Jess

9 0 0
                                    

Gusto kong pumatay ng tao. Kung pwede lang itusok sa leeg nito ang hawak kong ballpen, ginawa ko na. Hirap lang nito, siya ang nagda-drive, at ayokong madamay sa pakikipagkita niya sa ama niyang si Satanas! Nakakagigil talaga!

Arthur Lesaca. Sa tingin mo ba nung nagsaboy ng kagalingan ang Diyos sa mundong ito, ikaw lang talaga ang gising at naghakot ng timba-timba? Na para bang ikaw na ang God's gift to humanity when it comes to creativity? I mean, sige. Ikaw ang may experience when it comes to film making and all. Pero, naman, tinanggalan mo nang kaluluwa yung character ko. Di lang kaluluwa, pati pagkatao. Ginawa mong uod yung protagonist ko.

" Come to think of it, Jessy, when we personified this little caterpillar, binigyan natin ng depth yung character niya. Di lang niya hinahanap yung tatay niya, hinahanap din niya yung sarili niya. Di ba, parang soul searching amidst identity crisis?"

" Pero nawala yung social dimension nung story. Yung reason na kaya niya hinanap yung tatay niya kase desperate na siya sa sitwasyon niya. I mean adik nanay niya, pulubi siya. yung ganun. Yung eye opener sa audience na if we stop caring with each other, innocent people will die..."

"I get the point. Pero kasi, I don't seem to reconcile the fact na yung nanay ipinagpalit sa solvent yung anak niya. I mean, in reality, kahit high yung nanay, pag narealize niya na wala na yung anak niya sa tabi niya, magwawala yun at hahanapin yung bata. Which if it happens, tapos ang storya!"

"Which didn't happen kaya nga nagtravel yung bata..."

"We can't rule out "the motherly instinct" thing. That's why I made him a caterpillar kase by nature, they're on their own hanggang maging butterfly sila. With that, yung gusto mong mangyari sa plot, pwedeng mangyari na walang loophole."

Wow, ha. He seems to be enjoying this. Ako, hindi na. Pero dahil sinimulan mo, sige lang. Pagkatapos ng usapang ito, may ballpen na nakatusok sa mata mo.

"Andami ding posibilities, Jessy. Pwedeng gawin nating handdrawn animation. Pwede ring CGI or stop motion..."

"Mas gusto ko live action..."

"Pwede rin. Magte-train tayo ng higad para sa mga acting parts. I-dub na lang natin..."

Oh my God! He's so thick. Talagang gusto niyang gawing higad yung bata. Di ako maka-recover sa revisions ni Artie. Andami paniyang sinabi pero nagshut-down na tenga ko. I really felt defeated today. Pagod na nga maghapon, tapos ending eto pa?

Tumigil sa tapat ng bahay namin yung kotse. Nag-offer si Artie na ihatid ako sa loob pero tinanggihan ko na. Effort na nga on my part na ipakita sa kanya na ok lang yung suggestion niya. Double effort pa kase gusto ko talagang dukutin yung mata niya. pero dapat, poised pa rin in facing defeat. I will not give him the satisfaction of seeing me so distraught over his idea. Sana kasi, sinabi na lang niya ng diretso na pangit yung script ko para di na ko napagod.

"So, I'll see you on Sunday? Don't be late, ha? By the way, pa-email na rin yung mga guests for the mob. Sa email mo ko na pinasend kay Carl yung guests. Ok lang?"

"Sure."

Ulul. Good luck kung makita nyo ko sa Sunday. Tuwang tuwa pa siya sa pangga-gago niya sa script ko, ha. Tingnan natin pag walang guests na pumunta sa event niya. Ano kaya reaction niya pag no show ako?

Pero ayoko namang isipin nila na wala akong word of honor. Kasalanan ko to,e. Ba't ba pumayag payag ako sa raket na to?

Dumeretso ako sa kwarto ko. Pupunitin ko sana yung Storyboard niya sa sobrang inis ko pero ano na lang iisipin nila pag ginawa ko yun, di ba? Di ako marunong tumanggap ng criticism? E ilang beses na na-reject itong script na to, sila pa ba? E mga second-rate producers lang naman sila? Sige, di ko ito sisirain, pero they wouldn't know if I threw it away. Which I did.

I guess, this project wouldn't come into fruition after all. Mayhaps I got to accept the fact that I'm really not that good of a scriptwriter and I should quit this dream before it eats me whole.

So ayun, I just opened up my email. I have pending applications just for back up. As I was browsing, may nakita akong email from a certain media company. Mabuksan nga:

To: Jess DeLaCruz <Jdlc_CAL@yahoo.com>

From: JA Ramirez <JanRAM@cbsmedia.com>

Hi Jessica.

I have received your application for our company and i'm pleased to inform you that you are scheduled for an interview for the executive producer position. I hope to see you on Tuesday.

If there's any changes in the schedule, feel free to contact us. Best of luck.

Sincerely,

Jan Ramirez

Yan ang sinasabi ko, Lord. Ang galing mo talaga. You shut one door in my face, and open a bigger one. Sige, dahil dito, balato ko na lang syo yung raket sa Sunday, Arthur Lesaca.

Oo nga pala, gagawin ko pa pala yung guest list. Andami namang well wishers nitong si Carl. As I was sending the invites for this event, I went through a familiar name.

Jan Ramirez.

Wow small world. Future boss ko, nandito pala sa event na to.

Wait. I heard this name before.

Oh my god. Jan Ramirez? JA Ramirez?

Janine Angelica Ramirez.

Karma is good. This I got to see. See you on Sunday, Arthur Lesaca.

Say Yes Part One: Doing it all over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon