cats here?" Nanggigigil akong sinulyapan ni Sy.

Cat lang, isa lang naman 'to eh.

"Wala naman 'yun sa rules ah na bawal magdala ng pusa dito," makinahon kong sagot.

"Achuu! Hindi mo ba alam na ayaw ng founder ng pusa?" She rubbed her nose after she shouted at me.

"Huh?" Dahan-dahan kong tiningnan si Tres na hanggang ngayon ay wala pa ding ekspresyon ang mukha.

"Get that away from me!" Tinulak niya ulit ako hanggang bumagsak ako sa sahig.

"Meow!" Parang galit na nag meow ang kuting kay Sy.

Agad naman akong tinulungang tumayo ni Landre at Max. Dahan-dahan akong tumayo at tumingin kay Tres na tinititigan lang ako hanggang ngayon.

Nagsimula ulit magsalita si Rien.

Maya-maya ay biglang tumalon mula sa aking bisig ang puting kuting at mabilis na tumakbo papalayo sa amin.

Lahat ay tumingin sa akin na parang nandidiri.

Unti-unti akong tumingin kay Sy at Drevon na magkatabi lang. Maya-maya ay naisipan ko nalang tumungo.

"Introducing, the INFERNotes, we wanted to know you all. This blackboard is provided to let you write your insights through out your day and in the middle of the night, we will find time to read all of it."

"Iiwan lang namin dito ito ni Tres at kayo na ang bahalang maglagay ng mga gusto niyong ilagay d'yan. It will start today. Enjoy!" Rinig kong paliwanag ni Rien habang nakatungo ako.

Hiyang-hiya ako sa mga nakatingin sa akin kanina.

"Hey!" I saw Seb smiled when I lift my head up.

"Hi!" Itinaas ko ang aking kaliwang kamay para kumaway sa kanya kahit sobrang lapit niya na sa akin. Agad kong tiningnan ang buong paligid. Gaano katagal na ba akong nakatungo at wala na pala ang mga tao sa paligid ko?

"You ok?" Ngumiti ulit siya habang nag-alala akong tiningnan.

Akala ko wala silang pinagkaiba ni Tres, meron pala.

Seb used to give me more expression than Tres. Premo seems so lonely everyday. He used to give everyone a fixed face. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha lagi. Minsan lang ngumiti, pilit pa ata.

"Bakit nawala ka kanina? Hinanap kita, para kang bula na naglaho." Diretso kong tanong.

"Tinulungan ko si Stacey," lalong lumaki ang ngiti niya.

"Bakit? Anong nangyari kay Stacey?" Agad ko siyang tiningnan nang nag aalala.

"Nothing," I raised a brow when he answered.

Hmm. Suspicious ha.

"May sasabihin sana ako sa 'yo, Issa." Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Ano 'yun?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Gusto niya ba 'ko? Ang bilis naman, sabagay medyo crush ko naman siya.

Ramdam ko ang pagpula ng aking mga pisngi.

"Gusto ko si Stacey, gusto ko ang kaibigan mo," mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Agad kong binatukan ang ulo ko at agad na napapikit.

"Ang assuming mo, Krissan," mahina kong panayam sa sarili.

"Ano 'yun?" Nakataas ang isa niyang kilay nang tanungin ako.

Bahagya akong umatras at agad siyang binigyan ng pilit na ngiti.

"W-Wala.. naalala ko k-kailangan nga palang magsulat dito, d-diba?" Dali-dali akong nagpunta sa blackboard na tinawag kanina ni Rien na INFERNotes.

Agad akong kumuha ng isang pirasong sticky note at pentel pen.

"Anong susulat mo?" Agad dumungaw si Seb sa akin.

"W-Wala.." pilit kong iniwas ang tingin sa kanya.

"Umalis kana, secret 'to," iniiwasan ko pa din siya.

"Alright, I'll go ahead." Ramdam ko ang pag ngiti niya bago ako iwan.

Pumigit muna ako bago magsulat.

"Shit! Kakahiyang utak 'to," hinampas-hampas ko pa ang ulo ko. Buti nalang hindi ko nasabi 'yun sa harapan niya dahil mas lalong nakakahiya 'yun!

--------------------------------------------------------------

Tres's POV

I looked at my watch as I walk towards the corridor. The lights are already turned off, it's already 11:00 PM. With the help of my flashlight, I roamed around.

Suddenly, I stopped in front of the INFERNotes and someone already wrote his or her insight on it.

I thought they won't find this amazing but someone has the gut to write on there. That's great.

Agad kong kinuha ang pink sticky note na nakakabit sa blackboard.

I raised a brow when I read the note.

'Amboring, ligawan ko kaya crush ko?'

There's no name. Hmm, interesting.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon