Chapter 3: Enrollment Day
Venice's POV
Kasalukuyan kaming nakapila ni Danielle sa tapat ng office, dito ka muna pupunta dahil may screening pa. Sus, 3rd year na may screening pa! At kung anong pangalan ng university namin, Mayfield University or MU. Private sya and maayos naman, hindi naman yung masyadong OA na school, yung pangkaraniwang private.
"Sana naman, may bago tayong kaklase, nanakasawa na yung pagmumukha nyo eh. MWAHAHA."-Danielle
"Excuse me, masyado akong maganda para pagsawaan noh. If I know may gusto mo lang ng bagong boylet. Well UMASA ka na lang."
"TSE"
After 30 mins. nakapag enroll na kami at sumama naman si Danielle sa botique ni mommy.
"Wow, ang ganda ng bagong designs nyo ha. Pwede ba ko magsukat at bumili kahit next week nyo pa ilalabas yan?"
"Uh actually Danielle, di pa namin sya pwede ibenta, kasi buong collection ang dapat idisplay pag inilabas yan at isa pa limited kasi yan, konti lang ang ginawa kasi may pagka mahal. So hintay hintay ka na lang. Inform kita ha."- Me
"Ok. So tita, kelan naman nagka interest si Margarette dyan safashion achuchuchu na yan? The last time I checked wala syang hilig dyan pati sa make up eh."
"Oh Danielle, simula nung uhh.. nung.. you know, nag break sila ni Zeke. Tinuon nya dito sa botique ang pansin nya, actually sa kanya ang ibang designs dyan, at kung sa make up naman. Nako, di pa rin sya mahilig dun." - Mommy
"Mommy, ayoko ng make up ok na ko sa botique and Danielle, don't call me MARGARETTE!" with matching irap pa ha! ;)
"Oh tara na uwi na tayo, hinahanap na ko ni mommy e. Bye tita. Yung damit ha."
"Sure, ingat."
Nung pauwi na kami, tahimik lang ako hindi ko nga napansin na nasa bahay na pala kami ni Danielle, nag bye lang ako at napaisip. Kamusta na kaya si Zeke? Naka move on na kaya siya? Kasi ako? Hindi pa. Maghapon lang ako sa kwarto at bumaba para magdinner at ginawa ang ritwal ko bago matulog.
~~~~~~~~~
Yuhoo. May readers po ba ko. Kung meron. Hii. Comment naman kayo. :)
BINABASA MO ANG
One Step Closer
Novela JuvenilPagdating sa pag-ibig, nakakabobo. Kahit gaano ka pa katalino, magiging tanga ka pag tinamaan ka ng pag-ibig. Tipong nandyan na sa harap mo di mo pa nakikita kasi lagi kang nakatingin sa nakaraan. Kailan nga ba ito marerealize ni Venice?