Ikaw ba Tatay Ko? V2.0

8 0 0
                                    

(Ito ang ginawang revision at Story board ni Artie base sa kwento ni Jess)

Synopsis
Sa isang dahon ng gumamela nagising ang isang maliit na higad. Nalungkot siya dahil siya ay nag-iisa. Nilakad niya ang buong kabukiran at isa isa niyang tinanong ang bawat hayop na kanyang nakasalubong kung sila ba ang kanyang ama. Iba't ibang karanasan ang kanyang nasaksihan hanggang siya ay makarating sa tuktok ng bundok, kung saan dahil sa pagod at gutom, siya ay "namatay".

FRAME1. Isang parang ng gumamela.

Isang higad ang nagising mula sa kanyang itlog na nakadikit sa isang dahon ng gumamela. Maraming paruparo ang lumilipad ngunit paalis na ang mga ito ng siya ay nagising. Nalungkot ang higad at gumapang ito pababa ng halaman upang hanapin ang kanyang ama.

FRAME2. Isang palaisdaan.

Kinausap ng higad ang isang tilapya. Tinanong nito kung ito ba ang kanyang ama. Sinabi ng tilapya na siya ang anak nito kung kaya nitong lumangoy. Sinubukan ni higad na lumngoy ngunit muntik na siyang malunod. Malungkot na gumapang palayo ang higad.

FRAME3.  Isang bukid.

Nakasalubong niya ang isang kalabaw. Tinanong din niya ito kung ito ba ang kanyang ama. Sinabi ng kalabaw na kung kaya niya mag-araro, siya ang anak nito. Sinubukan niyang mag-araro pero di niya kaya. Malungkot na gumapang papalayo ang higad.

FRAME4. Isang puno ng mangga.

Nakasalubong niya ang isang maya. Tinanong din niya ito kung ito ba ang kanyang ama. Sinabi ng maya na kung kaya niya lumipad, siya ang anak nito. Sinubukan niyang lumipad pero siya ay nalaglag sa puno. Malungkot na gumapang papalayo ang higad.

FRAME5. Sa tuktok ng bundok.

Iyak ng iyak ang higad. Biglang kinausap siya ng Haring araw. Sinabi nito na panahon na para siya ay magpahinga. Gumawa siya ng isang kumot at natulog ng mahimbing.

FRAME6. Sa tuktok ng bundok.

Gumising ang higad. Tinaggal niya ang kanyang kumot at isa na siyang paru-paro.

                                                         

                                                                                WAKAS

Say Yes Part One: Doing it all over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon