" HAPPY BIRTHDAY ATE XECHIE !!!! " Pagkabukas na pagkabukas nung pinto ng unit nila Xavier, nagsigawan agad kami.. Alam kong masyado ng common yung surprise namin, atleast na-surprise pa rin si ate Xechie.. Hahahah, si Xavier lahat nag-plano nito eh, Ang sweet nga eh, talagang nag-effort sya para sa ate nya.. Ako kaya kung may little brother ganito rin gagawin nya sakin? Hahaha XD Hell no! Dahil kahit kailan hindi ko makakalimutan ang birthday ko ..
" Hala !! Ano to ?" Gulat na gulat na tanong ni Ate Xechie.. Lumapit kami sa kanya habang hawak naman ni Xavier yung bonggang chocolate mousse na cake, favorite daw kasi yun ni Ate Xechie sabi nya.. Nakita ko pa ngang maluha-luha si Ate Xechie eh.. She stared the candle and blew it, ano kayang wish nya.. Hahahah chismakers..
Konti lang kaming nag-celebrate sa birthday ni Ate Xechie, yung tatlong bestfriend nya lang na sila Ate Lyra, Ate Manel, pati si Ate Shrimpy.. Hahahah ang kukulit nilang apat nung nagsama-sama.. Tapos kami lang nila Ems, Glenn pati Xavier pero enjoy kasi masaya..
" Thank you thank you talaga !! " Paalis na kami nun ng unit nila pero si Ate Xechie hindi pa rin matigil sa pagte-thank you.. Dapat dun sya kay Xavier magpasalamat dahil sya ang utak ng lahat ng ito..
" Naku ate Xechie wala yun pati nag-pramis naman ako na babalik ako dito diba? " sagot ko naman.. Nauna nang umalis yung mga buddy buddy ni Ate Xechie eh, sila Ems naman pinauna ko na rin.. Alas-dose na at ngayon lang kami natapos magligpit ng lahat ng kalat.. Enjoy talaga .. *u*
"Eh kasi nag-abala pa talaga kayo ng ganito.. Thanks bro !! " Tapos ginulo ni Ate Xechie yung buhok ni Xavier.. Ang kulit nilang mag-ate.. " Ihatid mo yang si Ayvie ha?" She winked.. Ano na naman yun? Mga language talaga nila ..
" Oo naman yes !! " -Xavier
" Ok sige, goodnight.. Thank you talaga Ayvie .. " Kiniss nya ko sa cheeks then sinara na rin nya yung pinto.. Maaga pa kasi yung si ate bukas sa pasok nya bukas, siguro naman may susi si Xavier ng unit nila kaya hindi na nya kailangan istorbohin sa pagtulog si Ate Xechie mamaya pagbalik nya..
" Thank you sa tulong ah?" sabi nya habang eto pababa na kami papuntang parking lot..
" Hahahaha unli kayong pareho ng ate mo sinabi ng Oo na Oo na.. " He chuckled .. Napa-smile naman ako.. Buti di pa sya ina-antok, alam ko antukin sya eh kaya dapat ngayon namumungay na mata nya..
" Eh ganun talaga.. Sakay na.. " Binuksan nya yung front seat ng kotse at pinasakay ako.. Wow, gentleman ah? Teka marunong pala sya mag-drive? Ayst! Malamang Ayvie sya nga nag-drive nung kotse mo papunta sa condo nila nung mga panahong nagluluksa ka kay Kean.. Bopols lang?
" Thanks.. " Sumakay na rin sya sa driver's seat at in-start na nya yung kotse.. Binuksan ko naman yung radio, Oo hindi halatang pakelamera ako.. Wala namang masama binuksan ko lang eh.. :)
I still remember the day we first met
There was love all around you and me
Nagka-tinginan kaming pareho ni Xavier at parehong natawa.. " de javu? " he said..
BINABASA MO ANG
My Sleeping Handsome
Ficțiune adolescențiBawal basahin ng hindi open-minded at masyadong seryoso sa buhay :D