Ikatlong Kabanata
Sa isang bahay inuman tumungo si Tohere, siya ang lalaking kausap ni Sue kanina, gusto niyang mapreskuhan ang kanyang isipan at makapag-isip siya ng maayos kung ano ang dapat niyang gawin para tuluyang mapatay ang mag-ina. Oo, siya ang lider sa mga kalalakihang humabol at gustong pumatay sa mag-iinang Sue. Binayaran sila para patayin ang mag-iina pero hindi niya akalaing makakaligtas pa ito sa lahat ng ginawa niya sa kaniya.
Nakasisigurado siyang malabong makaligtas pa ito sa mga sugat na tinamo niya at inihulog pa nila ito sa talon. Pero, pagkauwi niya sa bahay nila, ibinalita sa kanya ng kanyang ina na may nakita silang mag-ina sa pampang ng ilog kaya ginamot nila ito at inalagaan ang sanggol.
Sobrang naiinis siya. Kailangang mapatay na niya ang mga ito bago pa malaman ng kanyang amo na buhay ang mag-ina. Hindi niya basta-bastang mapapatay ang mga ito lalo na’t nasa puder ito ng kanyang ina. Hindi rin alam ng kanyang ina ang tungkol sa kanyang trabaho. Kailangang makaisip siya ng isang magandang plano.
Gabi na nang makauwi siya pero nakasindi pa ang mga lampara kaya gising pa ang kanyang ina.
“Nandito na po ako.” Wika ni tohere nang makapasok sa loob ng kanilang munting bahay.
“Ginabi ka nang uwi! Alam mo bang nakatulog na si nanay kakahintay sayo!” galit na singhal ni Sue pero pabulong lang para hindi magising ang nanay ni Tohere at ang kanilang anak.
“Ano naman sayo?”
“Hoy! Asawa mo ako!”
“At sinong may sabi nyan?”
“Nagkausap kami ng nanay mo at sinabi nya sa akin lahat-lahat.”
“Anong lahat-lahat ang sinasabi mo?”
“L-Lahat ng hindi ko maalala. Bakit? Wala ka bang balak na sabihin sakin ang tungkol don!” galit niyang bulong.
“Wala akong balak na makipagtalo sayo.”
“Hoy! Hindi pa tayo tapos mag-usap.”
“Bahala ka sa buhay mo. Inaantok na ako.” Huling sabi ng lalaki at naglakad papunta sa kanyang kwarto. Inaantok na talaga siya. Kahit wala naman siyang ginawa sa maghapon, napagod siya sa kakaisip. Nanakakapagod din pala mag-isip, yan ang hinuha niya. Bukas na lang niya ipagpapatuloy ang pag-iisip.
Ilang oras bago mag-umaga, naimulat ni Torehe ang kanyang mga mata nang maramdamang bumigat ang kanyang pakiramdam. Magkakasakit kaya siya? Hindi niya man lang maigalaw ang katawan niya. Sinubukan niyang bumangon.
“A-Ano to?” gulat na tanong niya sa kanyang sarili nang makitang nasa ibabaw niya ang mahimbing na natutulog na si Sue. Nakapatong ang ulo nito sa kanyang dibdib gayon din ang kanyang kamay. Nakatanday naman sa kanyang binti ang isang binti ni Sue na nakataas hanggang hita ang kanyang saya kaya kita ang kanyang makinis at maputing binti. Mabilis niyang itinulak palayo ang babae sa kanyang tabi. Umungol ito pero bumalik din sa pagkakatulog. Buti na lamang at mahimbing pa rin ang tulog nito. “Bwesit!” galit niyang ipinukol ang kanyang tingin sa babaeng natutulog.
Naisip niyang baka ito na ang pagkakaton para isagawa ang kanyang planong pagpatay sa mag-ina. Uunahin nya muna ang babae bago ang anak nito. Pwedi nyang sakalin ito hanggang mamatay at itapon ang bangkay sa ilog malapit sa kanila. Tama. Ganoon nga ang gagawin nya.Inayos niya ng higa ng babae at pumaimbabaw sa natutulog na si Sue. Ibinuka na niya ang kanyang mga palad at dahan-dahan itong ibinaba para sakalin ang natutulog na babae. Kapag napatay na niya si Sue walang kahirap-hirap na lang ang pagpatay niya sa walang muwang na sanggol. Hindi na niya ito pweding patagalin, kailangang mailigpit na niya ang mag-ina bago pa malaman ng kanyang panginoon na bigo sila sa kanilang atas. Siguradong madadamay ang kanyang ina at ang lahat sa baryo.
Pero ano naman ang kanyang sasabihin sa kanyang ina kung sakaling mapatay nga niya si Sue? Pwedi nya kayang sabihing hindi nya alam kung nasaan ito? O baka pwedi rin nyang sabihing nalunod ito sa ilog nang umigib ito ng tubig? O umalis ito dahil ayaw na niyang manirahan kasama sila? O di kaya’y….. wala na siyang maisip na dahilan. Pwedi na siguro ang nauna niyang naisip.
Nakapulupot na sa leeg ni Sue ang kanyang mga kamay. Handa na siyang wakasan ang buhay ng babaeng ito.
“Tohere.” Sambit ni Sue sa kakagising na tono. “Bakit gising ka pa?”
Labis na ikinagulat ni Tohere ang pagsalita ni Sue. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin o kung paano lumusot sa ganitong sitwasyon. Kapag itinuloy pa niya ang kanyang balak siguradong lilikha sila ng ingay at magigising ang kanyang ina at malalaman ang kanyang plano.
“Tohere.” Muling sambit niya sa pangalan ng lalaki at pinagmasdan ang posisyon nila. “Anong ginagawa mo?”
Pero hindi sumagot si Tohere sa halip hinalikan niya si Sue para isipin nitong hindi siya makatiis at hindi ito maghinala, tutal asawa naman ang iniisip niyang relasyon nilang dalawa.
Pero hindi inaasahan ni Tohereng gaganti ng halik si Sue. “Tohere.” Malambing na sambit ni Sue na nagpagulo pa lalo sa sistema ni Tohere.
Hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman. Natalo siya ng babae. Hindi nya kayang tumanggi dahil mas gusto niyang may mangyari sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoing
Historical FictionMasarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo. Sana all, mahal... Prologue Maganda ang sinag ng bilog na buwan sa madilim na gabi at maaliwalas ang simoy ng hangin. Isang magandang gabi upang ipagdiwang ang kaarawan ng prinsesa. Naging m...