VIENTIUNO

14 1 1
                                    

Krissan's POV
"Ohh bakit andito ka din!" Napalakas ang boses ko nang makita ko si Landré na nagbabasa ng libro sa aking harapan pagkalapag ko ng librong aking binabasa.

Kuminang ang kanyang mata nang makita niya ang binabasa ko.

Agad siyang napatayo sa upuan niya at namangha.

"Wow!" Binuklat niya ang libro habang patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya.

Ano pa nga ba ang kulang kay Dré? I mean, she's indeed beautiful and cheerful, hindi naman malayong magustuhan siya ni Tres.

"Hoy!" Agad winagaywag ni Landré ang kamay niya sa aking harapan dahilan para matauhan ako.

Dahan-dahan siyang umupo sa kanyang upuan at agad inilapit ang ulo sa akin, agad ko namang inilayo ang ulo ko.

"Si Stacey at si Seb na pala," bulong ni Landré.

"Diba bawal? Fling fling lang ba 'yun?" Tuloy niya pa.

"Ehhh diba gusto mo si Seb? Inggit ka ba?" Pang-aasar ni Landré. Agad kong itinaas ang isa kong kilay.

Grabe mang-asar ha! Napakasama ng ugali!

Si Seb? Gusto ko? Akala ko din eh.

"Hoooy!" Mahina pero madiin na unsad ni Landré.

"Akala ko nga eh, ang bait niya kaya," naglabas ako ng pilit na ngiti.

Biglang umayos si Landré ng kanyang upo at ngumiti ng malaki.

"Si Tres din eh, mabait." Biglang namula ang pisnge niya.

I rolled my eyes.

Ako na ang papatay sa inyong dalawa eh, sinasabi ko sa inyo, tsk!

"Speaking of Tres, ngayon daw ang next act, balitaan mo ako kay Tres, ha? Hayst, bakit kasi ikaw nag kasama niya!" She pouted.

Ngayon ko lang na-realized na ang next act nga pala ay kasama ko si Premo, ituloy nalang kaya niya ang act? Wala naman akong gagawing masama sa kanya eh, wala, wala talaga.

"Iwan na muna kita, ha? Pag natapos mo pala 'yang libro, bigay mo sa akin, ang ganda ng cover eh!" Nakangiting pahayag ni Landré. Tumango nalang ako bilang sagot. Maya-maya'y tumayo na siya sa kanyang upuan at agad umalis sa aking direksyon.

Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin.

No sounds. No killings. No blood. Just peace.

Ang tahimik sa library, parang tirahan ng mga anghel, ang ganda pa ng marbled na dingding at sahig dito.

Inangat ko nang bahagya ang libro na nasa aking harapan. Huminga ako ng malalim bago basahin ang title nito.

"Number 1 INFERNO grudge book."

Sa pagkakaalam ko, pito ito. I need to find the rest, baka doon ko malaman ang nangyare 2 years ago.

"Issa!" Agad napaangat ang aking tingin nang tawagin ako ni Adrienne.

"Bakit?" Agad siyang pumunta sa table kung saan ako naroroon.

"We saw you." Napaangat ang isa kong kilay.

"Huh?"

"Mukhang sayang ata ang luha mo, Krissan." Agad siyang ngumisi.

Napakunot ang aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya bago umupo sa upuan kung saan umupo si Landré kanina.

INFERNO UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon