DOCE

15 1 0
                                    

Krissan's POV
Agad nagsitayuan ang mga estudyante nang tapusin ni Premo ang meeting. Naiwan akong tulala habang masamang tinititigan si Premo. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Baka may gawin siya sa aking masama, naku 'wag naman sana!

Ako nalang ang bukod tanging naka-upo ngayon. Nang tumayo si Premo ay agad niya akong sinulyapan.

"What are you looking at?" Malamig niyang tanong.

Dahan-dahan kong iniling ang ulo ko.

"Anong gagawin mo sa 'kin?" Diretso kong tanong na agad nagpagulat kay Premo.

"Anong gagawin ko sa 'yo?" Sinagot niya ako ng isa pang tanong.

"Why am I coming with you, Tres?" Dahan-dahan akong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mga mata.

"We need to talk about something, Krissan."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong nag-cross arm.

"Edi pag-usapan ngayon," marahan kong tinaas ang baba ko.

"Come with me," he sighed.

Agad akong nagtungo sa direksyon niya at sinabayan siyang maglakad. Naiilang ako sa mga kinikilos niya. Alam kong hindi talaga siya ayos ngayon, pinilit niya lang.

"Take a rest, Premo." Nag-aalala kong pahayag.

Bigla kaming napatigil sa paglalakad at dahan-dahan akong tiningnan ni Premo. Bigla akong nailang sa mga titig niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin ngayon kaya napatungo nalang ako.

"Kaya ko, Krissan."

In a span of several days, I got used to him calling me Issa and I feel uneasy whenever he calls me Krissan. Parang ang pormal, parang pinagagalitan niya ako. I just nod my head. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Akma kaming hahakbang pauna nang biglang sumulpot sa harapan namin si Seb na hingal na hingal. Napahawak pa siya sa magkabila niyang tuhod dahil sa pagod.

"Haaaa, k-krissa.." itinaas niya ang kamay niya at agad huminga ng malalim. Kitang-kita ang namumuong pawis sa noo niya.

"Nyare sa 'yo?" Naguguluhan kong tanong.

"N-Nakita mo b-ba 'y-yung l-libro na b-basahin ko d-dapat?" Napakunot noo ako sa tanong niya.

"Ha?" Maikli kong tanong.

"INFERNO grudges," bigla akong napatingin sa namumutlang mukha ni Premo.

"Ano?" Naguguluhan kong pinagpalit-palit ang tingin ko sa dalawang lalake sa aking harapan.

"Anong meron do'n?" Natataranta na 'ko dahil kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagkabahala.

"Premooo!" I held his arms so he'll notice me. Unti-unti na namang namuo ang kaba sa aking dibdib.

"Kailangan natin hanapin 'yun!" Unsad ni Premo.

Tila silang dalawa lang ang nagkakaintindihan sa mga sinasabi nila.

"Alin? Bakit? Ano bang meron don? Hoy!" Halos sumigaw na ako sa sobrang taranta. Ni hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Anong meron sa libro na 'yun? Tanda ko 'yun! 'Yun yung first meeting namin ni Seb. May librong nakakuha ng atensyon ko pero kinuha 'yun ni Seb!

"Issa, listen," agad akong napatingin kay Tres nang sabihin niya ang nickname ko.

"Pag nawala sa library na 'to ang isa sa seven INFERNO grudges books, iisa lang ibig sabihin non." Lalong napakunot ang noo ko sa sinasabi niya.

Lubdub, lubdub, lubdub.

I can't control my nervousness, can anyone does?

"A-Anong ibig sabihin no'n?" Halata sa pananalita ko ang kaba.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon