Ika-anim na Kabanata

11 2 0
                                    




Ika-anim na Kabanata

Malalim ang iniisip ni Tohere, hindi, mahalay pala. Hindi matanggal-tanggal sa isip niya ang imahe ng pakikipagtalik niya sa kay Sue. Hindi naman siya ganito sa iba niyang katalik pero hindi nya rin maipaliwanag kung bakit sa babae lang na katabi nya ngayon nya nararamdaman ang bagay na ito. Natutuwa siya. Nasasabik. Hindi niya maipaliwanag. Pinagmasdan niya ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napakaamo ang mukha nito at mababakas ang kainosentehan, hindi nga niya alam kung bakit nya naatim na gawan ito ng masama. Hindi nya rin naman sinasadya at wala rin naman siyang ibang pagpipilian kundi ang sundi ang iniutos sa kanila. Pero ngayong nasa bisig na niya ang babae, pinapangako niyang gagawin niya ang lahat para makabawi rito.



"Patawarin mo ako." Bulong niya sa natutulog na babae at niyakap itong mahigpit.



Naalala na naman niya ang araw na umuwi siya sa bahay nang araw na umalis siya at nagkasagutan siya ni Sue, hindi nya talaga akalain na aabot ng halos dalawang buwan ang pagtulog nito. Nakonsensya talaga siya simula ng araw na iyon, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa babae. Sinabi ng manggamot na si Tanashi na normal lamang daw ito dahil bumabawi pa ng lakas ang babae dahil sa natamong sugat, pagod, at sa panganganak nito.



Hinaplos niya ang hubad na likuran nito at doon nakapa niya ang mahabang peklat na nahilom na ng panahon. Siya ang dahilan ng malaki at malalim na sugat nito kaya hindi niya alam kung papaano makakabawi sa mga kasalanang nagawa niya.



"Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo at sa anak mo." Hinaplos nito ang pisngi ng babae at binigyan ng mabilis na halik sa labi. "patawad!"



Pagsapit ng umaga...



"Magandang umaga po!" bati ni Sue sa matandang abala sa paghahanda sa kusina. Napalingon naman sa gawi niya ang matanda at magiliw rin siyang binati. "Nasaan po si Tohere?" tanong niya. Pagkagising nya kasi wala na ito sa tabi niya.



"Kinausap lang ang pinuno. Huwag kang mag-alala, baka pabalik na yun." Sabat naman ng matanda habang nasa niluluto ang pansin.



"Ganoon po ba? Nasan po ang anak ko?"



"Nasa kuna, natutulog pa. Nagising kasi kaninang madaling araw kaya tulog na ngayon. Pakitingnan na lang baka nagising na si Tashuki."



"Salamat po ina." Pumunta siya sa matanda at niyakap ito mula sa likod. "Ano pong niluluto nyo? Ang bango po, siguradong masarap yan."



"Naku talagang bata ka, nambola ka pa e aruskaldo lang naman to."

Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon