DIEZ

15 0 0
                                    

Krissan's POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng kampana. Hindi ko alam kung anong oras na, wala na akong balak itanong pa 'yon. Lumabas ako sa kwarto ko at bigla akong nagulat nang makita ko si Tres na nasa kusina. Nandoon din Si Adrienne at kapwa silang nagluluto ng pagkain. Dapat talaga kinukuha na ang susi nila eh! Nawawalan kami ng privacy! Maya't maya nalang namin sila nakikita na nandito sa room namin.

Nakita kong lumabas si Landré sa kwarto niya at halata ko ang iniinda niyang sakit sa buong katawan. Hinarap kami ni Tres at biglang may sumilay na ngiti mula sa kaniyang labi. Akala ko ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik.

"Okay ka na ba, Landré?" Biglang nagtanong si Premo kaya dahan-dahang nawala ang ngiti ko. Awkward.

"Okay na naman, Tres!"

Dahan-dahan kong tiningnan si Landré at nagpakawala siya ng matamis na ngiti. Parang nawala ang sakit sa buong katawan niya nang dali-dali siyang tumakbo papunta sa direksyon ni Premo. Sinubaybayan ko ang bawat hakbang niya. Bigla akong natulala at nawala sa sarili.

"Hoy!" Bigla akong natauhan nang banggain ako ni Max na nasa likod ko. Tulad ko ay kakagising lang din niya.

"Bat ika'y natutulala diyan?"

Inirapan ko lang siya sa halip na sagutin. Padabog akong naglakad papunta sa living room at agad umupo sa mahabang sofa. Hindi man lang ako binati ni Premo. Samantalang iniwan niya ako kagabi!

"Sorry about yesterday Issa, ginamot ko pa kasi si Dré," hindi ko siya tiningnan at nanatili akong diretso ang tingin.

"Hindi ka pa nakain Issa, simula nung nahimatay ka, sasakit ulo mo." Bigla akong napatingin sa gawi ni Premo nang banggitin niya iyon.

Paano naman niya nalaman 'yun? Hindi siya tumitingin sa akin pero alam kong nakikita niya ang ekspresyon ko sa kanyang peripheral vision. Kasalukuyan siyang naghahati ng sibuyas sa may lamesa. Agad nahagip ng mata ko ang bawat paghati ni Tres sa sibuyas gamit ang kutsilyo.

"Don't look at this, Issa," hindi ko na namalayan na nakatingin na pala sa akin si Premo.

Wala pa ring buhay ang mga mata niya pero ramdam kong may ipinapahiwatig ang mga tingin niya. Biglang tumayo si Rien sa pagkakaupo nang matapos niyang himayin ang mga malunggay. Agad siyang nag streched ng katawan niya.

"Ayos ba, Einne?" Sumilay ang ngiti sa labi ni Tres ngunit mabilis lamang iyon.

"Bakit nandito na naman kayo? Hindi man lang kayo nagpaalam na papasok kayo dito." Walang gana kong unsad.

"Sorry Issa about last night,"

Inalis ko ang tingin ko kay Premo at agad nalang tumingin sa unahan.

"I'm not your obligation, I know you have so much things to do," Pahayag ko.

"I should be the one saying sorry, dumagdag ako sa obligasyon mo na dapat hinayaan mo nalang." Seryoso kong unsad.

"No, you are studying in my school therefore, I should be responsible for all of you." Binalik ko ang tingin ko kay Tres. Ilang segundo kaming nagka titigan sa isa't isa bago sabay na bumaling ng tingin.

"Can this school get any worst?" Agad na napunta kay Stacey ang tingin ng lahat. Kasalukuyang nakatingin sa malayo si Stacey na tila may malalim na iniisip.

"I got almost drowned!" Diretso niyang tiningnan si Tres.

"Tell me Tres, ano pa ba ang dapat naming gawin? Gusto niyo ba kami talagang patayin?" Agad akong lumapit kay Stacey para pakalmahin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang likod. Halos pasigaw na niyang sabihin ang mga sinabi niya kanina. Alam kong nalulungkot siya sa mga nangyayari.

"Ano ba kasi nangyari 2 years ago? Bakit kailangang itago niyo iyon sa amin?" Medyo mahinahong tanong ni Stacey.

Hinarap ko sina Adrienne at Tres na kapwa natahimik at walang masabi. Nagtinginan pa sila sa isa't isa at biglang napatungo pagkatapos.

"Rien please, please let us be enlightened!" Seryosong unsad ni Stacey.

"Ano bang sikreto ng INFERNO? Ano bang sikreto niyo? You took advantage of our curiosity, halos lahat nalang ng tungkol sa amin, alam niyo." Hindi tulad kanina na galit na galit siya, ngayon ay mahinahon na si Stacey.

Diretso pa rin ang tingin niya sa dalawang founder ng eskwelahan habang naghahanap ng mga sagot sa katanungan niya.

"Calm down," ani ko habang nakatingin sa baba.

"I can't calm down, Issa! Nakakatakot na dito, ano bang matututunan natin dito? School ba talaga 'to o talagang it's their way of slowly killing us?"

Hinarap ko si Stacey at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Nanatili akong kalmado kahit nagkakainitan na sa loob ng silid.

"It's not what we wanted to happen-"

"Tres.." pinutol ni Rien ang sasabihin ni Premo.

Nagkatitigan sila pero sa isang tango lang ni Tres ay alam na agad ni Rien ang gusto nitong ipahiwatig. He came closer to our direction with his expressionless face. Tumigil siya sa harapan namin ni Stacey. Amoy ko ang matapang niyang pabangong ngayon ko lang naamoy. Ngayon ko lang siya naamoy na may matapang na pabango, noon kasi eh hindi naman ganiyan katapang ang amoy ng pabango niya.

"I'll explain it to you, to all of you, but give me some time. Hindi ako sanay na nagsasabi, I tend to keep it to myself but I want all of you to know the dark secret of INFERNO, just give me time to heal," he spoke so chill and soft.

Biglang nagbago ang tono ng pananalita niya. Biglang nawala ang nakakatakot niyang boses na nagpapakaba sa akin. By his words, I found myself speechless. I can sense the sincerity within the voice of him that we all heard.

"Please," seryoso niya akong tiningnan kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Basta bilisan mo lang." Ako na ang mismong nagsalita.

Biglang tumalikod si Stacey at agad bumalik sa kwarto niya. Pagkatapos niyang ibagsak ang pintuan ng kwarto niya ay agad na akong bumalik sa sofa. Bumalik na rin si Tres sa paggagayat. Isa-isa kong tiningnan ang mga taong nandidito. Si Max ay nakatungo nalang at parang malalim din ang iniisip at si Landré naman ay malayo ang tingin. Si Adrienne ay nagpatuloy sa pagluluto na parang walang nangyari at si Tres ay naggayat na ng mga gulay na isasahog nila.

"Whaaaaaaaa!"

Lahat kami'y napatingin sa pinto nang may marinig kaming malakas na sigaw. Sandali kaming natigilan bago sunod-sunod na lumabas sa aming silid. Pagbukas ko ng pinto ay agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa aking harapan.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon