Unang Kabanata
Mag-uumaga na subalit tuloy pa rin sa pagtakbo ang kakapanganak na si Sue kalong ang kanyang bagong silang na anak. Kahit hapong-hapo na, hindi siya pupweding huminto sa pagtakbo. Kailangan niyang mailigtas ang kanyang anak. Nandidilim na ang kanyang paningin at parang malapit nang maubos ang lakas niya.
Nagtago siya sa isang malaking puno. Marahil nailigaw na niya ang mga humahobol sa kanila. ‘Yan ang kumbinsi ni Sue sa sarili. Puno ng luha ang kanyang mga mata at bakas ang takot sa kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang buong katawan at naliligo siya sa sariling pawis buhat sa pagtakbo upang maitakas ang kanyang munting anak.
"Ano nakita nyo ba?" narinig ng banggit ng isa sa mga humahabol sa kanila. Pinangilabutan siya sa narinig. Ito na ba ang katapusan nila?
"Hindi e." sagot naman ng isa nitong kasama.
"Natakasan tayo! Nakakainis!" galit na singhal nito.
“Anong gagawin natin?”
“Hanapin nyo!” Bulyaw nito sa kanyang mga kasamahan. Narinig niya ang mga yabag na nagmamadali at natataranta. “Nakakasigurado akong hindi pa siya nakakalayo.”
Nakahinga ng maluwang si Sue nang makalayo-layo na ang mga lalaking humahabol sa kanila. Inayos niya ang pagkakakarga sa anak at ang makapal na puting sapin na nakapulupot sa maliit nitong katawan. Pinagmasda niya ang nangungulubot at manipis nitong balat. Napangiti siya. “Namana mo ang ilong at mata ng iyong ama, sa akin naman ang labi. Ang kakambal mo kaya. Magkamukha kaya kayo? O magkaiba?” kausap niya sa mahimbing na natutulog na bata.
Naalala na naman niya ang nagyari sampung oras pagkatapos niyang manganak. Hinimas niya ang kanyang puson. “Anuman ang mangyari poprotektahan ko kayo. Makakatakas tayo sa kanila.” Bulong niya sa kanyang mga anak. Pinilit niyang tumayo at maglakad ng paunti-unti. Mahirap. Masakit. Pero kakayanin niya para sa kanyang mga anak. Alam niyang kambal ang kanyang dinadala pero hindi pa nakakalabas ang isa nang pasukin sila sa kanilang bahay at pinagpapatay ang kanyang magulang at kapatid. Kung hindi sila itinakas ng komadrona tiyak na namatay din sila. Pero sa gitna ng kanilang pagtakas, naabutan pa rin sila at pinatay din ang komadrona. Ngayon, nasa kanya nakasalalay ang kaligtasan nilang mag-iina.
Sa kanyang paglalakad, nakarating siya sa isang ilog. Malakas ang agos nito at siguradong mahihirapan sila sa pagtawid. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad na sinusundan ang agos nito. Siguradong may naninirahan sa tabi ng ilog kaya may mahihingan siya ng tulong.Masyadong mabato ang kanilang dinadaanan at nahirapan siya sa pag-akyat-baba sa malalaking bato.
Sa di kalayuan, naaninag niya ang isang lalaki na nanghihilamos sa ilog. Dali-dali siya sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki. Ito na marahil ang tulong na hinihintay niya.
“Nakita na namin sya!” isang malakas na sigaw ang nagpanginig sa buong katawan ni Sue. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakitang nakasunod ang mga kalalakihang humahabol sa kanila. Natunton na sila. Binilisan niya ang paglakad pero sadyang hindi talaga ayon sa kanya ang tadhana. Nadaplisan ng palaso ang kanyang kanang binti na nagpabagal pa lalo sa kanyang lakad. Subalit itinuloy pa rin ni Sue kahit na nagdurugo ang binti niya. Hindi siya pweding mawalan ng pag-asa.
“Tulong! Tulungan nyo kami!” sigaw niya sa lalaking nasa unahan niya. Tuloy pa rin siya sa paika-ikang lakad at tiniis niya ang hapdi at sakit para makarating sa kinaroroonan ng lalaki.
Pero hindi talaga ayon sa kanila ang tadhana. Talaga bang nakatakda silang mamatay na mag-iina? Wala na silang matatakbuhan. Ang lalaking naghihilamos sa tabi ng ilog ay isa din sa mga humahabol sa kanya o marahil ito ang pinuno nila. Tumayo ito at hinarap siya.“Wala ka nang mapupuntahan! Sinayang mo lang ang lakas mo sa pagtakbo kung mamamatay rin lang kayo.” lumapit ito nang lumapit sa kinaroroonan nina Sue. Pilit na binantaan ni Sue ang lalaki na wag lumapit pero nagbingi-bingihan ito hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo nito. Nakakatakot ang mukha nito. May mahabang pekta na nakaguhit sa pagitan ng kanyang mga mata at ilong.
“Pakiusap….” Naiiyak niyang sambit sa kaharap. “Maawa ka sa amin.”
“Pasensya ka na pero kailangan naming gawin ang iniutos sa amin. Kailangan naming patayin ang anak at ang babae ng emperador. Kung hindi….” Bahagya itong natigilan at masasalamin sa mga mata nito ang galit. “Kami rin ang mananagot, kasama na ang mga malalapit sa amin. Kaya wala kaming magagawa kundi ang patayin kayo.”
Alam ni Sue iyon, pero kailangan niyang lakasan ang loob niya. “Hayaan nyo lang sanang mabuhay ang anak ko.”
Napahawak sa sintido niya ang lalaki. “Hindi pupwedi! Ang utos sa amin, patayin ang mag-ina.” Hinablot sa kanyang kanlungan ang sanggol na nakapulupot ng makapal na puting tela at itinapon sa rumaragasang ilog. Nagpalutang-lutang ito at inanod ng ilog. Alam ng lalaki na sa di kalayuan mayroong mataas na talon kaya malabong makaligtas ang bata kapag nahulog doon
“Huwag!!” sigaw ng ina sa sukdulan ng kanyang tinig. Hinabol pa niya at nagbabakasakaling masalo pa niya ang anak pero huli na ang lahat, inanod na palayo ang kanyang munting anak. “Mga hayop kayo!” mangiyak-ngiyak niyang sigaw sa lalaking nasa harapan niya. Walang emosyon ang mukha nito. “Mga wala kayong puso!” nahihikbing sabi ni Sue at napaluhod na lamang siya sa lupa dahil sa pagdadalamhati at dahil na rin sa pagod.
“Patayin na natin yan, Kapitan.” Sabing isang lalaki na kasama ng lalaking nasa unahan niya. Narinig ni Sue ang tunog ng pagbunot ng isang espada muna sa lalagyan nito. Ito na ba ang katapusan nila? Pero hindi man lamang pinagkaabalahang tapunan ng tingin ni Sue ang mga lalaki, tutal mamatay din naman sila.
-------------->Author's Note:
Enjoy reading, everyone! Love lots!
BINABASA MO ANG
Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoing
Historical FictionMasarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo. Sana all, mahal... Prologue Maganda ang sinag ng bilog na buwan sa madilim na gabi at maaliwalas ang simoy ng hangin. Isang magandang gabi upang ipagdiwang ang kaarawan ng prinsesa. Naging m...