I haven't heard from Jess since the other night. Sana nagustuhan niya yung ginawa kong storyboard. I really can't explain how I was able to work on it in just one sitting. Grabe, pinagpuyatan ko talaga yung storyboard na yun. With matching artworks pa. Di ko pa rin maisip paano ko nagawan ng ganung twist yung story ni Jess, which I still think is not conducive to viewership. Inspired? Maybe. Was it the work itself? Was it Jessy?
These past few days, I can't take my mind off her. I know it's a bit fast for my pace, pero di ko talaga siya maalis sa isip ko. Could it be that I'm starting to move on? Tapos na ba talaga yung pain na binigay sa kin nung lahat ng nangyari a year ago? Am I really over Janine? Where's Jessy? I know I should be focused on the task at hand. Medyo malaking project din ito and ayokong mapahiya sa client. But still, I can't seem to take my mind off her.
Pero, what if she doesn't like it? Minor changes lang naman ginawa ko. Pero paano nga? Sana, di siya na-offend sa mga revisions. Baka nga na-offend siya. Naku baka di magpakita yun. Honestly, I'm more concerned on how she feels about it rather than how I would insist on my input. Weird. Aaminin ko, when it comes to creatives like this,I would insist on my input simply because I do feel it is better. But today, it seems different. Does this mean nag-evolve na ko?
Ayun siya. For a minute there, I was scared that she won't show up. Not because may assigned task siya at kung di siya magpakita, mapipilayan kami. Not because I fear na nagalit siya sa ginawa ko sa script niya. It's more of, i fear that I won't see her again. For unknown reasons, I can't seem to face the day na wala siya. Di ko ma-explain.
Hi.
Hi.
Kumusta?
Hindi siya sumagot. Galit kaya siya? Ano kaya ang nagawa ko at parang sobrang cold siya sa akin ngayon.
Yung story board.
Di kaya nagalit siya sa minor revisions ko? Normally I would confront her right away. I take pride in my work, especially if I am well aware that I'm making an improvement. Normally I would be defensive, but it seems weird that I am not. Siguro busy lang ang mga tao at ayokong makaistorbo.
Teka nga, ba't ba ako masyadong affected. Why am I reading too much on how Jess would feel?Pag nakita ako ni Jeybs na nagkakaganito, asar-talo na naman ako. Kahit ako nawi-weirdohan sa sarili ko. Pero anong sasabihin ko kay Jessy?
Jess...
Yes?
Cold pa rin siya.
Kumusta tayo?
Tayo?
Yung development nung project. How are we doing?
We are on time. Na-orient ko na yung mga participants. Anytime now, darating na sina Sir Carl and Ms. Annina. I'll give the cues to the participants as planned. May papagawa ka pa ba?
BINABASA MO ANG
Say Yes Part One: Doing it all over again
HumorHow do you plan the perfect wedding proposal?
