Ikalimang Kabanata
Tuloy lang sa pagsubo si Tohere ng kanyang almusal. Nasa hapag sila ngayon at kumakain ng kanilang agahan pero ang katabi nga ngayon ay nakayuko lang at nakatulala sa kanyang plato na walang laman.
"Sue, hija, ayos ka lang ba?" tanong ng ina ni Tohere.
"Po?" halatang naalimpungatan ang babae sabiglaang pagtawag sa kanya. "O...Opo! Masarap po ang niluto nyo."
At dahil doon ay nalaman ng mag-ina na lutang ang diwa ng babae. Kanina pa kasi itong wala sa sarili dahil ang tanging laman ng kanyang isipan ay ang nangyari sa kanila ni Tohere.
"Wala ka pang nakakain." Sabat naman ni Tohere kaya nabaling ang pansin sa kanya ni Sue pero kaagad rin itong nag-iwas ng tingin at tinakpan ang kanyang mukha ng ng kanyang mga palad at halata rin ang pamumula ng tainga at leeg nito.
"Anong ginawa mo sa kanya, anak?" may himig ng pag-aakusang tanong ng ina sa kanyang anak.
"Wala akong ginawa, ina." Pagtatanggol naman ni Tohere sa sarili.
"Anong wala tayong ginawa? Wala lang sayo ang nangyari kanina?" Sigaw naman ni Sue.
"Anong nangyari kanina?" tanong naman ng ina ni Tohere.
"Aalis na po ako." Paalam ni Tohere at tumayo. Gusto nya kasing takasan ang usapan tungkol sa nangyari kaninang umaga.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sue. "Kailan ka babalik? Sinong kasama mo?"
"Wag ka ngang maraming tanong, di naman kita asawa." Naiinis na sabi ni Tohere sa babae at ikinagulat naman ng dalawang babae ang sinabi niya.
"Anong?" Naiiyak na sabi ni Sue. "A-Asawa mo ako kaya may karapatan akong magtanong. Oo, alam kong wala akong maalala tungkol sa ating dalawa pero alam ko... Alam kong parte ka ng buhay ko." Naiinis na ring turan ni Sue at tumayo na rin at hinarap si Tohere. "Nakakainis ka! Naiinis ako sayo! Alam mo ba yun? Napakasama mo, hindi ko alam kung bakit pa kita naging asawa. Parati mo na lang akong sinasaktan." naluha na talaga si Sue at para mabawasan ang inis niya pinagsusuntok niya ang matikas na dibdib ng kanyang asawa.
Sinalo ni Tohere ang dalawang kamay ni Sue na panay ang hampas sa kanya at hinawakan itong maigi.
"Bitawan mo ako!" reklamo ng babae.
"Aalis na po ako." Yun lang ang sinabi ni Tohere sa kanyang nanay bago pinaupo uli si Sue sa upuan at tuluyan nang umalis.
Iyak nang iyak naman ang asawa raw niyang si Sue. Bakit nasabi ni Tohere na hindi sya ang asawa nito? Talaga bang asawa niya ang lalaki? Dahil kung talagang asawa siya nito hindi ganoon ang magiging trato sa kanya ng lalaki.
"Hija." Tawag ng ginang at dinaluhan siya ng yakap.
"Ang sama nya po.Ang sama-sama nya." Panay pa rin ang iyak ni Sue. Kaya mga ilang oras ang nakalipas, inaliw lang niya ang kanyang sarili sa paggawa ng mga gawaing bahay at pagtulong sa trabaho ng ginang.
"Naku po!" bulalas ng ginang nang makita nya nitong naglalampaso at nagwawalis sa loob ng bahay. Natapos na rin niya ang paglalaba at pagwawalis sa bakuran. "Huwag kang magkikilos, baka mabinat ka. Tumayo ka dyan at maupo ka na lang doon o di kaya'y padedein mo na ang anak nyo." Sabi ng ginang at inalalayan pa siyang tumayo.
"Ayos lang po ako."
"Hindi ayos sa akin yun. Magpahinga ka na, ako nang bahala rito. Sige na hija."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoing
Historical FictionMasarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo. Sana all, mahal... Prologue Maganda ang sinag ng bilog na buwan sa madilim na gabi at maaliwalas ang simoy ng hangin. Isang magandang gabi upang ipagdiwang ang kaarawan ng prinsesa. Naging m...