Press on! (Pursuing God-goals)

100 3 3
                                        

I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.

(Philippians 3:13)

So yun na nga, tinanggap mo na si Jesus sa buhay mo. Ano nang sunod? Doon na ba natatapos yon? The answer is no. Bilang mga Kristiyano, tayo ay inaasahan ni Lord na sumunod sa nais niya. At hindi ko na pahahabain pa. Napaka-basic ng gusto niyang gawin: Sumunod sa yapak ni Hesus.

Ito ang tinatawag kong God-goals.

Simula nung bata pa ako, Kristiyano na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Simula nung bata pa ako, Kristiyano na ako. My mindset ako na kailangan ko lang imaintain ang pagiging "Christian" ko. Pero, nung time na talagang tinanggap ko si Jesus sa buhay ko, ang dami kong narealize. Kailangan kong mag-repent sa maraming kasalanan. Kailangan kong I-align ang sarili ko sa plano ng Panginoon.

Hindi ko sinasabi na hindi sapat ang ginawa ni Jesus sa cross. Sa totoo lang, higit ito sa sapat na.

Pero hindi dapat tayo natatapos sa paniniwala. Hindi purkit naniwala ka na sa Panginoon ay sure win ka na. Sa totoo lang, dadami ang pagsubok mo. Mas masusubok ang pananampalataya mo. Mas titindi ang mga problema. Bakit? Nais ka muling bumalik ng kaaway sa kasalanan. Marami kasing ganyan sa atin. Christian raw tas kinabukasan bumalik na naman sa kasalanan. Ekis yon par. Kung talagang Kristiyano ka, evident sa buhay mo yun. Gradual ang change. Kung alam niyo yung parable of the sower, yung buto na natapon sa iba't ibang klase ng lupa: sa daan, sa madamo, sa mabato, at sa matabang lupa. Kung tulad tayo nung pang-apat na lupa, dapat lalago tayo.

Nung time na tinanggap ko si Jesus, legit na nag-chat sa akin mga ex ko. I repeat, mga ex bes. Hindi lang isa. Ganto mga linyahan, "Mahal mo pa rin ba ako?" Eek, sobrang cringe. Aaminin ko, mahirap sa simula kasi talagang minahal mo yung tao. Pero naging malinaw ang pagkakasabi sa akin ng Panginoon: "Bumitaw ka na anak."

Simula nung bumitaw ako, sobrang naging matinding breakthrough sa buhay ko. Mas nakita ko kung gaano ako kamahal ng Panginoon. Hanggang sa tumitindi na yan araw-araw, mas nakikita ko na ang daming ginawang panira sa akin ng kaaway. Ngunit dahil sa Panginoon, naoovercome ko sila.

Uulitin ko, sapat na ang pagkamatay ni Jesus sa krus, ngunit dapat araw-araw pa rin tayong nagpapabago sa Panginoon. Isa sa mga paborito kong verse ay," And he said to all, 'If anyone would come after me, let him deny himself and take up his cross daily and follow me.'" (Luke 9:23)

'" (Luke 9:23)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Running The Race (Christian Devotions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon