*MAIN CAMPUS*
" Oh My Tinapay !! dito na sya papasok !! " - girl 1
" Oo nga i'm so excited na !! " -girl 2
" Ready na ba ang banner?" - girl 3
" Yes pinagpaguran ko yan ha? " - girl 2
" Oh let's go na sa gate .. " girl 1
" Yung iba tawagin nyo na ha? Kailangan bongga ang pag-welcome natin sa kanya !! " -girl 3
Sino ba yang iwe-welcome ng mga babaitang ito? Siomai kailangan may banner pa.. Bago ba ang principal namin at kailangan syang i-welcome? Bakit hindi ko alam yun? Wala man lang nagsabi samin para naman naghanda rin kami sa org.
" BESPREN !!! " Nakita ko si Ems na tumatakbo papalapit sakin habang may hawak na banner? Pati sya alam pero di man lang ako binalitaan? Unfair !!
" Para saan yan? Bago ba ang principal? May darating ba na artista? " Tanong ko, pero kung principal man ang darating siguro bata pa yun kasi maka-prepare naman tong mga to over pa sa over eh.. Kung anu-ano pang eklabu ang nakalagay sa gate ..
" Ano ba.. Diba? Darating si Xavier Calla kaya ganyan kame !! Tara sumama ka na !! " Bigla naman bumagsak ang balikat ko.. Palaka tong mga to, yung lalaking yun lang pala pinaghandaan pa nila ng ganyan, at ang masama kasama pa sa kalandian si Ems.. Pag nakita lang talaga sya ni Glenn lagot sya dun..
" Ayuko bahala kayo dyan.. Aakyat na ko sa room pa-start na ng first class naten.. Halika na !! " hinatak ko sya kaso ayaw magpahila.. Dun lang daw sya sa gate.. Bahala nga sya pag na-markahan ng absent attendance nya.. Tumuloy na ko sa room.. Puro lalaki ang nandito, tatlo lang ang babae.. Nakakaloka, wag nilang sabihing andun lahat ang mga girls sa baba?
" Oh buti hindi ka nakisali dun sa mga naka-abang sa pinapantasya nilang si Xavier ? " tanong ng classmate kong lalaki..
" Naku hindi ko naman kilala yun noh.. Tsaka hindi naman sya artista para pagkaguluhan.. " Pati loyal ako kay Kean !! Alam ko magkakabalikan din kame.. Uhhm, siguro sa Thursday kakausapin nya na ako na na-miss nya ko..
" Hahahah stick to one ah? " I smiled.. " Ngapala may nag-iwan nito kanina para sayo daw.. " Inabot nya sakin yung isang boquet ng rose.. Naku baka kay Kean galing to, sabi ko na nga ba at di nya ko matitiis eh..
" Salamat.. " Naupo na ko sa assigned seat ko sabay buklat sa maliit na note..
*********
hi Ayvie Lovey Dovey..
I missed you ..
Sana nagustuhan mo yung bulaklak..
from: secret lover
*********
Kainis naman eh, akala ko pa naman kay Kean na galing.. Dito na naman pala sa secret lover na to na naman.. ayst, ano na naman kayang dadatnan ko mamaya sa locker ? Puro kung ano-ano na naman .. =_= Makalabas nga muna tutal wala naman akong makausap sa loob..
BINABASA MO ANG
My Sleeping Handsome
Genç KurguBawal basahin ng hindi open-minded at masyadong seryoso sa buhay :D