Ika-apat na Kabanata

14 2 0
                                    


Ikaapat na Kabanata



Iminulat ni Sue ang kanyang mga mata at bumangong may mga ngiti sa kanyang mga labi. Akala niya puro pagsusungit at pagtataray ang kayang ipakita sa kanya ng asawang si Tohere. Pero nagkamali siya. Nagpahayag ito ng pag-ibig sa kanya kagabi. Hindi nya lubos maisip na magagawa nya yon. Sa katunayan nagawa na nga nila iyon, nabuo na nga ang anak nila, pero pakiramdam nya ngayon nya lang nagawa ang ganoong bagay.



"Eee!" tili niya."Ang harot mo Sue." Saway nya sa kanyang sarili habang sapupo ang kanyang mukhang nag-iinit. "Asawa mo sya at normal lang sa mag-asawa ang magganoon, walang masama sa ginawa nyo." Kumbinsi niya sa sarili. "Para akong baliw. Pakiramdam ko ngayon ko lang nagawa ang bagay na ito samantalang may anak na nga kami e..." naalala na naman niya nang hinalikan siya niTohere. "Gusto kong ulitin." Pabulong nyang sambit at nagpagulong-gulong pa sa kanilang kama. Pero napahinto siya sa pagkilos nang makaramdam siya ng hapdi sa kanyang pagitan.



Sa dampa ng kanilang munting bahay, nakaupo si Tohere sa may hagdan na binubulay ang ginawa niyang kapahangasan sa babae. Sa lahat ba naman ng pweding gawin bakit kailangang halikan nya pa si Sue yan tuloy nadala siya sa agos. Ano na lang ang iisipin babae sa kanya, na isa siyang sabik sa init ng katawan ng kanyang asawa? Pero hindi niya mapagkakaila na may kakaiba siyang naramdaman habang pinagsasaluhan nila ni Sue ang kanilang katawan.



Biglang bumukas ang pintuan ng kanilang bahay at nang lingunin niya'y lumabas ang kanyang ina.



"Kanina ka pa gising?" tanong nito at tinabihan siya sa pag-upo.



"Opo!Hindi ako makatulog." Sagot ni Tohere. Ang totoo hindi siya makatulog dahil nagwawala ang kalooban niya sa nangyari sa pagitan nila ni Sue. Hindi pa siya pweding bumalik dahil baka masundan pa ang nangyari sa kanila.



"Bakit?May nagpapagulo ba sa iyo kaya di ka makatulog?" muli nitong tanong. Gusto nya sanang sabihing, 'opo, pinapagulo ng babaeng dinala mo dito ang sistema ko', pero sinarili nya lang iyon.



"Ano po ang sinabi nyo sa kanya?" tanong ni Tohere na ikinangisi naman ng kanyang ina.



"Kailangan mo pa bang malaman?" panunukso nito.



"Bakit nyo sinabi sa kanyang asawa ko sya?"



"Kasalanan mo yan, sinabi ko na sayong nag-asawa ka na at bigyan ako ng mga apo pero ang tagal mo. Kaya ako na lang ang maghanap para sayo."



"Nay!Hindi ko po kailangan ng asawa at lalo pa ng anak."



"Hindi mo kailangan pero kailangan kodito ng manugang na mag-aalaga sa akin."



"Nandito naman po ako."



"Ngayon. Pero bukas wala ka na naman at sa makalawa ka na babalik." Halatang nagtatampong sabi ng ginang sa kanyang anak. "Hayaan mo nang nandito si Sue, anak. Ako ang mag-aalaga sa kanila ng anak nya. Kawawa naman sila at isa pa bagay kayong dalawa.Bakit hindi mo sya sipingan para magkaroon ka na ng anak sa kanya?"



Pinamulahan naman ng binata ang sinabi ng kanyang ina. "Sige!" sabi ni Tohere at tumayo na para hindi mapansin ng kanyang ina ang pamumula ng kanyang mukha.



"Talaga!" masiglang sabi ng kanyang nanay.



"Opo!Pumapayag na akong dito na sila tumira kasama mo."



"At ang anakan sya?"



"Po?"



"Eiii!" parang pinipigilan nitong sumigaw sa tuwa. "Gusto ko yan. Gusto ng maraming apo."



Napatampal na lang sa noo si Tohere dahil sa kabaliwan ng kanyang ina. Alam niyang may pagkaisip bata ito at alam rin ng kanyang ina na siya ang kahinaan ni Tohere.



"Sandali lang. Mag-iinit ako ng tubig at magluluto muna ako." Tumayo na ang nanay niya at pumasok sa loob. Halata sa mukha nito ang saya. Siguro nga ay mabuti na pumayag na muna siya dumito na muna ang mag-ina. Tutal ang pagkakaalam naman ng lahat ay namatay na ang babae ng emperador kaya ligtas pa naman sila rito. Gusto nyang maging masaya ang ina niya na kahit sa ganitong paraan lang niya magawa ay hindi nya ipagkakait. At isa pa, gusto niyang pagbayaran ang kasalanan niyang nagawa sa inosenteng babae at sa anak nito. Gusto niyang bumawi kahit na huli na.



Author's Note: 


Enjoy reading...

Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon