SIETE

18 0 0
                                    

Krissan's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad kong nilibot ang paningin ko at laking gulat ko nang makita ko ang sarili kong nakahimlay sa isang higaan. Puti ang digding at pader.

Bumangon ako at agad kong nakita ang walang buhay na ekspresyon ni Tres. Nakahalukipkip siya at tila walang pake na nagising na 'ko.

I looked at myself, I'm wearing a plain white dress and I'm covered with blanket too.

Dahan-dahang ibinaba ni Tres ang kaniyang mga kamay.

"Good thing, you already woke up." Malamig na unsad niya.

Nilibot ko nalang ulit ang paningin ko. Nasa isang silid kami at ang daming kalat. Agad kong tiningnan ang higaan kung saan ako naka pwesto. Halos kinakalawang na ito, ganoon din ang mga kama na nakapalibot dito, halatang luma na ang mga ito.

"Anong nangyari?" Nakakunot noo kong tanong kay Tres.

He let go a heavy sigh before he crossed his arms again.

"Magpahinga ka nalang,"

He didn't answer my question. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya agad kong inilayo ang mukha ko. Tiningnan niya ako ng diretso habang wala paring buhay ang mukha.

"Issa, take care always." He looked down and slowly, lifted his face and suddenly, our eyes met.

Sa sobrang lapit ng mukha namin ngayon ay halos nararamdaman ko na ang hininga niya.

"Be brave Issa, ayoko ng mangyari pa 'to, please take care." Bulong niya. He wet his lips before he decided to moved away from me and get out from the room.

🎶Why do birds suddenly appear, every time you are near? Just like me, they long to be, Close to you🎶

Biglang tumugtog ang favorite song ko.

🎶 Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you🎶

Hindi ko alam kung bakit everytime nakikita ko si Tres at kaming dalawa lang ay natunog ang favorite song ko at hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling.

Maya-maya ay biglang namatay ang kanta. Bigla kong naalala ang mga kaganapang nangyari bago ako mahimatay! Oo, nahimatay ako sa pagkakatanda ko! Who brought me here? Who was the first one to saw me lying on the floor?

"Landré!" Bigla akong sumigaw ng walang kasiguraduhan kung may makakarinig ba sa akin.

"Landré!" Sigaw ko pa.

Binasa ko ang labi ko hanggang sa maramdaman ko na naman ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata.

Agad kong tinanggal ang kumot sa aking katawan at agad lumapit sa may pinto. Binuksan ko iyon at agad lumigon sa kaliwa ko't kanan. Wala akong nahagilap na tao kaya ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ang daan na tinatahak ko. Bumaba na ako ng bumaba ng hagdan. Kakaiba ang lugar na ito, hindi marbled ang sahig at halos off white na ang mga pader dahil sa dumi. Halatang abandonado na ito. Ang mga railings na hinahawakan ko ay kinakalawang at sira na din. Ang daming kalat at halatang walang nagwawalis dito.

Walang saplot ang paa ko ngayon kaya kung ano-ano na ang natatapakan ko. Nakatapak pa ako ng thumbtacks na talagang bumaon sa paa ko pero hindi ko ininda ang sakit. Mas nag p-pokus akong mahanap ang kaibigan ko kaysa alalahanin pa ang bagay na tumusok sa paa ko. Madilim na at halos walang bukas na ilaw dito. Ang galing naman din talaga ni Tres, basta nalang ako iniwan doon sa higaan ko.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon