"Ohayou Gozaimasu!! "
" Ano na namang meaning nun? " tanong ko sa kanya, eh madalas na kasi syang mag-sabi ng mga nakakalokong Japanese word eh hindi ko naman alam yun eh.. Di bale, pagka-graduate ko pag-aaralan ko yang language na yan..
" Good morning! Hehahaha sorry hindi na uulit.. " (^,^)v
"Psh tara na nga, magpapa-cute pa eh.." Kinuha ko na yung backpack ko at papasok na kame.. Simula nang gabing yun nag-promise kasi sakin si Xavier na sya na ang maghahatid sundo sakin sa bahay kahit na wala syang pasok.. Ngayon na pala yung sinasabing match nila Kean at Xavier.. Nag-promise naman sakin si Xavier na hindi na sya tutuloy kahit masabihan pa syang duwag ng mga tao..
"Oh pasok na rin ba kayo?" Napalingon naman kami sa bandang unit ni Ems, kasama nya si Glenn..
"Ah oo.. "
" Sabay sabay na kaya tayo? -Glenn
"Sure"- Ems
*MAIN CAMPUS*
"Haaay ang daming tao.. "
"Eh ang akala kasi nila tuloy pa rin yun match nyo Xavier" Tinap ni Glenn balikat ni Xavier
"In-announce ko na sa page na hindi na tuloy ah?" Alam ko rin nag-post na si Xavier na hindi na tuloy ang match.. Marami pa nga ang nag-react eh.. Pero bakit ang dami pa ring tao..
"Guys punta na lang kaya tayo sa loob ng gym? Malay naten iba ang may laban ngayon.." Pag-aaya naman ni Ems.. Kaya sumunod na kami agad.. Nagulat kami nang may nagchi-cheer para kay Kean.. At meron din kay Xavier.. Ano to? Hindi na tuloy ang match, bakit nandito pa rin sila?
"WOOOOOOOHHHH XAVIER'S HERE!!!!! " Sigaw nung mga nasa kanan.. Eh ano naman kung nandito si Xavier? Hindi sila papatulan ni Xavier.. Walang kwenta tong match na to..
" Xavier labas na tayo.. " Lalabas na sana kami nila Xavier nung may nagsalita sa microphone..
" SO NADUDUWAG KA NGA TALAGA?" si Kean.. Leshe yan.. Bakit hindi na lang nya kami tantanan? Naka-isang suntok lang naman si Xavier sa kanya hindi na sya matahimik.. "ALAM MO ANG DAPAT MONG GAWIN PAG UMAYAW KA DIBA?" Napalingon ako kay Xavier.. May consequence pa rin pag umayaw sya? Bakit ganun? Masyado nilang pinalaki yung away..
"Anong ibig nyang sabihin? What's the consequence?" Tinitigan ko lang si Xavier pero hindi sya nakatingin sakin, na kay Kean ang matalim nyang tingin.. "Tara na Xavier.. " Inaaya ko na syang lumabas pero tinabig nya yung kamay ko kaya nagulat ako..
"I'm sorry.. Kailangan kong lumaban.. I can't afford to loose you.. " Tapos ayun pumunta na sya sa gitna at hinarap si Kean.. Ako naman naiwang nakatayo doon.. I can't afford to loose you? Wala akong ma-gets..
" Magpapalit lang ako.. " sabi ni Xavier kay Kean tapos tumakbo na ito sa locker ng mga player..So talagang tutuloy sya? Psh, Arrgghh Bwiset !! Eto namang si Kean tuwang-tuwa at nag-winked pa sakin.. Eeew kung dati nadadaan nya ko dyan ngayon hindi na..
"Ayvie, tara na maupo na lang tayo.. Wala tayong magagawa sa kabaliwan nila eh.. " Hinila ako paupo ni Ems sa ibabang bleachers mukhang reserved para samin kasi walang nauupo..
"Badtrip na yan, sana pala hindi na ko nagpahatid kay Xavier kung ganto rin pala mangyayari.. "
"Let's watch na lang, parehong magaling yang dalawang yan.. At sure ako Ayvie wala kang idea dahil never ka pang nakapanuod ng laban ng team natin.. " Sabi naman ni Glenn na katabi lang ni Ems... Wala nga akong idea..
"GO GO KEAN !!! GO GO !! GO KEAN GO !! " Malakas ang hiyawan ng kabilang side which is pabor kay Kean.. Pero hindi naman nagpapatalo tong side namin na malakas din ang pagchi-cheer sa kalalabas pa lang na si Xavier mula sa locker room..
BINABASA MO ANG
My Sleeping Handsome
Teen FictionBawal basahin ng hindi open-minded at masyadong seryoso sa buhay :D