Jess

12 0 0
                                    

Sobrang liblib naman ng studio nila. San ba sa Kamias nakatayo yun? Halos nalibot ko na buong QC pero di ko makita yung office nila. Siguro, maraming clienteng tinataguan yun kaya ampangit ng location. Nakakatakot, ha. parang ayoko nang ituloy tong project na to sa kanila. Pero sabi sa text nung JB, dito na daw sa street na ito. K-10th, tanaw ang Savemore. Makapagtanong na nga.

"Ate, alam nyo ba itong address na ito? K-10th street cor. Colonel Salgado?"

"Eto na yun, Ate Ganda. Magpapabidyo po ba kayo? Debu? Kasal?

"A, Oo." Ayoko nang humaba ang usapan. " San banda?"

" Dun , Ate ganda, sa may blue na gate"

Medyo conspicuous 'tong lugar na ito, a. Walang signage. Wala man lang karatula. Bahay lang talaga sya. Two-story tapos may maliit na garahe sa baba. Ito nga ba yun. Parang gusto ko na lang ipabalik 'tong taxi sa bahay namin,e. Pero Bumaba na rin ako. Baka naman may mapala itong pag-uusap na 'to.

So ayun, pumasok na nga ako. Bukas na yung gate so I guess pwede nang pumasok, but i still rang the doorbell. I'm expected naman so go lang. May dalawang sasakyan sa parking lot , isang SUV and isang motorcycle. Medyo well off naman siguro sila pero natatakot pa rin ako. Babae pa rin ako, at lalaki mga kaharap ko. Tapos parang bahay 'tong pupuntahan ko. Actually bahay talaga sya na ginawang office. Iba talaga yung feeling e, kinakabahan ako. Paano kung halayin nila ako? Paano kung reypin nila ako? Paano kung kaladkarin nila ako sa SUV, dalahin sa isang liblib na probinsya at itapon sa talahabin pagkatapos nila akong pagpasasaan? Haay kakakaba talaga, pero sige. Tiwala lang Jess.

Bukas yung pinto. Yung sala ang ginawa nilang office. Maliwanag kahit paano. Maliit yung office pero may receiving area naman. Malinis. Sakto lang yung furnishings. Di makalat. May mga widescreen monitors sa receiving area showing their best works. Comment ko lang sa office nila, amoy lalaki. Alam mo yung pinaghalo-halong amoy ng pawis, perfume, dirty laundry, yosi, beer, yung ganun. Imaginin nyo na may kapatid kayong lalaki tapos papasok kayo sa kuwarto niya. ganun yung amoy.  I mean bearable naman yung amoy, and may effort naman na i-mask yung amoy with air freshener. Actually, I find it weird kase I actually like the smell. Don't get me wrong: It's not a fetish or something.

The place actually reminds me of college times, yung tatambay kayo sa bahay ng tropa tapos magiinuman magpapalitan ng kuru-kuro sa life, at magshe-share ng kung anu-anong shit sa isa't isa. And pag lasing na kanya-kanyang hanap ng spot then tulog. Before I know it, i'm starting to feel at ease with the place. So I just sat on the nearest chair to wait for someone to talk with me.

May lumabas na guy from another room. Well he's kind of homey, mukhang harmless naman. He's the usual guy na makikita mo sa AS lobby: magulo yung buhok, gusot yung plain white shirt, punit yung pants, yung mukhang madungis pero alam mong naligo. Yung parang galing sa exam ng STAT 101 tapos alam mong di nagreview at hindi papasa. Yung parang rakista na galing sa gig tapos diresto sa klase. Somehow, medyo napatanag ang loob ko kase ganitong mga klaseng tao yung nakakasalamuha ko before sa college and sa work.

" Hi. I'm Jess Dela Cruz. I called you the other day for a project."

"Hi Jess. I'm JB Lacsamana. Tuloy ka. Pasensya medyo magulo yung office. Birthday kase nung isang kasama namin dito kahapon. Alam mo na, medyo nagkainuman. You want something, like coffee, tea, juice?"

Nope. I mean while I do feel this place is kinda homey, ayokong magka-diarrhea. "Naku, nakakahiya naman. Ok lang wag ka na mag-abala."

"No it's Ok. I'll just make you a capuccino. Medyo mahaba-haba din itong meeting natin."

Aba. may espresso machine. Di ko napansin kanina yun nung pumasok ako. I'm really starting to like this place. And wow, nag-apron pa talaga tong si JB.

Say Yes Part One: Doing it all over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon