Onwards to Success

42 1 0
                                    

For whoever wishes to save his life [in this world] will [eventually] lose it [through death], but whoever loses his life [in this world] for My sake will find it [that is, life with Me for all eternity].
Matthew 16:25 AMP

Hindi ko alam kung tulad mo ako na addicted sa progress at success. Simula nung elementary ako, sobrang competitive ko na. Hanggang ngayon, gusto Kong maging successful. Sino bang hindi gustong maging successful?

Di ba't pangarap na natin yun nung bata pa tayo? Yung maging mayaman at successful, tulad nung mga nababasa natin sa Wattpad about sa mga revenge- Yung mga pinamukha nila sa mga nang-alipusta sa kanila yung pera nila?

Lalo na ngayon na matindi ang endorsement ng self-love. Glow up. Improve. Achieve your dreams kuno. Wala namang masama doon, pero kung mas nagoglorify na natin ang sarili natin kesa di Lord, mag-isip isip na tayo.

Short story: Hindi ako nagcollege. Syempre sobrang nainsecure ako sa mga classmates  ko na nakapag-college. Pero nagtitiwala ako na kung ano man ang plan ni Lord, mas the best yun. Pero nung quarantine habang marami pa akong tanong sa Lord, nanonood ako ng mga motivational videos.

Now, hear me out. Eto yung mga tumatak sa isipan ko: Law of Attraction, Affirmation, etc. At Kung anu-ano pang related na mga terms diyan.

Muntik na akong mawalan ng pera dahil diyan.  Pero lately nagkaroon ako ng conviction na these things are not of the Lord. We are not to attract anything to ourselves. It is a narcissistic attitude. Imbis na si Jesus ang maitaas, sarili ko. Pangarap ko. Desires ko.

Tandaan na hindi purkit ginagawa ng marami, ito ay tama. Naalala niyo ba yung kwento about kay Jesus at sa mayaman? Anong sabi ni Jesus, "Ipamigay mo ang yaman mo sa mga mahihirap." At anong ginawa nung mayaman? Naglakad siya paalis, malungkot kasi marami siyang ari-arian.

Bakit siya malungkot? Kasi mayaman siya e. Pinaghirapan niya tun tapos bibigay niya lang? Ang point is, mas mahal ng mayaman yung yaman niya kaysa kay Lord.

Dito tayo sinusukat. Sino ba talaga? Follower lang ba tayo ni Hesus kasi uso? Kasi nainfluence ka? Kasi ang galing ng pastor? Bakit tayo sumusunod?

O follower tayo ni Jesus kasi alam natin na siya ang katotohanan? Kasi alam natin na Siya ang dulo? Na deserving siya sa pagsunod natin? O dahil, wala lang?

Ang tunay na success na dapat nating habulin ay ang makita si Hesus. Dapat hindi pang temporal ang success natin... At partida, hindi lang ito success kung hindi ay VICTORY.

Kapatid, ok lang na hindi ka graduate ng prestigious na course, o kung di ka ganon kaganda. O mahirap ka lang. Ang mahalaga sa dulo? Kilala ka ng Panginoon. Strive for that AUTHENTIC SUCCESS. Ang tunay na successful ay yung mga taong nagawa ang kalooban ng Panginoon.

Pabalik na Siya kapatid. Wag na natin ubusin ang oras natin sa pagpapayaman sa physical, pero magpayaman tayo sa pag-ibig, sa mga bagay na espiritwal at makakapagbigay papuri sa Panginoon.

--------------------------------------------------------------------------
Let us share the word of God! Comment down, tag your friends, or share this Wattpad story to your loved ones. Thank you. If you have personal concerns, send me a direct message on my Wattpad account. Malay mo, yun na ang next topic!

Verse link:

https://bible.com/bible/1588/mat.16.25.AMP

Running The Race (Christian Devotions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon