ONCE

13 1 0
                                    

Krissan's POV
"Tulong, Tres tulong!" Mahinang unsad ni Drevondee sa harapan namin na ngayo'y hawak-hawak ang tyan niyang duguan. Madami rin siyang tinamong pasa sa braso at may nakatusok na pako sa kaniyang kaliwang paa.

Dali-daling tumakbo si Premo kay Drevon at agad itong binuhat ng pangkasal. Maging si Rien ay sumunod na at dali-dali silang naglakad sa kahabaan ng hallway.

We became speechless. Lahat kaming mga magkakaibigan ay hindi makagalaw sa aming pwesto. Alam kong may isang tanong na bumabagabag sa aming lahat. Sino kaya ang gumawa niyon?

"Issa.." agad yumakap sa braso ko si Stacey.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan at kitang-kita ko ang takot na namumuo sa mga mata niya. Agad kong tinapik ang ulo niya para pakalmahin siya.

"L-Let's go back inside and eat," although I'm scared, I need to be strong and I already told that to myself many times.

Para kaming lantang gulay pagpasok sa silid. Agad tinuloy ni Maxiene at Stacey ang pagluluto na naiwan nina Adrienne at Tres habang ako, tinitingnan ang buong paligid. Hindi na bago sa akin ang mga dugong nakapinta sa mga dingding at pader pero hanggang ngayon ay isa ito sa nagpapatakot sa akin. Napatulala nalang ako saglit.

"Sabi ni Rien sa akin kagabi ay meron daw tayong second activity ngayong araw na ito," dahan-dahang nagtungo ang tingin ko kay Landré nang sabihin niya iyon sa tabi ko dito sa sofa. Tinitigan ko lang siya ng ilang sigundo bago tumango.

"Anong activity 'yan?" I raised a brow at Landré.

"Hindi ko rin alam," sagot niya. Hindi ko matagalang tingnan si Dré dahil sobra akong naaawa sa kanya.

"Ako, alam ko kung anong activity 'yun." Walang buhay na unsad ni Max.

"Ano?" Sabay-sabay naming tanong ni Landré at ni Stacey.

"Secret," ngumisi siya pagkasabi niya niyon.

———————————————————————————

"ANNOUNCEMENT! EVERYONE ARE REQUIRED TO GO THE LIBRARY RIGHT NOW FOR THE SECOND ACT, THANK YOU!"

Bigla akong napatigil sa paglalakad sa mahabang hallway nang marinig ko sa buong paligid ang boses ni Rien. Tila may mga malalaking speaker na naka lagay sa dingding ngunit hindi ko makita kung nasaan ang mga ito.

Kasalukuyan kong katabi si  Landré na ngayo'y medyo maayos na ang kalagayan. Wala na siyang mga banda sa katawan pero kitang-kita parin ang mga pasa na kaniyang natamo. Si Tres lang pala ang gamot, mali pala, ngiti ni Tres ang gamot. Balak sana naming libutin ang buong eskwelahan pero dahil sa narinig naming announcement ni Rien ay agad na kaming nagtungo sa library. Si Max at si Stacey ay nasa library na, nagpaalam sila sa akin kanina na magbabasa raw sila. Pagpasok namin sa library ay agad sumalubong sa amin ang maamong mukha ni Adrienne.

"Landré at Krissan!" Nakangiting bati ni Rien.

Agad naman akong gumanti ng ngiti at ganon din si Dré.

"Let's start," Rien made a side smile and I did the same thing.

Kitang-kita ko ang pagtiad ni Landré na halatang may hinahanap.

"Hoy," agad ko siyang kinulbit at tinawag ng mahina.

"Sino na namang hanap mo?" Agad akong napatingin sa direksyon kung saan siya may sinisilip.

"Ahhh, asan kaya si Tres?" Malungkot niyang tanong.

I immediately rolled my eyes when I heard that name. Sabi na't si Premo ang hanap niya.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon