Ikapitong Kabanata

12 2 0
                                    


Ikapitong Kabanata

Ang empiryo ng Alzania ang pinakamalawak at pinakamakapangyarihang empriyo na namuno sa daigdig dahil sa pamumuno ni Empirador Shing. Malupit at walang kinakaawaan ang empirador na ito kaya kinakatakutan siya ng lahat. Pero ang kanyang pamumuno ay kailangang maipasa sa kanyang tagapagmana--- ang kanyang anak. Oo nga't namuno ang kanyang anak subalit hindi rin ito nagtagal sapagkat namatay ito dahil sa sakit. Dahil sa walang ibang pagpipilian ang matapang na empirador ipinasa niya ang trono sa walong taong gulang niyang apo bago siya pumanaw dahil sa katandaan. Sa ngayon ay ang apo nito ang namuno sa buong empiryo kahit sa murang edad.



Surii ang pangalan ng batang empirador. Isa siyang matalino at tuso lalo na sa pangangasiwa at pakikitungo sa kanyang nasasakupan. Hindi nya kasi dapat na maliitin ang trabaho ng isang empirador lalo pa't malawak at marami ang nasasakupan nito.



Ngayon ay nakatuntong na siya ng dalawampu't dalawang taong gulang at hindi pa siya naitatali kaya kanya-kanyang presenta ng mga anak na babae ang kaniyang mga ministro. Pero sadyang mailap at mataktika niyang natatanggihan ang alok na pagpapakasal sa mga anak ng mga ito.



"Kamahalan," agaw pansin sa kanya ng kanyang matapat na alkayde. Naglalakad sila sa mataong lansangan ng merkado. Oo, nasa labas siya ng kaniyang palasyo at naglilibot na kasama lamang ang nag-iisa niyang at pinagkakatiwalaang gwardiya.



"Bakit?"tanong niya ng lalaki na nasa tabi niya at kasabayang naglalakad. Walang masyadong nakakapansin sa kanila dahil nakasuot naman sila ng damit ng taong maharlika. "May nakasunod ba sa atin?" parang hindi silang nag-uusap kapag nagsasalita dahil nasa daan ang pansin ng isa habang palinga-linga naman sa paligid ang pangalawa.



"Wala po kaya huwag kayong mabahala. Nais ko lang pong maliwanagan, sana po pagbigyan nyo ang hiling ko."



"Ano yun?"



"Bakit nyo pa ba hinahanap ang anak na lalaki ng tagapagsilbi ng alak?"



Natahimik naman saglit si Surii sa tanong ng kanyang alkayde. Bakit nya hinahanap ang taong ilang buwan ng nawawala at sa pagkakaalam ng ilan ay patay na? Isa lang ang dahilan, dahil umaasa pa siyang makasama ang mag-ina niya. Oo, nabuntis niya ang anak ng tagapagsilbi niya ng alak na sa pagkakaalam ng lahat ay isang lalaki pero walang lalaking anak si Marcus.



Malapit ang loob niya kay Marcus dahil nagsilbi na itong tatay sa kanya at naging anak rin siya itong lalaki. Parating naikukuwento ng lalaki ang tungkol sa kanyang pamilya at lalo pa sa mga anak niyang babae. Mahal nito ang pamilya kaya nagtatrabaho ito ng husto para sa mga anak.



Nagsimula ang pagiging tagapagsilbi nito sa empirador nang magustuhan ang masarap nitong alak kaya lagi siyang nagdadala ng alak sa palasyo ng empirador at siya mismo ang nagsasalin sa kopa nito. Doon nagsimula ang pakikipagkaibigan nila ng empirador.

Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon