Yes, everything else is worthless when compared with the infinite value of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I have discarded everything else, counting it all as garbage, so that I could gain Christ
                              Philippians 3:8 NLT
                              
                              Bakit tayo nagpaplano or nagseset ng goals? Katulad mo ba ako na mahilig mag-journal at laging gustong maging productive? Or ikaw ba yung tipong nais na maging mayaman at successful balang araw? Sino nga ba ang may ayaw na maging successful di ba?
                              Last year, habang nakataas pa ang enhanced community quarantine or ECQ, isa sa mga ginagawa ko ay manuod ng youtube. Habang nanonood ako ng YouTube ng mga cartoons, may nagpop-up na ad. Sobrang na-enganyo ako habang kinukwento niya paano siya naging mayaman at successful. Sabi pa niya, natutunan niya ito sa mga successful people rin tulad nila Oprah Winfrey.
                              Ang hindi ko alam, may kailangan pa akong bayaran para makuha ko yung mga cd or books niya para maturuan ako sa mga dapat kong gawin. Talk about salestalk... Pero di ako bumili kasi wala akong pera, pero pinakinggan ko ang mga mga na-cite niyang examples tulad ng "High-frequency meditation music" at "affirmations".
                              Ginawa ko yung mga sinabi niya, pero agad akong tumigil nung narealize ko na hindi ito plano ni Lord. Bakit? Kasi kung may plano sa akin si Lord, hindi niya ako ilalayo sa salita niya.
                              Balik tayo sa tanong kanina: Bakit tayo nagpaplano at nagseset ng goals? Nagpaplano tayo kasi may gusto tayong MAFULFILL. Kasi ito lang yung mga bagay na nagdedefine ng PURPOSE natin. At ang purpose ang nagbibigay sa atin ng dahilan para mabuhay araw-araw.
                              Para sa mga successful tulad nina Elon Musk, Steve Jobs, or si Bill Gates, mahalagang magplano para lalong madevelop or mag-improve.
                              Pero bakit marami pa ring mayayaman ang tila hindi pa rin kuntento at gusto pang yumaman? Mga sikat na gusto pa lalong sumikat? Tignan mo yung iPhone. iPhone 12 na ha, pero maya-maya meron na naman. Windows 10, maya-maya may bagong version na naman.
                              Ang totoo ay dahil kahit nasa mataas na parte na sila ng buhay nila, gusto pa nilang lalong tumaas. Hangga't may maiyayaman pa sila, sige gora. Never settle for mediocrity raw. Yun ang nagbibigay sa kanila ng purpose or fulfillment kuno. 
                              Pero yan ba ang nais ni Lord?
                              Ano ang mga plano mo? Yang plano na ba yan, yan ba yung magbibigay sayo ng fulfillment? Yan ba yung makakapagbigay sayo ng joy? Yan ba yung makakapag-puno ng void sa puso natin? At higit sa lahat, yan ba yung makakapaglorify sa ngalan ng Panginoon?
                              Think back ka muna. Nasaan ka na ngayon sa kalooban ni Lord para sa'yo? Nasa loob ka ba or nasa labas ka? Kung tunay tayong Kristiyano, hindi na tayo tulad ng mga ibang tao na nasa mundo pa rin ang focus. Nung tinanggap mo ang Panginoong Hesus bilang Diyos at tagapagligtas, ikaw ay kailangang sumunod sa yapak ng Lord.
                              Ha, ganon ba talaga yon?! Tignan ang sinabi ni Jesus sa Luke 9:23-25:
                              Then he said to the crowd, “If any of you wants to be my follower, you must give up your own way, take up your cross daily, and follow me.  If you try to hang on to your life, you will lose it. But if you give up your life for my sake, you will save it.  And what do you benefit if you gain the whole world but are yourself lost or destroyed?
                              Ang pagtanggap natin kay Jesus ay nangangahulugang "Pagsunod" sa Kaniya. Hindi sa plano natin at sa nais natin. Yan ang tunay na marka ng Kristiyano, nabubuhay para sa kalooban ng Panginoon. Sabi ni Apostle Paul sa 2 Corinthians 5:15
                              He died for everyone so that those who receive his new life will no longer live for themselves. Instead, they will live for Christ, who died and was raised for them.
                              Emphasis sa, "No longer live for themselves." Ang mga tunay na tagasunod ng Panginoon, hindi na tinatanong kung ano ang plano nila. Ang tanong na nila, "Anong plano mo Lord?"
                              Hala! Oo nga noh, pero sa sunod na chapter na natin talakayin yan. Hahaha.
                              Pero tignan muna natin ang mga sarili natin. Ang mga plano at nais natin. Ano ang mga motivation sa likod ng bawat pangarap? Bakit gusto mong pumuti, pumayat, o pumogi? Bakig gusto mong yumaman? Bakit yan ang plano mo?
                              Nung isang araw, nakatingin ako sa liptint at eyeshadow ko. Pero napatanong ako, bakit ako nagme-make up? Para gumanda? Para sumikat? Tinapon ko lahat ng make-up ko kasi narealize ko na mali ang puso ko. Hindi ko sinasabi na itapon mo rin make-up mo ha. Pero ang isa sa mga tinuro sa akin ni Lord is yung motive of the heart (Based on James 4).
                              Narealize ko na may mali sa puso ko: Insecurities. Natutunan ko na tanggapin ang sarili ko dahil mahal ako ni Lord. Sobrang dami kong plano sanang bilhin pero nawala silang parang bula dahil sa tinuro ng Diyos sa kaniyang salita. Ikaw, anong plano at nais mo?
                              A P P L I C A T I O N:
                              Bagong taon na! Ano ang mga plano mo? Kumuha ng isang papel (or itype sa phone, pero prefer ko sa papel) at isulat ang mga goals at wants mo. Pwede kahit ano. Magkaboyfriend ba yan, or yumaman.
                              Mag-pray ka at ipanalangin na ipakita sayo ng Panginoon ang mga bagay o dahilan bakit ito ang mga isinulat mo.
                              Ano ang maaari mong matuklasan? Maaring makita mo yung mga bagay na dapat mong hanapin sa Panginoon at hindi sa mundo. Mga kasinungalingan sayo ng kaaway na hindi dapat paniwalaan. Mga sugat sa nakaraan na dapat ipanalangin. 
                              Ipanalangin at iaalay ang mga ito. Tanungin ang Panginoon kung ang mga goals at nais mo ay naka-align sa plano niya. Tandaan ito: 
                              "We can make our plans, but the Lord determines our steps." Proverbs 16:9 
                                                                                                                    
                              Let us share the word of God! Comment down, tag your friends, or share this Wattpad story to your loved ones. Thank you. If you have personal concerns, send me a direct message on my Wattpad account. Malay mo, yun na ang next topic!
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Running The Race (Christian Devotions)
Non-FictionDisclaimer: This is a Christian Book! Bilang mga Kristiyano, ano nga ba ang dapat nating gawin? Doon na ba natatapos yun sa pagtanggap natin sa Panginoong Hesus bilang tagapagligtas? May mga dapat ba tayong gawin? Anong sunod na hakbang? Isa ako sa...
 
                                           
                                               
                                                  