Waaahhh. Sobrang stress ako at busy, alam na, buhay estudyante eh. Kapos lagi sa oras. HAHAHA. So ayuuun. Tagal kong di nakapag-update HAAAAAAAAAAY. May nagbabasa pa ba nito? Parang gusto ko na i-delete yung mga stories ko, nawawalan na ng patutunguhan yung pangarap ko eh. Haaay, nakuu ang drama.
Baka maging regular na ang update ko, you know, vacation na eh.
Vote. Comment. Suggest to friends.
Akswali, kagabi pa dapat 'to. Tinopak ang internet namin eh. Pinasabik ang bestfriend ko. HAHAHA.
Surprise bestfriend, sorry talaga, iloveyou.
~~
Chapter 10:Audition
Venice's POV
"Ma'am, gising na po, malapit na po mag-seven." sino ba 'tong istorbo sa pagtulog ko? Alam ko seven am na. W-wait, what?!
"Seven na?! Ate Lucy, bat ngayon mo lang ako ginising?! Buti na lang at Wednesday ngayon, wala kaming first subject. HUHUHU. Ate Lucy, paki-handa na po ang banyo, kakain na po muna ako sa baba, thanks po." pagka-sabi ko nun dumiretso na ko sa baba para kumain, sakto at bacon ang ulam. Waah, matatagalan ako nito eh.
"Oh, Good morning Venice! Kain ka na, male-late ka pa nyan eh, anong oras ka na ba natulog? Tignan mo oh, halatang halatang wala kang tulog dahil sa eyebags mo." bungad sakin ni mama pagkaupo ko sa mesa.
"Good morning din, mom. Paano ba ako makakatulog ng maayos kung di ako makatulog sa kaka-isip sa pic-- sa activity namin sa school. Nakaka-stress you know, 1st quarter pa lang dami ng gagawin." okay, kalma, muntik na ko madulas dun eh.
Paano ba naman ako mapupuyat, kung wala akong tulog sa kakaisip sa picture na yun?! Hindi ako nagseselos ha! Naiinis ako kasi halos makonsensya na ako dito sa kaiisip kung galit siya sakin, tapos siya, nandun lang sa kung saan at party ng party. Aba matindi. Naiinis ako, yun lang yun.
"Venice, are you listening? Kanina ka pa mukhang lutang diyan ah, wag ka na kaya pumasok?"
"I'm fine mom. Akyat na po ako para makapag-handa sa school."
Habang naliligo ako, yun pa din iniisip ko, natauhan lang ako nung kumatok si mom at sinabing 7:30 na, nagmadali ako pati sa pagbibihis, tutal Miyerkules naman ngayon, simpleng skinny jeans at medyo loose na shirt, nag-converse na lang ako, nakakasawa na mag-heels, at isa pa, medyo matangkad ako kaya di na kailangan ng heels. Make-up? Nah, pulbos lang, bihira lang ako magmake-up eh. Buti na lang at 10 minutes lang ang papunta sa school kundi haggard agad umagang-umaga. Pagkaupong-pagkaupo ko, bumungad sa maganda kong mukha si Danielle.
"Venice, nakita mo na? Nakita mo na?!" huh? Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to? Aga-aga chismis yung ibubungad sa 'yo.
"Ang alin? Ang aga-aga ha. Chismis nanaman ibubungad mo sakin." napasimangot na lang siya. Eh sa totoo naman eh.
"Eto oh, picture este MGA picture ni Nathan with some oh-so-hot girls." Leche, wala na bang mas igaganda yung araw na ito?
"Oo, walanghiya yang lalaki na yan! Halos mabaliw ako dahil sa konsensya ko tas siya nagpapaka-sarap dyan sa kung saan man yan! Leche talaga!" pagkasabi ko nun, biglang nagbago yung tingin sa akin ni Danielle. Oh no. Isa lang ang ibig sabihin ng tingin na yan.
"Uyy, nagseselos siya! Ayeeeh. Sabi na nga ba gusto mo si Nathan pakipot ka pa eh!" aba't ang kakulit naman nito.
"Hindi no! Naiinis lang ako! Bwiset!" hindi na muling nakapagsalita si Danielle dahil dumating na ang teacher namin, so ayun, after nung nag-announce siya na lubos na nag-pasaya sa amin.
BINABASA MO ANG
One Step Closer
Teen FictionPagdating sa pag-ibig, nakakabobo. Kahit gaano ka pa katalino, magiging tanga ka pag tinamaan ka ng pag-ibig. Tipong nandyan na sa harap mo di mo pa nakikita kasi lagi kang nakatingin sa nakaraan. Kailan nga ba ito marerealize ni Venice?