Jessy

6 0 0
                                    

Teka. Sandali lang. Ano ito, date?

While the day was undeniably smooth, i still can't imagine myself sitting in front of this guy over dinner. If I have to recount the events that happened prior to this particular moment, I believe Arthur Lesaca should NOT be here in this particular scene. He's rude. He's too full of himself. He acts like he's the king of everything. Kulang na lang i-claim niya sa buong universe na siya ang nawawalang anak ni Jupiter. If he asked me out three days ago, baka binigyan ko siya ng isang mag-anak na sampal kasama ang mag-pinsang upper-cut.

But he asked me now. Ewan ko, parang ibang tao si Artie ngayon. Parang sinapian ng Poon sa kabaitan. Believe it or not, he's a perfect gentleman the past few hours. Nalilito nga ako kung eto ang tunay na anyo ni Artie or natamaan lang siya ng gamma ray kaya ganito siya. Kung anumang potion or mutagen ang sinaksak niya sa dugo niya, sana magtagal pa nang ilang oras kase i like him like this.

Ano ba iniisip ko? Dinner lang ito, nothing else. We had a very long day and we need our supply of nourishment. Yun lang yun. But still...

" Ok ka lang, Jessy?"

Jessy? San galing yun? Kelan pa ako tinawag ng Jessy?

"Oo naman, anu ka ba? Ayus nga tong place na 'to e."

"Pasensya ka na, dito lang sa hospital canteen kita nadala after your hardwork for us."

"Sus, anu ka ba? Tingnan mo, o. Floating Island. Di ba sikat itong resto na ito sa Makati Med? And Ok food dito, no?  Ive been here before."

"Ako rin. Lalo nung bata ako. Resident doctors kase parents namin dito dati, so imagine halos dito na ako lumaki."

Ayan na. Duma-da moves na.Nagsisimula nang magkwento ng personal life niya. Napaka-cliche. Alam ko itong scene na ganito e: si lalaki magkukuwento ng bits and pieces from his biography. Tapos he'll earn your trust and then he will ask you out again. Tapos manliligaw. Tapos magiging kayo. Tapos...

Ang problema, mukhang effective ang cliche moves ni gago. Kada end ng sentence, ngingiti. Tapos titigan pa ako sa mata. Ano ba yan? Gumagapang ang panty ko pababa. Hay, Jess. Umayos ka. Hindi ito ang gugustuhin mong magiging ama ng mga anak mo. Sakay ka lang...

"Ahh, doctors. So I presume dapat Med din ang kukunin mo sa college?"

"You got that right! Imagine how they felt when I took up MassCom. Hell froze over. Muntik na akong di pag-aralin."

Shit. Sakto pa ang sob story niya sa iniisip ko. Relax ka lang, girl. Dinner lang ito. And gutom ka. Tama, gutom ka. This is just pure imagination...

" Ok ka lang, Jessy? Para kang natulala?"

"Ha? A, e... ano. Medyo antok lang. Pagod lang siguro."

"Oo nga,e. Kaya Thank you talaga, ha. Ang laki ng tulong mo sa akin today. Lalo na dun sa Dangwa. Laki ng natipid natin dun,e."

"Wala yun. Kilala ko na kasi si Manong Boy. Sa kanya kami kumuha dati nung kinasal yung Ate ko kaya kilala na ko nun."

"Ang galing nga e. sa Dati kong kinuhaan, tinaga ako sa presyo."

Medyo natahimik si Artie. Alam ko kung kelan yung last time na yun. Change topic na baka magwalk out pa to. Wala akong pambayad sa inorder namin.

" Kaya pala medyo mahal din yung singil mo kay Carl. Para ka ring nag-organize ng wedding."

Ano ba Jess? Change topic, di ba?

"Oo. Ibang klase din yung Carl,e. Ang gusto niya kase, buong package kasama na ang props,etc. Usually kung coverage lang, mga 15 to 20k lang naman yun. Kaso Kasama pa yung pag-organize, direction, pagkuha sa mga tao at sa musician. Ang gusto niya kase susulpot na lang sila ng syota niya and yun. Tumawad pa nga e. Pinagbigyan ko na nga lang, e."

" Ayus yan. E di idagdag mo na rin sa services mo yung pag-oorganize ng mga ganyang events. After this, malamang by word of mouth, baka marami na ring kumuha sa iyo na wedding proposal organizer, di ba?"

" Haha. Malabo yun.Dito pa sa Pinas. Parang tayo pa lang nga ang gagawa ng ganito for another person,e. Madami lang pera si Carl. Di kakayanin ng mga budget ng ibang tao. E di ba nga, tumawad pa?"

"Oo nga. pero that could be a start. Pwede na siguro kayong maging events organizer. Di lang Videographers, di ba?"

"Pwede. Kaso yung mga clients na namin yung mga organizers. Bihira yung diretso sa amin yung mga ikakasal or magde-debut. Lagi kaming under ng events organizer Mahirap kompitensyahin yung mga cliente. Unless, mag-stay ka sa amin."

No thanks. Nginitian ko pa rin siya pero kahit may abilidad akong mag-organize, di yun ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Sorry but I will have to reject that offer. Alam mo, Art lesaca kung bakit ako pumayag sa set up na ito. Change topic uli.

" By the way, ang sweet pala ni Jeybs no?"

"Ako nga rin nagulat. Thrice in a week's span. Imagine ngayon ko lang nalaman na buntis pala si Abby. It was a shock na malaman din na si Jeybs pala ang ama. Tapos yung kanina, sobrang surreal. I never expect na magpro-propose si mokong kanina. Kakaiba talaga,e. Pambihira."

"I think its sweet. It's simple yet sincere. Tagos hanggang buto. Kahit ako sobrang kinilig. Di pa rin ako maka-get over. That's the ideal wedding proposal. Yung totoo. Yung tagos sa kaibuturan ng puso."

"I suppose..."

Awkward silence. I think I rubbed him again in a wrong way. i promise, sobrang unintentional yun if ever i did. You can't blame me - I have witnessed the ultimate wedding proposal right befor my eyes. Eto yung wedding proposal na magpapa-oo sa lahat ng kababaihan sa mundo. I mean even in the normal set up, kahit hindi nabuntis o naganak si Abby, looking into Jeybs eyes while stuttering over his short piece, kahit ako, mapapa- oo. Its always the sincerity, not the drama.

I stared at Artie. He's quite fine. I guess. Sana di siya na-offend. Teka bakit ba worried ako sa feeling niya. This is just dinner di ba?

Buti na lang dumating na yung food. Pancit Bami. Daing na boneless bangus na binudburan ng garlic flakes. Pinakbet. Inihaw na Liyempo. We started eating. Pinagmasdan ko si Art. Sobrang refined kumilos. Total opposite ni Jeybs. Paang total opposite ko na rin. I have to admit, medyo bargas ako kumilos, lalo na pag kumakain. Nahiya naman ako. Sobrang naconscious tuloy ako, kahit kanina ko pa gustong kamayin tong daing na bangus.

Medyo tahimik kami while eating. Galit-galit muna, kung baga. Haba din ng nilakad namin kanina. Dumaan pa kami sa Hospital para dalawin si Abby. I was looking at Art. he was still talking about other random topics. About our former school. Other stuff. Daing na bangus. Buti na lang talaga di siya napikon dun sa hirit ko kanina. About Jeybs proposal. Siguro dahil may laman na rin ang tiyan niya kaya medyo umaliwala yung atmosphere.

I guess he's in a better mood. I have to ask the million dollar question...

"Have you read the script?"

Another moment of silence. Tumitig siya sa akin. Straight to the eyes. Mga 1 minute ata yun. Inorasan ko talaga.

Then he answered.

"Yup. I made The storyboard last night."

Say Yes Part One: Doing it all over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon