Ikalawang Kabanata
“Patayin mo ang anak at ang babae ng emperador. Siguraduhin mong hindi ka papalpak kung hindi alam mo kung anong kaya kong gawin sa nanay at sa kapatid mo. Nagkakaintindihan ba tayo?” yan ang utos kay Tohere ng isa sa mga ministro sa palasyo ng emperador. Dahil sa utos na ito, nakapatay siya ng isang sanggol at isang babaeng nagbubuntis, kaya inuusig na siya ng kanyang konsensya.
Itinungga na naman niya ang alak na iniinum niya. Nandito siya ngayon sa bahay aliwan para uminum at para makalimutan ang mga nangyari kanina.“Ang lalim naman yata ng iniisip mo, panginoon ko.” Mapangakit na sabi ng babaeng katabi niya ngayon at nakapulopot ang mga bisig nito sa braso niya. Nginitian nya ang babae at ibinaba ang kanyang mukha para magkasalubong ang kanilang mga labi at mabigyan niya ng halik ang babae. Yun nga ang ginawa niya buong magdamag, uminum at nambabae para makalimot pansamantala.
Makalipas ang ilang linggo, maagang bumangon si Tohere para makauwi siya sa kaniyang bahay at para dalawin ang kanyang ina.“Ina!” tawag niya nang makapasok na siya sa kanilang bahay, pero walang sumagot. Muli niya itong tinawag pero wala pa rin. “Tada-san, nakita nyo po ba si ina?” tanong niya sa lalaking dumaan sa harap ng kanilang bahay.
“Nasa bahay siya ni Tanashi.” Agad na kinabahan si Tohere sa narinig kaya dali-dali siyang pumunta sa naturang bahay. Si Tanashi ay isang manggagamot sa kanilang lugar kaya malamang na may nangyaring masama sa kanyang ina.
“Ina!” bungad niya nang buksan ang pinto ng kwartong itinuro ni Tanashi na kinaroroonan ng kanyang ina. Nakaupo ito sa isang silya at may kalong na nakabalot sa puting tela.
“Tohere? Nakarating kana pala! Halika dito! Tingnan mo, ang gwapo ng apo ko.” Sabi ng kanyang ina na kinakunot naman ng kanyang noo. Anong apo ang sinasabi ng kanyang ina?
Lumapit na lamang si Tohere at doon niya napansin na isang sanggol pala ang kalong nito. “Saan nyo po galing ang sanggol na iyan?” tanong ni Tohere.
“Wala ka na don! Basta ang mahalaga ay may apo na ako….”masungit na sabi nito sa kanyang anak pero lumambot rin ng bumaling ang tingin sa batang kalong-kalong niya. “Napakagwapo ng apo ko, nagmana sa lola…” pag-aalo nito.
Pero napasabunot naman sa sariling buhok si Tohere dahil sa pagkainis. “Ano ka ba naman ina! Hindi mo kadugo yan kaya malabo na magmana sayo yang bata!” dahil sa sinabi niya pinukulan siya ng matalim na titig ng kanyang ina. “Ibalik nyo na kasi yan sa ina nito baka nag-aalala na yun! Kanino bang anak yan?”
“Sa asawa mo…” maikling sabi ng kanyang ina pero bakas ang saya sa mukha nito.
“Wala akong asawa, ina. Ibalik nyo na ang batang iyan kung kanino man yan.”
“Ayaw ko! Apo ko ito kaya hindi mo pweding kunin nalang sya sa akin. Ako ang nakakita sa kanilang mag-ina sa tabi ng ilog kaya pananagutan ko sila.”
Natigilan naman si Tohere sa sinabi ng kanyang ina at inalisa nya ang mga sinabi nito.“Nakita nyo sa tabi ng ilog? Kailan?”
“Pakialam mo ba? Ang mahalaga ngayon ay may manugang na ako at apo, ang saya ko talaga!” pagtataray ng kanyang ina pero may ngiti naman ang labi nito nang banggitin ang tungol sa kanyang apo at manugang. “Umuwi ka na sa bahay, ako na ang bahala sa kanila. Alam ko namang pagod ka kaya kailangan mong magpahinga. Kaya uwi na!”
Malalim na buntong hininga lamang ang sinagot ni Tohere sa ina bago umalis sa bahay ng doctor at tumungo sa kanilang dampa. Sino naman kayang babae ang napulot ng kanyang ina sa ilog at buntis pa ito? Malabo naman na ang babaeng hinahabol nila ang nakita ng kaniyang ina dahil siguradong hindi na ito mabubuhay sa mga sugat na tinamo nito at ang isa pa ay nahulog pa ito sa talon. Mas naguluhan pa siya lalo pero magpapahinga na muna siya bago niya aalamin ang babaeng napulot ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Panaginip (Unang Aklat)--- ongoing
Tarihi KurguMasarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo. Sana all, mahal... Prologue Maganda ang sinag ng bilog na buwan sa madilim na gabi at maaliwalas ang simoy ng hangin. Isang magandang gabi upang ipagdiwang ang kaarawan ng prinsesa. Naging m...