Be careful little eyes! (Avoiding Sin)

43 1 0
                                        

If your right eye causes you to stumble, gouge it out and throw it away. It is better for you to lose one part of your body than for your whole body to be thrown into hell.
Matthew 5:29 (NIV)

Isang araw, habang nakikinig ako ng radio (sa 98.7 DZFE, Christian Station siya sa FM), sabi ng isang Apologist: (non-verbatim) matindi ang impact sa atin ng image ngayon. Bakit pinagbawal ng Panginoon noon sa Exodus ang pagsamba sa mga imahe? Actually, eto ang sabi: “You shall not make for yourself an image in the form of anything in heaven above or on the earth beneath or in the waters below. You shall not bow down to them or worship them; for I, the LORD your God, am a jealous God,” Exodus 20:4-5 (NIV). Bakit kaya? Di ba may kasabihan, “Eyes are the window to the soul.” Sabi pa nga ni Jesus, ““The eye is the lamp of the body. If your eyes are healthy, your whole body will be full of light.” Matthew 6:22 (NIV)

Noong bata ako, isa sa mga kinakanta naming yung, “Be careful little eyes what you see, for the Father up above is looking down with love, so be careful little eyes what you see.” Bakit nag-mamatter yung nakikita natin? Kasi malaki ang parte nito sa buhay espiritwal natin. Kadalasan, gagamitin ng kaaway yung mga nakikita natin upang magkasala tayo. Halimbawa, nagfe-Facebook ka, tapos may nagshare sa mga kaibigan mo ng malaswa, siyempre, kahit hindi mo ‘sinasadya’, sumagi pa rin siya sa isipan mo. At hindi malabo na mag-stick yun sa isip mo. Parang virus yan. Kahit gaano pa siya ka-“microscopic”, malaki pa rin ang epekto nito.

“Pero, dun ba sa sinabi ni Lord Jesus, tanggalin ko ang mata ko, seryoso ba yun?” Hala, OA naman. Alam niyo ba na si Jesus ay isang matalinghaga na guro? Mahilig si Jesus sa Hyperbole! HAHA. Yang statement na yan ay isang “hyperbole” or parang salita na medyo pinalaki. Bakit? Kasi big-deal ang kasalanan. Dapat talagang seryosohin at wag balewalain.

SO anong ibigsabihin ni Jesus? Sabi sa Amplified Version: “that is, remove yourself from the source of temptation.” Ano ang mga source of temptation mo? Facebook ba? Youtube? Naka-on na wi-fi sa hating gabi? Bakit laging mainit ang ulo mo?

1. MAG-DELETE/UMIWAS SA SOURCE NG TEMPTATION

Tulad mo ba ako na may i-struggle sa pornography? Ang isa sa mga naging strategy sa akin ng Lord ay ang PAG-DELETE ng browser ko sa phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tulad mo ba ako na may i-struggle sa pornography? Ang isa sa mga naging strategy sa akin ng Lord ay ang PAG-DELETE ng browser ko sa phone ko. May private browser kasi yun noon. Eventually, tumigil na rin ako. Pero may struggle pa rin kasi kahit HINDI MO SINASADYA, may mga lumalabas sa Facebook sa mga nagsheshare ng kung anu-ano. Isa pa yung sa YouTube na kahit matino yung sinearch mo, may bastos pa rin na lumalabas. Kaya ang ginawa ko ngayon, trinatrack ko na yung oras ko online. Kung hindi naman kailangan mag-Facebook, hindi na ako magbubukas. Messenger na lang ang binubuksan ko. Sa YouTube naman… Imbis na mag YouTube ako, nag-jojournal na lang or nagbabasa na lang ako. Kailangan strategic tayo sa paglaban sa sarili nating laman.  Ikaw, anong kailangan mong idelete?

  Ikaw, anong kailangan mong idelete?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


2. HUMANAP NG SUBSTITUTE NA GAWAIN.

Imbis na iwasan lang, humanap ng maaaring gawin. Mahalang okupado ang isipan mo. Bakit? Sabi nila, “An empty mind is the enemy’s workshop.” Sabi rin ni Jesus, ““When an impure spirit comes out of a person, it goes through arid places seeking rest and does not find it. Then it says, ‘I will return to the house I left.’ When it arrives, it finds the house unoccupied, swept clean and put in order. Then it goes and takes with it seven other spirits more wicked than itself, and they go in and live there. And the final condition of that person is worse than the first. That is how it will be with this wicked generation.”
Matthew 12:43-45 (NIV).

Pag empty ang isip natin, maaaring punuin ito ng kaaway. Imbis na hayaan ang sarili na maging emoty, punuin natin ang isipan ng salita ng Diyos. “Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.” Philippians 4:8 (NIV)

Imbis na mag-Facebook, pwede kang magbasa ng Bible-based books. Maraming libre sa internet, tulad ng Pursuit of God ni A.W. Tozer, personal favourite ko ito. Imbis na mag-Youtube ako, isa sa mga ginagawa ko ay tapusin ang mga trabaho ko, or maglinis na lang. Gawing substitute ang mga bagay na magbibigay benefit at growth sa spiritual life mo.

3. MANALANGIN AT I-OFFER KAY LORD ANG LAHAT

May cellphone ako na bagong bigay ng tatay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May cellphone ako na bagong bigay ng tatay ko. Bago ko ito ginamit, isa sa mga ginawa ko ay ipanalangin ito. Kasi ayoko gumamit ng cellphone sa maling bagay. Parang nag-set ako ng covenant kay Lord na gagamitin ko ang cellphone sa bagay na may kabuluhan. Dapat araw-araw nating in-offer ang lahat, maging ang buhay natin. Medyo oa man pakinggan pero mahalagang gawin ito. Bakit? Kasi pag nasa kamay ni Lord, walang makakakuha.

4. HUMINGI NG TULONG

Sobrang desperado na akong maka-alpas sa kasalanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sobrang desperado na akong maka-alpas sa kasalanan. Kaya ang ginawa ko? Chinat ko na ang leader ko. Sinabi ko kung saan ako madalas pumalya. Mahalaga ang accountability natin sa iba upang magkaroon tayo ng integrity. Isa rin sa sinabi sa Galatians 6, “Carry each other’s burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ.” Galatians 6:2 (NIV). Tulad rin ng ginawa ni Jesus sa John 13, nilinis niya ang paa ng mga disciples niya. Ano ang ibig sabihin noon? We must serve others, helping them overcome sin. Also, humingi rin tayo ng tulong. Walang imposible, lalo na kung nagkakaisa tayo ng hangarin para gawin ang isang bagay bilang papuri sa Panginoon.

S U M M A R Y!

- Idelete/Iwasan ang source of temptation
- Humanap ng substitute na gawain
- Mag-pray at i-offer ang lahat sa Lord
- Humingi ng tulong sa kapwa mananampalataya

                                                                                     
-----------------------------------------------------------------------------
Let us share the word of God! Comment down, tag your friends, or share this Wattpad story to your loved ones. Thank you. If you have personal concerns, send me a direct message on my Wattpad account. Malay mo, yun na ang next topic!

Running The Race (Christian Devotions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon