Living the Everyday Life

65 1 0
                                        

I appeal to you therefore, brothers, by the mercies of God, to present your bodies as a living sacrifice, holy and acceptable to God, which is your spiritual worship.
Romans 12:1 (ESV)

Paano ka nabubuhay araw-araw? Ano-ano ang araw-araw mong ginagawa? Ano-ano ang mga pinagkaka-abalahan mo sa araw-araw? Katulad ka ba ng mga nabubuhay sa mundo? O sumusunod tayo sa Panginoon? Bilang mga Kristiyano, hindi na tayo dapat nabubuhay bilang normal na mamayanan. Dapat araw-araw tayong naka-abide kay Jesus. Dapat araw-araw nating sinisikap na mas maging katulad ni Jesus.

Sabi nga ni Paul sa Philippians 3:14, “I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus.” Sa lahat dapat ng ginagawa natin, dapat sinisikap natin na bigyan ng papuri ang Panginoon. Oo bes, medyo mahirap ito, pero hindi imposible. Bakit kailangan nating i-evaluate ang araw-araw nating ginagawa? Sabi sa Ephesians 5:15-17, “Look carefully then how you walk, not as unwise but as wise, making the best use of the time, because the days are evil. Therefore do not be foolish, but understand what the will of the Lord is.

Nalalapit na ang pagbabalik ng Panginoon, kaya’t dapat tayo’y wag tatamad-tamad sa pananampalataya. Dapat sikapin natin na araw-araw na mapapurihan at masunod ang plano sa atin ng Panginoon. “Teka, di pa ako handa, Lord!” yun na nga e, hihintayin pa ba natin na magkagulo ang lahat bago tayo kumilos? Simulan na natin ialay ang bawat araw natin sa Panginoon upang siya ay maitaas sa buhay natin.

Wag na tayo gumaya sa mundo na puro sarili ang iniisip. Wag na tayong mag-pursue sa mga bagay na panandalian lamang at hindi tatagal hanggang dulo. Paano natin mai-aalay ang araw-araw sa Panginoon? Consider the following:

Ano sa buhay mo ang HINDI nakakapagbigay papuri sa Panginoon?

Nung 2020 habang naka ECQ, naglalaro ako ng mga iba’t ibang games, nanonood sa Youtube, nag-iiscroll sa Facebook, or nag-bibinge watching sa YouTube. Pero nirebuke ako ng Panginoon. Pinaalala Niya sa akin na dapat ang ginagawa ko ay may benefit sa spiritual life ko. “Teka, over naman ata yon?” Oo nga, yun rin ang naisip ko. Pero ano ba ulit ako? Taga-sunod ng Panginoong Hesus. Hindi ba’t siya ang nais kong maging katulad? Bakit ako nakahilata at tatamad-tamad? Kung ang Panginoong Hesus ba ang nasa posisyon ko, maglalaro ba siya ng Minecraft? Manonood ba siya ng K-drama? Hindi ko sinasabing mali ang mga ganitong bagay, pero dapat matuto tayong ilagay sa tamang oras ang mga bagay bagay.

 Hindi ba’t siya ang nais kong maging katulad? Bakit ako nakahilata at tatamad-tamad? Kung ang Panginoong Hesus ba ang nasa posisyon ko, maglalaro ba siya ng Minecraft? Manonood ba siya ng K-drama? Hindi ko sinasabing mali ang mga ganitong bagay, ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabi nga ni James, “Do you want to be shown, you foolish person, that faith apart from works is useless?” (James 2:20). Anong ibig sabihin nito? Dapat ipakita natin sa gawa na may pananampalataya tayo. Sabi nga ni Paul kay Timothy,” No soldier gets entangled in civilian pursuits, since his aim is to please the one who enlisted him.” (2 Timothy 2:4).

Hindi tayo dapat tulad ng ibang tao na nakatingin lang sa nakikita. Dapat mas pinapatibay natin ang ating spiritual over sa physical. Anu-ano ang maaring gawin? NAPAKARAMI! Manalangin, magbasa ng Bible, magbahagi ng salita ng Diyos, ipanalangin na ang ugali at ang mga dapat baguhin…

Nasaan ka ba ngayon sa faith mo? I-evaluate ang sarili at tignan kung ano pa ang maaari mong ipa-develop sa Panginoon. Saan ka mahina? Sa sexual immorality ba yan? Sa karupokan ba yan? We must evaluate ourselves every day.

Ano ang mga gagawin mo sa mga bagay na hindi makakapagbigay papuri sa Panginoon?

Anong ginawa ko sa Minecraft? Kailangan kong idelete. Pati yung pagfe-Facebook at YouTube ko kailangan kong i-control. Nag-delete rin ako ng Twitter kasi sobrang toxic sa Twitter. Lumalabas dun yung mga tunay na laman ng puso natin. Imbis na sa Panginoon tayo magsambit ng mga sama ng loob, ipopost pa natin.

Bakit kailangan kong gawin ito? Kasi mahirap na. Maaaring gamitin sa akin ito ng kaaway para pabagsakin ako sa pananampalataya ko. HA? Oo, kaya tayong pabagsakin ng kaaway sa mga araw-araw nating ginagawa. Katulad sa Facebook, minsan puro reklamo, bad news lang nandoon. Minsan, pag minalas ka, biglang may mag-sheshare ng malaswang imahe na maaring lumabas na parang powerpoint presentation sa isip mo mamayang hating gabi para matempt kang gumawa ng kalokohan. Nasobrahan sa paglalaro na nalayo ka na sa tunay na realidad ng buhay.

Ano ang sabi sa Colossians 3:1-2? “Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is, seated at the right hand of God. Set your minds on things above, not on earthly things.

Saan raw natin dapat ituon ang ating atensiyon? Hindi sa makamundong mga bagay, kundi sa mga bagay na makalangit. Jesus must be our reality. He must be the center of everything that we do so that we can glorify Him everday.

Ang ibig bang sabihin ba nito, hindi na ako magtatrabaho, mag-aaral, o ano? Siyempre, hindi naman ganoon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang ibig bang sabihin ba nito, hindi na ako magtatrabaho, mag-aaral, o ano? Siyempre, hindi naman ganoon. Ang ibig kong sabihin, dapat nakabalanse lahat ng ginagawa natin. Kung meron tayong 24 na oras, 8 oras para matulog… Anong ginagawa mo sa 16 hours na gising ka? Let’s give God the best parts of our everyday life. Isa rin ito sa mga struggles ko bilang Christian. Minsan, natetempt pa rin ako na sayangin lang ang oras ko. Pero paunti-unti tayong binabago ng salita ng Panginoon.

Mahirap talaga sa simula, pero wag tayong sumuko. Sabi nga sa Galatians 6:9 “Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.” Let us strive to give our everyday lives to our Lord.

A P P L I C A T I O N:

Isa sa maari mong gawin ay pagkagising mo sa umaga, i-alay ang araw sa Panginoon. Siyempre, wag tayong maging passive sa buong araw, pero sikapin natin na mabuhay ng may pananampalataya. “Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling,” Philippians 2:12 (NIV)

                                                                                     
-----------------------------------------------------------------------------
Let us share the word of God! Comment down, tag your friends, or share this Wattpad story to your loved ones. Thank you. If you have personal concerns, send me a direct message on my Wattpad account. Malay mo, yun na ang next topic!

Running The Race (Christian Devotions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon