He died for everyone so that those who receive his new life will no longer live for themselves. Instead, they will live for Christ, who died and was raised for them. 
                              2 Corinthians 5:15 NLT
                              Isa sa mga struggle natin bilang mananampalataya ay alamin ang will ni Lord para sa atin. Ano nga ba ang will ni Lord? Ano nga ba ang plano niya? Balak niya kayang mag-pursue ako ng psychogy or hotel management? Teka, teka lang ha... Yun lang ba ang plano ng Lord?
                              Yung mag-pursue ka ng college degree or ng magandang career? #FeelingBlessed pero blessed nga ba talaga? Kamusta naman ang spiritual life, napag-iwanan na. Sabi nila, yun raw ang will ng Lord para sa kanila. Pero basahin ang sinabi ni John:
                              And this world is fading away, along with everything that people crave. But anyone who does what pleases God will live forever.
                              1 John 2:17
                              So hindi purkit in favor ang lahat sa paligid mo, nasa will ka na ni Lord. Bakit? Paano kung mayaman ka pero hindi pala yun ang will ni Lord? Hindi pala yun yung nakakapagplease kay Lord? May nabasa ako noon na ang impyerno ay parang kulungan na nandoon lahat ng gusto mo, pero pag tapos na ang oras mo, sasara ang pinto at lahat ay maglalaho. 
                              Totoo naman ito. Enjoy now, suffer later. Yun lang. So ano nga ba ang plano ni Lord? Akala ko mahirap intindihin ang will ni Lord. Akala ko sing-sophisticated ng iba na kailangan mo ng revelation, dream, at vision. Hindi pala. Napakasimple lang pala.
                              Ano ang mysterious plan ni Lord? Si Jesus. Si Jesus ang plano niya para sa atin! Ha? Di mo gets? Teka, teka ha...
                              Sabi ni Jesus sa John 5:39-40,  "You search the Scriptures because you think they give you eternal life. But the Scriptures point to me!  Yet you refuse to come to me to receive this life."
                              "Eh eternal life naman yan e!" Oo nga! Pero nalimutan mo na ba ang sinabi ni Paul? "But we are citizens of heaven, where the Lord Jesus Christ lives. And we are eagerly waiting for him to return as our Savior." (Phil. 3:20) Ano tayo? Citizens of heaven. Earth is a temporary place to live (Hebrews 13:14), kaya kung may plano si Lord para sayo, ETERNAL yun at hindi temporary lang.
                              So bakit nasabi kong si Jesus ang plano? Sino ba ang kakaharapin natin sa dulo? Bakit nga ba sinabi ng Bible na dumating si Holy Spirit? At bakit nga ba tayo'y nanampalataya? Sino ulit ang Lord natin? Si Jesus, hindi ba?
                              "Ha? Anong ibig sabihin non?!" Ibig sabihin, dapat bawat araw, napapalapit tayo sa Panginoon. Bawat araw, mas narereflect natin Si Hesus sa buhay natin. Bawat desisyon, ginagawa natin ang nais at makakapagbigay papuri sa Panginoon.
                              Tignan na lamang si Jesus mismo. Hindi Siya naging pharisee, hari, o kung anuman. Di ba muntik na nga siyang gawing hari ng mga tao dahil pinakain niya yung 5000? Sabi ng mga tao, "Heto yung nais naming maging hari!" tapos anong ginawa ni Jesus? Tumakbo siya paalis! Kasi alam niyang pag naging hari siya, hindi niya masusunod ang will ng Ama.
                              Saan nakatuon ang atensiyon ni Jesus? Sa eternal. Kaya nga saan tinukso ng kaaway si Jesus? Gamit ang mga pisikal na bagay. Pero hindi nagpadaig sa sigaw ng laman ang Panginoon, dahil alam niyang panandalian lamang ang lahat ng ito.
                              Bakit nasabi kong si Jesus ang divine plan ni God para sa atin? Simple lang, dahil kay Jesus ang fullness of God (Colossians 2:9), siya ang bread of life na nangangahulugan na Siya ang kapunuan sa buhay natin. Si Jesus ang nakakapagbigay ng fulfillment sa atin, Siya ang Alpha at Omega, ang simula at dulo ng lahat lahat.
                              Ang plano sa atin ng Ama ay maging katulad tayo ni Hesus sa bawat lakad natin. " We do this by keeping our eyes on Jesus, the champion who initiates and perfects our faith. Because of the joy awaiting him, he endured the cross, disregarding its shame. Now he is seated in the place of honor beside God’s throne." Hebrews 12:2
                              We are to follow Him in every part of our lives. Pag natuklasan natin si Jesus, doon mag-uunfold ang specific plan ni Lord sayo. Kung saan ka Niya tinatawag at paano ka Niya gagamitin. Kung sarili pa rin natin ang pinakikinggan natin, mauuwi sa wala ang pinagpaguran natin. Pero kung nasa kalagitnaan tayo ng kalooban ng Panginoong Hesus, walang nasasayang.
                              " So, my dear brothers and sisters, be strong and immovable. Always work enthusiastically for the Lord, for you know that nothing you do for the Lord is ever useless." 1 Cor. 15:58
                              S U M M A R Y
                              1. Hindi purkit blessed or masagana ka, nasa will ka na ni Lord.
                              2. Ang plano ni Lord para sa atin ay matatagpuan kay Jesus. 
                              3. Ang plano ni Lord ay nakatuon sa eternal at hindi sa pisikal.
                              4. Tayo ay dapat na sumunod sa yapak ng Panginoong Hesus sa bawat parte o desisyon ng buhay natin.
                              A P P L I C A T I O N
                              Tignan ang iyong buhay. Ano sa araw-araw mong gawain ang hindi nakakapagbigay papuri sa Panginoon? Anu-ano ang mga nakakapagpalayo sayo kay Lord at ano ang balak mong gawin sa mga ito? Nasaan ka ngayon sa buhay mo at paano mo nasabi na yan ang plano ni Lord sayo? Yan ba ang kalooban Niya? Tandaan na ang plano Niya sayo ay dapat hindi ka ilalayo sa Kaniya.
                                                                                      
-----------------------------------------------------------------------------
Let us share the word of God! Comment down, tag your friends, or share this Wattpad story to your loved ones. Thank you. If you have personal concerns, send me a direct message on my Wattpad account. Malay mo, yun na ang next topic!
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Running The Race (Christian Devotions)
Non-FictionDisclaimer: This is a Christian Book! Bilang mga Kristiyano, ano nga ba ang dapat nating gawin? Doon na ba natatapos yun sa pagtanggap natin sa Panginoong Hesus bilang tagapagligtas? May mga dapat ba tayong gawin? Anong sunod na hakbang? Isa ako sa...
 
                                           
                                               
                                                  