Chapter 9: Her Side and THAT Picture

35 2 0
                                    

Hmm. Sorry na, ngayon lang ako nag-update. HUHU. Kasi naman, last week puro test kami pati nag-periodical kami last week. Sorry na. HAHAHA. Student lang. Napapagod din kami, CHOS! 

Namiss ko Nathan and Venice. Pfft. HAHAHA. 

Please DO read The One That Got Away by iamMissReen. That's  me! HAHA. Parating na si Vam. Hmm. :)

So here's the new update. Enjoy. Inextract ko pa po ituu para lang makapag-update ngayon na agad-agad.

P.S: Nagdalawang isip ako kung sino ang makakasama ni Venice eh. HAHAHA.

~~
Chapter 9: Her Side and THAT Picture

Venice's POV

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Totoo ba 'to? S-s-siya? Sa lahat ng makakasama ko sa detention siya pa?! Nawala ang antok ko. Hay, pero sa bagay, ako lang ba may karapatang ma-detention? 

"Oh, hi Venice. Anong nangyari sayo?" sino pa ba? Ang tanging babae na umagaw sa aking iniirog. HANUDAW? Lalim nun ah.

"Ah, eh, kasi nakatulog ako sa klase eh. HAHA. Bakit ka nadetention?" tanong ko, sabi naman kasi sakin ni Zeke mabait siya, model student daw, so, rumarampa siya? Chos lang. So ayun nga, bakit naman nandito siya?

"Sinampal lang naman ako ng anak ng teacher, si Rianne Castro? The Campus Bitch? Akalain mong sabihan ako ng malandi, nilalandi ko daw si Zeke? eh sakto nung sinampal ko siya nakita ni Mam. Castro. Yung terror na prof.? So ayun, diretso detention." wow, feel na feel ko yung galit nya.

"Ahh, alam na ba ni Zeke? Bat di mo sabihin? Stockholder sila dito eh, so magagawan yan ng paraan." suggest ko sa kanya. Malaki ang shares ng pamilya Gonzales dito kaya for sure, mawawala ang bad record nya.

"Ayokong sabihin sa kanya, at isa pa, kahit malaman niya, baka wala pa rin siyang pakialam." kaso hindi ko narinig yung dulo. 

"Ano ulit? Hindi ko narinig eh." sabi ko na lang sa kanya.

"Kahit malaman naman niya, hindi ko pa rin siya hahayaan na alisin ang bad records ko, kasalanan ko din eh, dapat di ko na pinatulan." Wow, ang bait niya pala talaga. Lumipas ang isang oras at nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano tapos biglang..

"Ms. Villaliarte and Ms. Anderson you may leave now. Here's your school diary." sabi samin ng estudyanteng naka-assign na magbantay samin. Yes, student. Kasali sila sa org na SC. Sila yung namumuno sa activities ng school. Naka-assign sila sa iba't-ibang fields, parang nagta-trabaho sila sa school, pero may points din sila. Hindi nila kailangan lagi nandun kung saan naka-assign sila, kapag free lang sila, dun lang sila nagpupunta.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa, hay, hindi tuloy ako naka-pasok sa MAPEH. Ugh. Kainis talaga, so lunch na pala, tinext ko na lang si Danielle, at sinabing magkita na lang kami sa cafeteria. At ang bruha, lawak ng ngiti habang papalapit sakin.

"Girl, sayang wala ka kanina, may nagpa-bigay ng chocolates sakin kanina. Kyaaa!" halos mangisay na sya sa sobrang kilig.

"Oo, masaya ka, naiintindihan ko, chocolates? Eww, pampataba. Kung fries pa yan ng Mcdo baka matuwa pa ko."

"Grabe ka! Nakakataba din kaya ang fries, oily pa! DUH, osya. Libre ko na, humanap ka na ng mauupuan." sabi niya sabay alis para umorder.

"Danielle! Carbonara and chicken ha! Salamat!" sabi ko sabay hanap ng mauupuan. Aba sulitin na ang libre ha! 

Pagkabalik nya saka naman ako nagkwento ng nangyari. 

"Nakasama ko si Janine sa detention." plain kong sabi sa kanya habang nilalaklak ko ang carbonara ko.

"What?! Janine as in? Janine Anderson na girlfriend ng ex mo?!"

"The one and only, kailangan ipangalandakan?! Ang sakit ha, pinakadiin-diin mo pa na girlfriend siya ng ex ko! Sakit pre eh! Oo siya nga!" sabi ko at nagsimula na akong mag-kwento hanggang sa dumating na sa.

"Alam mo Danielle, ayus naman na eh. Kaso may nag-pagulo lang sa isip ko..."

*Flashback*

"Uhh Venice! W-wait!" tawag niya sakin, dahilan para mapa-lingon ako. Nakita ko naman siya na nakayuko at parang hindi malaman kung sasabihin pa ba nya o hindi ang gusto nyang sabihin.

"Bakit?" Sabi ko na lang nung di pa siya nagsasalita.

"A-alam mo, ang swerte mo, kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin, ikaw pa rin ang mahal niya. Osige, una na ko ha? Bye!" Sabay takbo patungo sa kabilang direksyon.

*End of flashback*

"Oh alin dun yung magulo?" tanong niya.

"Edi ano pa ba? Sino yung tinutukoy niya dun na 'niya'? Sino?!" 

"Sino pa ba?! Edi si Zeke! Alangan naman si Nathan di ba? Like duh!" sabay irap, kung magkakaroon ka nga naman ng malditang bestfriend.

"Eh? Siya nga yung girlfriend tas ako pa rin 'daw' yung mahal ni Zeke? Nakakaloka ha!" sabi ko na lang at inubos ang pagkain ko. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room. Since 1 oras yung break namin ay nagdaldalan pa kami at nung dumating na yung AP teacher namin, nagsi-ayusan na ang lahat.

"At iyon ang dahilan ng pagkamatay ni Julius Caesar." blah, blah, blah. Favorite ko ang AP pero ngayon? Parang bored na bored ako. Wala kasi si Nat-- Ano ba Venice! Focus! Kaya wala ka sa Star List eh. Ang boring talaga! Dumaan ang Trigonometry na nagpa-windang sa buong klase, log of blah blah. ItLOG, lugLOG, halina at matuLOG. Grabe kakabaliw. At dumaan ang Chemistry teacher namin at nagpa-assignment lang at class dissmed na daw. Hayy buhay, grabe. Nag-ayos na ko ng gamit at pumunta sa locker area. Nag-iwan ng di kailangan at kumuha ng kailangang reviewhin. Matapos nun ay nag-paalam na ko kay Danielle.

Sa wakas ay naka-uwi rin, humiga muna ako, tapos nag gawa ng assignments at naligo bago kumain. Matapos nun ay ginawa ko na ang aking ritwal bago matulog. Taray ritwal talaga? HAHA. Nag-check muna ako ng social media accounts ko ng biglang may nahagip ang mata ko. Isang picture, na may di kanais-nais na view, si Nathan,  may kaakbay na babae, sexy, maganda, maputi at-- teka, bakit ba ako naiinis? Bakit ba dinedescribe ko sila? At bakit may kumikirot sa puso ko?! Pucha! NATHAN KYLE! Habang ako nandito nababaliw sa kakaisip sayo ikaw puma-party at nagpapakasaya?! May ka-akbay ka pa dyan?! Leche ka!

Bago ko pa maibato ang iphone ko, nag-log out na ko at nagdasal bago matulog.

Humanda ka talaga Nathan Kyle. 

~~~~

So ayan po ang naextract mula sa aking brain cells. Pag-pasensyahan na, madalian lang po yan, walang edit or whatsoever, para mai-post ko lang po siya at hindi mabigo ang naghihintay ng update ko, so salamat po sa pag-intindi. Thanks po talaga. God bless. Ieextract ko pa yung isang chapter na nawala. Grabe, may test pa ata kami bukas, di pa ko nagrereview. WAAAAH. Babye guyth. 

Nasan si Nathan?! Pumaparty duuun. ;)

~iamMissReen

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon